Chapter 23
Rain's POV
Haaaayyyy!! Hindi ako makatulog. Nakakainis! May pasok pa ako bukas. Afternoon sched. ako kaso minsan inaantok pa rin ako kapag gigising ako. Ewan ko ba pahirapan ako kung gisingin.
Tapos nasa kabila lang kung saan natutulog si Yuu. Yeah, dito na sya pinatulog ni Kuya gabi na daw kasi tsaka malakas pa yung ulan.
Isa pa tomg ulan na to. Lakas ng kulog hindi ako makatulog. Walangya ka Thor patulugin mo ako.
Ano ba yan! Kanina pa ako paikot-ikot sa kama ko hindi ako makatulog!
"Never should've let you go
Never found myself at home
Ever since that day that you walked
Right out the door..""Ay palaka!" Nagulat ako ng tumunog phone ko. Ano ba yan disoras na ng gabi may tumatawag pa.
"Oh Si Yuu pala." Si Yuu pala yung tumatawag. Bat kailangan pang tumawag pwede naman akong puntahan sa kwarto.
"O bakit?" Hahaha. Ganda ng bati ko no?
[Bakit gising kapa?] Tanong ni Yuu. Malamang di pa ako tulog. K. Korny.
"Hindi makatulog lakas kasi ng kulog eh. Ikaw bat gising kapa?" Tanong ko.
[Hindi din makatulog.]
"Namamahay ka siguro no? Haha." Ganun madalas diba?
[Ah siguro? Hindi naman ako ganito sa iba eh.]
"Ah iniisip mo siguro si April" Sabi ko. April na naman.
[Hahaha. Si April agad? Hindi pwedeng ikaw muna? Haha. Joke lang]
Kikiligin na sana ako kaso may JOKE pa eh. Tsk!
"Siraulo. Matulog kana nga lang. Bye na."
[Okay Love. Goodnight!]
"Teka lang Yuu.." Hays! Hindi talaga ako makatulog nakakainis!
"Bakit?"
"A-ah a-ano.. Kasi.. P-pwede bang pumunta ka muna ng k-kwarto ko?"
"Hindi ka makatulog no? Hahahaha! Sige patutulugin kita. Bye!" Then he hung-up.
*Tok! Tok! Tok!*
Agad ko naman binuksan yung pinto. Si Yuu lang naman yun may dala siyang gatas.
"Oh inumin mo." Sabi nya.
"Ayaw. Di ako nainom ng gatas." Hate ko yung gatas.
"Hays! Paano ka makakatulog nyan? Inumin mo na dali. Masarap yan."
"Ayaw." Sabay pout ko.
"Hay nako! Ang hirap mo naman patulugin para kang bata. Hahaha."
"Yuu naman eh."
"Hahahaha. Oo na cute kana wag kana magpout jan." Sabay gulo ng buhok ko. "Ganito na langhumiga kana tapos ipaghehele na lang kita."
"Ano? Ano ako bata?" Ipaghehele daw. Tss! Hindi nako bata no.
"Bata ka naman talaga. Hahaha."
"Yuu naman!" Sabay hampas ko sa balikat nya
"Hahaha. Joke lang. Humiga kna dali na. Alam ko naman takot ka sa kulog. Dito lang ako hanggang sa makatulog ka."
Ayan ka na naman Yuu eh. Masyado mo akong pinapakilig. Nakakainis ka!
Humiga na ako sabi kasi nya eh. Yiih! Kinikilig talaga ako. Hahahaha! Ang landi talaga.
Yuu's POV
Hinahaplos haplos ko yung buhok nya habang kinakantahan sya pero di ko binubuka yung bibig ko.
Nakatulog na ata sya. Naririnig ko na paghilik nya pero mahina lang.
"Para ka talagang bata Rain." Pangalawang beses na 'to na nakasama ko sya matulog.
Hindi maintindihan sarili ko basta ang alam ko masaya ako kapag kasama ko sya ayoko sya mawala sakin. Mahalaga sya sakin, sobra. Ayokong mawala sya sakin.
"Wag mo 'kong iiwang. Please!" Bulong ko sakanya tapos hinalikan sya sa noo.
Iniwan ko na sya at bumalik na sa room ko. Kung tatanungin nyo kung mahal ko pa si April. Oo naman mahal ko parin sya. Kaya nga humingi ako ng tulong kay Rain eh. Pero hindi ko alam parang mali na humingi ako ng tulong kay Rain. Hindi ko na kasi sya maintindihan.
Sa tuwing nakikita kong umiiyak sya nasasaktan ako. Hindi ko man kilala kung sino talaga yung lalaking nagpapaiyak kay Rain pero ang alam ko napakatanga ng lalaking yun. Kung tutusin nga napaka ganda ni Rain sobrang bait pa may pagkasadista nga lang pero mabait sya. Kung hindi ko sana nakilala si April malamang nainlove na ako kay Rain.
May tendecy kayang mainlove ako kay Rain o mainlove sakin si Rain? Hay! Ano bang iniisip ko. Kaibigan ko lang si Rain hanggang dun lang yun. Ayoko masira friendship namin ng dahil lang sa LOVE na yan.
VOTE AND COMMENT PLEASE!
BINABASA MO ANG
One Sided Love (UNEDITED)
Ficção GeralHighest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahit ang sakit sakit na? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit may mahal na siya masaya? "Kung saan k...