A/N: Baka 4 Chapters na lang 'to guys. Hindi pa ako sure "BAKA" lang naman.
Chapter 47
Rain's POV
7:00AM na kailangan ko na magready for school. Kahit ayoko man pumasok dahil na din siguro sa nangyari noong isang araw pero kailangan. Tutal malapit na din naman matapos 'tong sem. na 'to kaya titiisin ko na lang.
8:45AM natapos din ako mag-ayos. Matagal ba? Wala eh. Tamad kasi ako kumilos ngayon. Ayoko kasi pumasok kung hindi lang talaga kailangan.
Bumaba na ako at nagpunta ng kusina. Nakaupo na si Kuya at si Manang naman ay naghahanda ng kape para samin.
"Good morning." Sabi ko lang sa kanila.
"Ang aga mo ata. Mamaya pang 11 klase mo ah." Sabi sakin ni Kuya habang nagbabasa ng dyaryo.
"Maaga ako nagising eh." Sagot ko lang sa kanya.
"Ah." Maikling sabi lang nya. At tumango-tango lang.
"Siya nga pala. Hindi mo ba kakausapin si Yuu?" Biglang sabi naman ni Kuya.
Napakunot-noo naman akong napatingin sa kanya.
"Para saan pa? Tsaka hindi na ako pwedeng lumapit sa kanya." Sabi ko. Gusto ko man sya kausapin pero sigurado naman akong hindi niya ako papayagan na makausap siya.
"Magpapaliwanag ka lang naman eh. Wala naman masama dun diba? Nasa sakanya na lang 'yon kung maniniwala siya o hindi." Sabi naman ni Kuya.
"I'm sure naman hindi 'yon maniniwala sakin. Sinubukan ko na pero hindi niya ako binigyan ng chance para magpaliwanag kaya sigurado akong hindi din siya makikinig sakin." Naalala ko na naman lahat ng masasakit na salitang sinabi niya sakin.
"Malay mo diba pakikinggan kana niya ngayon. Sayang naman kasi ang pinagsamahan niyo. Naging malapit na magkaibigan kayo ni Yuu. Hindi ko naman sinasabi na ibalik niyo kung anong meron kayo dati alam ko naman na masasaktan ka lang niya ulit. Ang gusto ko lang naman eh mapakinggan ni Yuu ang side mo, yun din naman ang gusto mo diba?" Sabi ni Kuya.
Sabagay may point din naman siya. Gusto ko lang naman na malaman ni Yuu ang totoo. Okay lang kahit hindi na kami bumalik sa dati ang gusto ko lang naman eh magkaayos kami bago man lang sana ako umalis.
"Susubukan ko siya kausapin Kuya. Sana lang pakinggan niya ako kahit ngayon lang. Sobrang nadissappoint kasi siya sakin." Sabi ko.
"Sige bunso mauna na ako ah? Bye." Sabay alis ni Kuya. Makaalis na nga din.
Nick's POV
Oha! May POV din ako. Akala niyo sakin. Hahahaha.
Papunta ako ngayon sa Starbucks may kakausapin lang ako.
Gusto niyo malaman kung sino?
Kiss niyo muna ko sa lips! Dali! Hahahahaha. Joke lang.
Kakausapin ko lang yung kinababaliwan ng kapatid ko. Oo tama kayo. Si Yuu nga kakausapin ko.
Medyo masama ang loob ko sa kanya dahil sa ginawa niya sa kapatid ko. Lagi niya sinasaktan si Rain at bilang kuya ni Rain, ayokong may nananakit sa kapatid ko. Kahit sinong kuya naman walang may gustong may nananakit sa mga kapatid nila diba?
Ang hindi ko lang maintindihan sa lalaking 'to. Halata naman na may gusto siya sa kapatid ko bakit hindi pa niya matanggap sa sarili niya. Umiiyak tuloy si Rain. Tsk!
Ayoko na lang talaga makialam sa kanila. Problema nila yan kaya dapat sila nag-aayos pero tutulong na din ako para matapos na 'to. Last year pa kasi 'tong Love Story nila eh, hindi matapos-tapos. Hahaha.
Nakita ko ng pumasok si Yuu. Nakita naman kaagad niya ako.
"Kuya Nick.." Sabi niya.
"Maupo ka." Seryosong sabi ko. Umupo naman siya sa harapan ko.
"Alam mo naman siguro kung bakit gusto kita makausap. Tungkol ito kay Rain." Sabi ko.
"Kuya Nick alam ko naging mabuti kayo sakin pero sa ginawa ni Rain kay April hindi ko na kayang pakisamahan pa si Rain." Sabi ni Yuu.
"Talaga? So wala na pala siya dapat ipaliwanag sayo? Ahh.. Oo nga pala, ayaw mo siyang pakinggan. Ayaw mong malaman ang buong nangyari. Actually ayoko makialam sa problema niyo ang kaso lang may mali kasi kaya tutulungan ko na kayo kahit konti lang. Pakinggan mo lang side niya its up to you kung maniniwala ka o hindi. Ikaw ang mas nakakakilala kay Rain bukod sakin. Alam natin na hindi ganoong babae si Rain. You know what? Its really hard for me to see her crying every night. Ayoko siya nakikitang nasasaktan siya ng ganito."
"Ako rin naman Kuya Nick. Ayoko nasasaktan si Rain. Ayoko nakikitang umiiyak siya. Gusto ko lagi ako nasa tabi niya para pasayahin siya at ipagtanggol siya. I want to protect her pero ako ang nagiging dahilan kung bakit ko siya nasasaktan. Hindi ko naman siya kinamumuhian hindi lang talaga ako makapaniwala na nagawa niya iyon kay April. Nakita ko kung paano niya tinulak si April." Yuu.
"Nakita mo ba lahat? I mean nakita mo ba buong pangyayari?" Tanong ko sakanya.
Umiling ito. "Alamin mo muna lahat bago ka magsalita ng kung anu-ano. Alamin mo muna lahat bago ka magdesisyon. Nasa huli ang pagsisisi. Ang sabi ko nga sa kanya ay lumayo na lang sayo. Mahal ko ang kapatid ko kaya ko ginagawa ito."
"Mauna na ako." Sabi ko tsaka tumayo. "Btw, pagkatapos ka niyang kausapin hindi ka niya guguluhin kahit kailan." Umalis na ako sa shop.
VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
One Sided Love (UNEDITED)
Ficção GeralHighest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahit ang sakit sakit na? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit may mahal na siya masaya? "Kung saan k...
