Chapter 41
Rain's POV
"Yuu bakit mo ba ako ginaganito?" Tanong ko sa kanya. Nakayakap pa rin siya sakin.
Hindi siya sumagot. Nakakainis naman siya eh! Hindi ba niya alam na nahihirapan na ako. Ang hirap na sakin. Ang sakit na, sobrang sakit! Humiwalay ako sa yakap niya at umupo, umupo din siya.
"Tsaka anong namimiss pinagsasabi mo jan?! Lagi naman tayo nagkikita tapos may paganyan-ganyan kapa. Lumayas ka nga. Alis sa kwarto ko!!" Sabi ko ulit.
"Lagi nga tayo nagkikita pero feeling ko napakalayo mo sakin kahit nanjan ka lang naman lagi." Sabi ni Yuu.
Buti alam mo! Kasalanan ko ba?! Hindi naman diba?! Nakakainis ka! Puro na lang kasi si April eh! Unti-unti ng may nagbabago satin.
"Feeling mo lang yun. Umalis kana." Sabi ko sabay talukbong ng kumot.
"Yung about kahapon. Yung nakita mo sa parking--"
"Hindi mo kailangan magpaliwanag sakin. Magsyota kayo ni April kaya gawin niyo gusto niyong gawin." Sabi ko ng nakatingin sa mga mata niya. Tumayo kasi ulit ako tapos nagtalukbong na naman.
"Umalis kana please!" Sabi ko ulit. Ayoko talaga siya makita ngayon.
Naramdaman ko naman pagtayo niya at pagbukas ng pinto pagkasarado nun agad kong inalis yung kumot sa mukha ko.
"Gotcha!" Rinig kong sabi ni Yuu. What the... Hindi pa siya umaalis?!
"Ano pang ginagawa mo dito?! Diba pinapaalis na kita?! ALIS NA!!" Sigaw ko sakanya.
"Bakit mo ba ako pinapaalis?" Tanong ni Yuu. Tanga ba siya o manhid lang? Hindi ba niya napapansin na ayoko siya makita o makausap man lang.
"ALIS NA SABI EH!!" Sigaw ko sa kanya ulit.
"Hindi ako aalis." Pagmamatigas niya. Ang manhid mong gago ka!
"MANHID KABA YUU??!! HINDI MO BA NAPAPANSIN?! AYAW KITANG MAKAUSAP O MAKITA! NAIINTINDIHAN MO BA AKO?! LALO MO LANG AKO PINAPAHIRAPAN SA GINAGAWA MO!! LALO LANG AKONG NASASAKTAN!! WAG MO NAMAN SANA AKO GANITUHIN YUU. NAHIHIRAPAN NA AKO EH..." Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. "Mahal na mahal kita eh pero ang sakit sakit na."
"Sorry.." Sorry?! Yan na lang ba kaya mong sabihin Yuu?! Sorry?!!
"Sorry?!! Puro kana lang sorry!! Hindi lahat ng bagay nadadaan sa sorry! Please lang. Umalis kana." Mahinahon na sabi ko.
Niyakap niya ako. Ano ba?! Bakit ganito si Yuu!! Pero imbis na pagtulakan ko siya hinayaan ko lang siyang yakapin niya ako. Bakit ganito? Bakit di sumusunod katawan ko sa gusto ng utak ko.
"Pasensya na kung napapahirapan kita ng ganito. Sorry talaga Rain. Nasasaktan din ako Rain. Nahihirapan din ako lalo na kapag nakikita kitang umiiyak ng dahil sakin. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kasi hindi kita kaya protektahan kasi ako mismo gumagawa ng dahilan para masaktan kita." Lalo niya pa hinigpitan pagkakayakap niya sakin.
"Alam mo ba nung una pa lang kita nakita ang saya ko. Natutuwa ako sayo tapos narealize ko na lang na gusto kitang protektahan sa kahit sino. Alam kong matapang ka pero gusto ko nanjan pa rin ako sa tabi mo." Sabi niya tapos humiwalay siya sa akin at sinimulan punasan yung luha ko.
"Wag mo akong iwasan please Rain." Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Magsasalita pa sana ako kasi hinalikan na nama niya ako.
Alam ko nakakarami na siya. Ang tanga ko kasi tumugon din ako sa halik niya. Napaka tanga mo Rain.
Pero wala eh. Ganun talaga siguro. Ganyan ko siya siguro kamahal. The way na halikan niya ako may nararamdaman akong kakaiba. Feeling ko mahal niya din ako pero malay mo feeling ko lang yun.
Mga ilang minuto pa bago natapos yung halik na yun. Nakadikit yung noo niya sa noo ko.
"Please Rain.." Pagmamakaawa niya sakin.
Ngumiti lang ako bilang sagot. Alam na niya yun. Hindi ko din naman siya kayang iwasan kahit na gawin ko. Hay! Bahala na nga. Bahala na. Panindigan ko na lang. Nasasaktan na din naman ako ngayon pa lang edi sagarin na natin. Ako din naman siguro mapapagod at titigil mismo sa kakahabol sa kanya.
"Ang selfish mo." Sabi ko. Totoo naman. Selfish niya. Hay!
"Kahit naman iwasan kita or iwan kita hindi ko din naman magagawa. Masyado na ata kitang mahal masyado na rin ata akong tanga." Sabi ko.
Alam kong mali 'to. Boyfriend siya ng kaibigan ko peroano tong ginawa ko? Parang pinagtataksilan namin si April. Pero kas hindi ko mapigilan eh. Hindi mapigilan sarili ko. Mahal ko si Yuu.
"Hindi ko kakayanin kapag iniwan mo ako." Sabi ni Yuu. Niyakap na lang niya ako at niyakap ko din siya.
YUU's POV
Hindi ko kayang nakikita siya umiiyak. Nasasaktan. Nahihirapan ng ganun at ang mas malala pa ng dahil sakin. Ako dapat pumoprotekta sakanya kaso ako tong dahilan kung bakit siya nasasaktan ng ganyan.
Nung sinabi niya na ayaw niya akong makita o makausap man lang may kung ano na kumirot sa dibdib ko. Parang nasaktan ako.
Alam ko mali yung ginawa kong paghalik sakanya. Alam ko na iniisip niyo na masyado akong playboy pero kasi may kakaiba. May kakaiba kapag si Rain na. Hindi mapigilan sarili ko na lapitan siya. Hindi mapigilan sarili ko na gawin yung bagay na yun sakanya. Malaki respeto ko kay Rain, mahalaga siya sakin eh.
Hindi din naman sa pinagtataksilan ko si April. May rason kung bakit ko 'to ginagawa pero kailangan ko din muna masigurado 'tong nararamdaman ko.
Hindi ko siya hinalikan dahil minamanyak ko lang siya or what. Habang hinahalikan ko siya may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko naramdaman 'to ng unang halikan ko si April. Dun ko din narealize na di ko kayang iwan ako ni Rain. Hindi ka kakayanin. Sabihan nyo na ako ng selfish o kung ano man. Basta ayoko, ayokong umiwas sakin si Rain.
--
Sorry napatagal UD ko. Bumibusy sa buhay eh. Nagmidterms kasi kami kaya di ako nakapag UD.
Guys kung hindi man ako agad nakakapag UD pagpasensyahan niyo na busy lang ako sa school or sa ibang bagay. Sana maintindihan niyo.
Sana nagustuhan niyo UD ko today. :)
VOTE AND COMMENT PLEASE!
BINABASA MO ANG
One Sided Love (UNEDITED)
Narrativa generaleHighest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahit ang sakit sakit na? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit may mahal na siya masaya? "Kung saan k...