Chapter 35

2.6K 44 3
                                        

Chapter 35

Third Person's POV

Habang nagkaklase si Yuu hindi naman ito mapakali magmula ng makita niya si Rain sa hallway ng building nila. Hinatid niya kasi si April.


Parang gusto na nitong matapos ang klase para magkausap na silang dawala. Inip na inip na ito.

Maraming tanong sa isip niya na si Rain lamang ang makakasagot.



Sa kabilang banda naman. Kahit anong pilit ni Rain na magfocus sa klase ay hindi niya magawa. Masyado occupied ang utak niya.

Wala siyang ibang naiisip kundi si Yuu. Sa oras na 'to ay gusto na niya matapos ang klase at umuwi na sa kanila.

Sa mga oras na ito ay gusto niya munang mapag-isa. Alam niyang naaapektuhan na din ang mga kaibigan niya sa nangyayari sa kanya.



Yuu's POV

After 4 hours natapos na din ang klase ko. Dali-dali akong bumaba at pumunta sa building nila Rain. Kailangan ko itong makausap. Kailangan ko siya maunahan alam kong hindi ito papayag na magkausap na kami lang dalawa.

Itetext ko na lang si April na hindi ko siya masusundo para naman hindi 'to magtampo. Masyado pa man din itong matampuhin at selosa din.

Nasa tapat akong room ni Rain at thank God at hindi pa sila tapos sa klase nila. Wala din man lang kalahating oras at nagpadismissed na ang prof. nila.

Asual bulungan na naman ang mga babaeng nakakakita sakin dito. Pagkalabas na pagkalabas pa lang ni Rain ay hinila ko na siya.

"T-teka Yuu.. San mo ako dadalhin? Saan tayo pupunta?!" Tanong sakin ni Rain pero hindi ko siya sinagot bagkus kiladkad ko na lang siya.


Baka kasi makita pa kami ni April at magselos na naman ito. Malaki ang selos ni April kay Rain.

Naghagdan na lang kami kasi maraming tao sa elevator.

"Ano ba Yuu! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ni Rain. Pero hindi ko parin siya pinapansin.

"Yuu! Bingi ka ba?! Teka nga! Baka mahulog ako sa sobrang bilis mo maglakad jan!" Sigaw pa rin nito.

Binuhat ko siya na parang nagbubuhat lang ako ng bigas. Nasa harap yung paa niya tapos yung ulo niya sa likuran ko.

"Kyaaaaaaaaaahhhhh!! Yuu ibaba mo ako!!" Sigaw pa rin ni Rain.

"Hindi kita ibaba kahit anong sigaw mo jan kaya manahimik kana lang muna Rain." Sabi ko.

"Ang daming nakatingin sa atin! Yuu, ano ba!" Sabay palo sa may likod ko.

Walangyang babae 'to! Ang lakas ng palo! Feeling ko namumula na likod.

Pagkadating namin sa may parking ay agad kong itong ipinasok sa loob ng kotse ko. Pumasok din ako sa driver seat at agad pinaadar ang sasakyan.

Pinosasan ko si Rain at tinape ang bibig nito. Naalala ko tuloy nung pangawalang beses kami nagkita. Ganito din ang ginawa ko sa kanya. Hahaha.




Rain's POV

Walanyang Yuu na 'to! Tama bang posasan at itape ang bibig ko. Ganitong ganito ginawa niya sakin ah! "AJ1837HEDJKHENJKEY6R83WU4EIKJNKLFH!!!"

[WALANGYA KA YUU!! KAPAG AKO NAKAWALA DITO BUBUGBUGIN KO YANG MUKHA MO!!]

"Mapapagod ka lang sa kakaganyan mo dahil hindi din kita maiintindihan." Sabi lang nito.

Anak ng kambing na may bangs! Ano bang problema ng lalaking 'to?! Kalalabas ko lang ng room wagas kung makahila.

Hindi na lang ako umimik. Nakakaramdam din ako ng antok medyo puyat din kasi ako. Hindi ko namalayan at nakatulog na pala ako.




Yuu's POV

Makaraan ang ilang oras nakarating na din kami sa condo ko.

Pagtingin ko sa katabi ko. "Tulog?"

Napatingin naman ako kay Rain. May maitim sa may ilalim ng mata niya halatang puyat ito at namamaga din ang mga mata niya kanina. Kahit nagmamadali ako napansin ko din yun.

"Yuu.." Nanaginip na naman ba siya? Ako na naman pinapaginipan niya? Hahaha. Grabe!

Baba na sana ako kaso napatigil ako sa sunod niyang sinabi. "Mahal na mahal kita."

Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. May pumatak na luha sa mata niya. Pinunasan ko iyon.

Tama ba yung narinig ko kanina? Mahal ako ni Rain?




Rain's POV

Nagising ako kasi naramdaman kong may nagbaba sa akin sa kung saan. Pagmulat na mata ko si Yuu agad ang nakita ko.

"Buti gising kana. Nasa condo kita." Sabi nito.

Wala na din pala akong posas at tape sa bibig. Wow! Buti ko naramdaman yung pag alis ng tape sa bibig ko.

"Ano bang kailangan mo Yuu?" Diretsong sabi ko sa kanya.

"May tanong ako sayo Rain gusto ko maging honest ka sakin." Sabi nito.

Kinakabahan ako. Alam na ba niya? Well, alam ko na naman na malalaman din niya ito kaya pinaghandaan ko na ang araw na 'to.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Dahil ba sa taong yun kaya ka nagkakaganyan ngayon?" Tanong niya sakin.

"Alam mo naman na OO diba?"

"Bakit siya? I mean bakit mo siya minahal kahit alam mong nasasaktan kana?" Tanong niya ulit.

Bakit nga ba kita minahal Yuu?

"Hindi ko din alam kung bakit ko siya minahal ng ganito basta ang alam ko siya lang ang gusto ng puso ko."

Tumahimik ang paligid.

"Sino siya Rain? Sino ba siya?" Tanong ulit ni Yuu. Napatingin naman ako sa kanya.

Handa na ba ako sabihin sa kanya na mahal ko siya.

Humarap siya sa akin.

"Ako ba? Ako Rain? Ako ba yung taong yun?" Sabi nito.

Nakatitig lang ako sa kanya nakatitig lang din siya sakin. Hinihintay ang magiging sagot ko.

Huminga ako ng malalim, siguro panahon na. Panahon na para malaman niya na. "Hindi ko alam paano nangyari 'to pero Yuu.."











"MAHAL KITA! MAHAL KITA YUU!"

Sabi ko sa kanya. Halata sa mukha niya ang pagkagulat pero agad naman ito nakabawi.









VOTE AND COMMENT PLEASE!

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon