Happy 300 reads!! Masaya na si Author jan. Hahaha. Please magvote sana kayo. Huhu!
ENJOY READING!!
---
Chapter 12
Rain's POV
Pagpasok na pagpasok ko pa lang ng bahay mukha na agad ni mommy ang bumungad sakin.
"MOMMYYYY!!!!" Sigaw ko sabay yakap ko sakanya. Namiss ko talaga si Mommy.
"I miss you Rain."
"I miss you too mom. Kayo po ni Daddy."
"Ehem! Ako ba walang hug galing sa baby ko?" Napatingin naman ako sa likuran ni Mommy.
"Daddy!" Sabay hug sakanya. "Syempre naman po meron din kayo."
"Hahaha! Wala ka parin pinagbago."
"Daddy naman eh. Namiss ko po kayo, sobra!"
"Naku! Bakit sa Dad mo sobra? Magtatampo nako nyan." Si mommy talaga oh. Hahaha.
"Mommy naman eh. Syempre parehas po."
"Nagkakasiyahan ata kayo ng wala ako?" Narinig kong sabi ni Kuya na pababa ng hagdan.
"Tse! Hindi ka kasali dito kuya!"
"Whatever sis. Magbihis kana at kakain na maya-maya."
"Owkeeeyyyy!! Bihis muna po ako."
Grabe! Ang saya ko talaga ngayong araw na to. Sana magtagal pagsstay nila dito.
Pagkatapos ko nagbihis bumaba naman ako agad at pumunta ng Dining area.
"Andyan naman pala ang bunso nyo. Halika kana dito Rain hija at kakain na. Kanina kapa hinihintay ng parents mo." Sabi ni Manang Lor.
"So kumusta naman kayo ng kapatid mo ha Nick habang walang kami?' Pagtatanong ni Dad kay Kuya.
"Ayos naman Dad. Thank God mabait na si Rain. Hahaha!"
"Tse! Mabait naman talaga ako eh."
"Naku! Buti naman. Rain wag masyado matigas ang ulo. Kawawa ang kuya at si Manang Lor sayo." Sabi ni Mommy.
"Yes myyy!!"
"Baka naman may boyfriend kna ng hindi namin alam." Nasamid naman ako bigla sa sinabi ni Daddy.
"Hahahaha! Bunso napaghahalataan ka." Tawang tawang sabi ng kapatid ko. Walang to!
"Oh ayos ka lang ba hija?" Sabi ni Mommy. "Manang pahingi ka po ng tubig." Tawag nya kay manang Lor.
Uminom muna ako bago nagsalita. Wew! Grabe!
"A-ayos na po ako Myy. Daddy naman wala po akong boyfriend!"
Malapit na po. Hahahahahaha. Joke lang. Panghanap niyo nga ako ng boyfriend. Hahaha.
"Good! dapat makilala muna namin ng Kuya mo yan ah? Tandaan mo Rain, lalaki kami ng kuya mo kaya alam namin mga kalokohan ng isang lalaki."
"Yes Dad." Grabe! May paganun-ganun pa si Daddy. Sabagay tama naman sya. Tama ba?
"Sus! Wala daw pero nakikipaghalikan dun sa Yuu." Bulong ni Kuya.
"*cough*" Letse! Nasamid na naman ako. Walangyang to! Hindi parin nya nakakalimutan yun?!
"Baby ayos ka lang ba? Pangalawang beses na yan ah." Sabi ni Mom.
BINABASA MO ANG
One Sided Love (UNEDITED)
Fiction généraleHighest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahit ang sakit sakit na? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit may mahal na siya masaya? "Kung saan k...