Chapter 3
Rain's POV
Medyo kaunti na lang din mga estudyante sa school. Yun na lang mga may evening class and yung iba tambay lang parang ako. Hehehe.
Makapag earphone nga muna. Para naman hindi ako mainip habang naglalakad papunta parking lot at syempre sa byahe.
N/P: For The First Time -The Script
"She's all laid up in bed with a broken heart,
While I'm drinking jack all alone in my local bar,
And we don't know how,
How we got into this mad situation,
Only doing things out of frustration"
Hayy! Ganda talaga ng mga songs ng The Script. Nakakarelax pa. Favorite ko kaya The Script!
"Trying to make it work but man these times are hard,
She needs me now but I can't seem to find the time,
I've got a new job now on the unemployment line,
And we don't know how,
How we got into this mess
Is it god's test?
Someone help us 'cause we're doing our best,
Trying to make it work but man these times are hard"
Minsan sinasabayan ko ng "Hmm.." Parang kinakanta ko na din kaso puro "Hmm.." lang. Magulo ba? Intindihin nyo na lang. Hahahaha!
"But we're gonna start by
Drinking old cheap bottles of wine,
Shit talking up all night,
Saying things we haven't for a while
A while, yeah,
We're smiling but we're clo--" "ARAY!" Ang sakit ng pwet ko. Huhu! Sino ba kasi yang hudas barabas na bumangga sakin. Hindi nya ba nakikita yung byutipul peys ko!! Kaloka!
"Yung ipod ko. Huhuhu! WAAAAHHH! Pati cellphone ko tumilapon" Anak ng pating! Wasak yung ipod ko, naapakan nya kasi. Huhu!
"Ah miss! Okay ka lang ba?" Sino ba tong lalaking to. Lakas ng loob magtanong kung okay ako. Kitang ng mangiyak ngiyak ako dito eh!
"MUKHA BA AKONG o-kay...." Wow! Ang gwapo ni koya. Yung singkit nyang mga mata, ang ganda bagay na bagay sakanya tapos ang tangos ng ilong ang kinis ng mukha. Tapos yung lips nya parang sarap halikan.. ay peste! Ano ba Rain! Umayos ka nga!
"Ah miss? Hello? Okay ka lang? Natulala ka kasi eh. Pasensya na talaga."
"Pasensya? Wow ha! Alam mo bang ang sakit ng pwet ko tapos nakikita mo tong galos na to ha?! eto pa!" Sabay pakita sakanya yung wasak kong ipod tsaka yung cellphone ko. Yan na nga nagbibigay saya sakin pag bored ako eh nasira pa.
"Nakikita mo yan? WASAK NA WASAK NG DAHIL SAYO tapos tatanungin mo ako kung okay lang ako? OKAY KA LANG BA KUYA?!!!"
"A-ah.. Chill lang. Sorry talaga miss, nagmamadali kasi ako eh. Ganito na lang miss palitan ko na lang yan pero sa ngayon sumama ka muna sakin."
Aba! Bakit ko naman kailangan sumama sa kumag na to?!
"Hoy kuya! Bakit naman ako sasama sayo, aber?! Hoy kahit gwapo ka no hindi ako sasama sayo baka bigla mo na lang akong rape-in jan. Tse!" Tatalikod na sana ako ng bigla nya akong hilain.
"Gagamutin ko lang yang mga galos mo miss. Wag kang exag. jan tsaka..." Sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa "Hindi kita type miss."
"Aba't gago ka pala eh. So akala mo type kitang kumag ka? Kapal ng mukha mo! Hmp! Tara na nga at ng makauwi nako!" Ang yabang ng singkit na to! Feeler masyado.
Yuu's POV
Argh!! Grabe puro reklamo na lang tong babaeng magmula na makapunta kami sa sasakyan hanggang sa matapos puro reklamo na lang. Sarap i-tape yung bibig!
"Hoy babae! Pwede ba tumahimik ka muna. Kanina kapa dada ng dada eh. Ingay mo!"
"Letse! E kung sapakin kaya kita ha?!" Napakabrutal pa. Amazona ba to. Tsk!
"O ilagay mo jan building mo, room and kung anong oras matatapos klase mo bukas." Binigay ko sakanya yung phone ko.
"Bakit ko naman yun aber?! Sino ja pa--" Hindi ko na siya pinatapos. Sumasakit tenga ko sakanya. Puro reklamo eh!
"Susunduin po kita bukas para maibigay ko yung mga nasira ko. Okay na po? Kaya pakilagay na lang please? At pwede kna umalis pagkatapos."
Kinuha nya yung phone at inirapan lang ako. Aba! Ibang klase talaga tong babaeng to.
"O ayan na!" Sabay balibag sa phone ko tapos umalis na. Ano kasi pangalan nito? Hays!
"Teka miss amazona!" Tawag ko sakanya.
"O baket?! At anong tawag mo sakin? AMAZONA?! Gusto mong bugbugin kita ngayon din ha?!"
"Ayoko nga! Anong pangalan mo? Fullname?"
"Bakit ko naman sasabihin sayo? Close ba tayo? Tse! Bahala ka nga jan. Makaalis na nga!" Tuluyan na nga nakaalis. Hays! Napaka talaga nung babaeng yung. Pumasok na din ako sa sasakyan ko.
I was about to start the car ng mapansin ko yung lace sa may upuan ko.
"I.D? Tiffany Rain Silverio pala name nya. Haha."
Nakakatawa din yung babaeng yun biruin mo ni hindi man lang natinag sa charms ko. She's really amazing. Kung iba siguro yun sigurado ako nahimatay na sa kilig pero siya hindi tsaka hindi nya ako ata ako kilala. Wow ha! Kakaiba talaga siya.
VOTE AND COMMENT PLEASE!
BINABASA MO ANG
One Sided Love (UNEDITED)
Ficção GeralHighest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahit ang sakit sakit na? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit may mahal na siya masaya? "Kung saan k...
