Chapter 15

2.7K 38 1
                                        

Chapter 15


Rain's POV


Naging maayos naman Christmas and New Year namin. Naging masaya naman kami. Nung New Year kasama ko si Steven dito sa bahay pati family nya. Lagi kasi namin 'yon ginagawa kapag New Year.

Si Jazz naman ayun kasama si Chad nung New Year. Si April naman umalis ng bansa kasama family nya. Si Yuu naman, hindi ko alam. Nung tumatawag sya hindi ko sinasagot at madalas naka off lang phone ko. Nagtext lang ako sakanya na busy ako kaya di ko masasagot mga calls niya.

At ngayon pasukan na naman. Pahirapan na naman sa pagising. Tsk! Bakit kaya feeling ko bitin bakasyon ko? Hahaha. Aminin ganun din kayo.

"Hoy bes! Ang aga-aga ganyan yang pagmumukha mo!" Kasama ko nga pala si Jazz, nasa canteen kami hinihintay yung iba.

"Tsk! Bitin ako sa bakasyon natin eh." sabi ko. Totoo naman eh.

"E ano ngayon? Wag mong sabihin affected ka parin sa nangyari nung christmas?"

"Tsk! Bakit na naman ba napunta dun yung usapan natin?" Tanong ko sa kanya. Naalala ko na naman yung letseng bracelete na yun!

"Bakit kasi hindi mo pa aminin na nagkakagusto ka na din kay Yuu? Halata naman na nagselos ka nun eh." Sabi pa niya.

"Alam mo bes, wag mo nga muna ako guluhin sa mga paganyan-ganyan mo. Utang na loob." sabi ko na lang. Puro siya Yuu eh. Nakakaumay na pangalan niya.



"Good morning bebs!" Sabay akbay sakin ni Steven.

"Ehemmnn!!" Napatingin naman kami sa dun sa nag "Ehem" na yun.

Tsk! Si Yuu pala kasama si April. "O pre, okay ka lang? Inuubo ka ata?" Sabi ni Steven.

"Okay lang ako." Bumaling naman tingin nya sakin. "Ah Rain pwede ka bang makausap?"

"Okay. Anong sasabihin mo?" Cold parin na sabi ko. Ewan ko ba. Naiinis pa rin ako sakanya dahil sa ginawa niya nung christmas.

"Yung tayong dalawa lang please?" Sabi naman nya.

"Bebs. Mauna na ako ah? May gagawin pa kasi ako." Pagpapaalam ni Steven. Tumango lang ako.

"Ah bes may nakalimutan pla ako. April samahan mo naman ako oh." Magproprotesta pa sana si April kaso hinila na siya ni Jazz. Halatang pinagusapan eh. Mga siraulo talaga.



Umupo naman sa tabi ko si Yuu. "Rain.. Galit kba?"

"Hindi." Hindi naman talaga ako galit eh. Nainis lang ako.

"E bakit ganyan ka?"

"Napano ako?" Kunwaring wala akong alam. Hindi ko parin sya tinitignan.

"Rain naman. Sorry na oh. Tignan mo suot ko na yung bracelet na bigay mo." Sabi nya.

"O bat mo pinalitan baka magalit si APRIL nyan." Sabi ko. Talagang inemphasize ko pa yung APRIL.

"Hindi. Alam na nya sinabi ko na sakanya. Sorry na Rain. Hindi ko lang matanggihan si April kasi.." Hindi ko na sya pinatapos kasi inunahan ko na sya.

"Kasi gusto mo siya?" Sabi ko.

Natahimik naman sya sa sinabi ko. Sabi ko na nga ba eh! "P-paano mo.."

"Paano ko nalaman?" Sabi ko. "Halata naman sa mga kilos mo. Yuu, hindi ako manhid para di mahalata yun. Kakaiba mga kilos mo kapag kasama ni April boyfriend nya."

One Sided Love (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon