Chapter 31
Rain's POV
Pauwi na kami gabi na din kaya nagyaya na ako umuwi. At alam ko naman na pagod na si Steven ako din pagod na.
"Salamat bebs." Sabi ko. Nasa tapat na kasi kami ng gate namin.
"Wala yun, basta ikaw bebs." Nakangiting sabi niya.
"Sige pasok na ako ah?" Sabi ko. Aalis na sana ako kaso tinawag niya ulit ako.
"Bebs.." tawag niya.
"Bakit?" Tanong ko.
Linapitan niya ako sabay halik sa pisngi ko. "Goodnight bebs."
Pagkatapos nun sumakay na siya sa sasakyan niya. Akala ko aalis na siya kaso bigla niya ibinaba yung bintana ng sasakyan niya.
"Mahal kita Rain! Kaya susunduin kita bukas." Sabi niya tapos umalis na.
Natawa naman ako kay Steven. Nako! Mahal din kita Steven kaya nga magbestfriends pa rin tayo hangga ngayon eh.
"Kamusta naman ang date?" Biglang sulpot ni Yuu. Teka bat nandito 'to? Kanina pa ba siya dito.
"Teka kanina kapa ba dito?" Tanong ko kay Yuu.
"Well, sakto lang para makita ko lahat." Sabi nito na nakatingin lang sakin ng diretso.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.
"Tinawagan ako ng kuya mo dahil disoras na ng gabi at wala kapa. Ni hindi mo man lang daw siya naalalang itext. Nakapatay ang cellphone mo pati na rin ang kay Steven." Sabi nito. Medyo pagalit na sabi nito. Pakealam ba niya?
"Okay. Ako na bahala mageexplain kay Kuya, makakauwi kana. Salamat." Sabi ko sabay bukas sa gate.
"Talagang nag-ayos kapa para lang sakanya ha? Tss!" Napatingin naman ako sa sinabi niya. Nagseselos ba 'to?
"So? Masama bang mag-ayos kase may date ako. Tsaka kababata ko si Steven."
"Kababata pala ha? Wagas kung makapagsubuan daig pa ang magjowa sa sobrang kasweetan." Sabi nito.
Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Wow ha! Parang hindi tayo ganyan dati." Sabi ko sakanya.
Napatahimik naman siya sa sinabi ko. "O ano? Umuwi kana nga lang." Sabi ko.
Ano naman kaya problema ng lalaking 'to. Napakasungit niya ngayon!
"Wag ka muna makipag boyfriend or magpaligaw." Maotoridad na sabi nito. What the...
"What the hell?! Sino ka para pagbawalan ako?!" Mataray na sabi ko sakanya.
"Basta sundin mo na lang sinabi ko!" Medyo napataas na boses niya.
Anak ng pating naman oh! Nagseselos ba 'tong gagong 'to?!
"Nagseselos kaba Yuu?" Tanong ko sakanya.
Nanlaki naman mata niya sa sinabi ko pero agad naman ito nakarecover. "Hindi. Concern lang ako. Sige mauna na ako." May sasabihin pa sana ako kaso hindi ko na naituloy kasi nakapasok na siya ng sasakyan nya.
Oo nga bakit ba siya magseselos eh may April naman siya. Tsk!
Kinabukasan sabay kaming pumasok sa school ni Steven inihatid niya din ako sa room. Nakakapanibago lang kasi hindi naman niya ito madalas gawin. Baka siguro bumabawi lang.
Natapos ang klase nakita ko naman si Yuu sa harap ng classroom namin. Hindi ko siya pinansin at naglakad. Medyo nagtatampo pa ako sakanya dahil sa nangyari kagabi.
"Rain.." Sabay kulbit sakin ni Yuu. Hindi ko napansin na nakasunod na pala siya sa akin.
"Galit kaba?" Tanong niya.
"Di." Matipid na sabi ko. Bigla naman siya pumunta sa harapan ko dahilan para mapatigil ako.
"Galit ka eh. Sorry na." Sabi niya sabay pout. Bat ang cute.
Ayoko naman din na patagalin tong away na 'to. "Hindi naman ako galit eh. Medyo... nagtatampo lang. Ikaw naman kasi!" Sabi ko.
Hinawakan niya magkabilang pisngi ko. "Sorry na. Nagalala lang kasi ako sayo, bati na tayo pls?" sabi nito.
"Ano pa nga ba? Oo na po." Sabi ko.
Yinakap naman niya ako bigla. "Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis eh! Hahaha." Kumawala naman ako sa yakap niya at binatukan siya. "Aray naman Rain."
"Hahahaha! Buti nga. Bleh! :P"
"Tara na nga baka hinihintay na nila tayo." Sabi naman ni Yuu.
"Teka hindi mo ba susunduin si April sa room niya?" Tanong ko kay Yuu.
"Hindi muna, may balak kasi ako tutal malapit na Valentine's day." Sabi niya. Buti pa si April.
"Kailangan mo ng tulong?" Tanong ko.
"Tutulungan mo ba ako?" Tanong niya sakin.
"Oo naman. Basta ikaw!" Masayang sabi ko pero deep inside nasasaktan ako.
"Yes! Tamang tama! Puntahan na lang kita mamaya sainyo ah?" Sabi ni Yuu. Tumango na lang ako.
Bakit ko nga ba siya gustong tulungan? Syempre kaibigan ko siya kaya kailangan tulungan ko siya. Kailangan maging masaya sila kahit na ang sakit sakit na..
Martyr na kung martyr pero hindi ko din alam kung bakit ko ba ginagawa yung mga ganitong bagay. Siguro nga masyado ko ng mahal si Yuu kaya ko nagagawa yung mga ganitong bagay.
"Hay nako bessy! Ang tanga mo talaga!" Nasa bahay na pala ako. Kausap ko ngayon sa phone si Jazz.
"Sorry naman. Nagmamahal lang." Sabi ko. Totoo naman eh!
"Bakit ba hindi ka nalang mag move on jan sa Yuu na yan. Duh! Anjan naman si Steven ah!" -Jazz
"Gaga! Kaibigan ko lang si Steven besides parang hindi ka naging ganito dati kay Chad ah!" Sabi ko.
"Alam mo bessy halata naman na higit pa sa kaibigan ang tingin sayo ni Steven tsaka magkaiba yun atin. Si Chad gusto ako torpe lang siya nun pero yung sayo 'teh. ONE SIDED LOVE nag peg!" -Jazz
May point naman si Jazz eh. Magkaiba nga naman Love story naman.
Nagtataka siguro kayo kung bakit alam na nito na gusto ko si Yuu no? Ako din nagtataka. Hahaha. Well, bestfriend ko naman si Jazz kaya may karapatan siya malaman yung nangyayari sakin.
"Bunso nasa baba si Yuu." Biglang tawag sakin ni Kuya.
"Baba na, teka lang." Sabi ko. "Bessy I call you later na lang ah? Byebye." Then pinatay ko na yung phone ko.
Oo nga pala pupunta pala dito si Yuu para sa plano namin sa Valentine's Day para sakanila ni April.
Kawawang Rain hanggang ganyan ka na lang talaga. Bakit ba kasi gustong gusto ko yung nasasaktan ako?! Nakakainis naman.
VOTE AND COMMENT PLEASE!
BINABASA MO ANG
One Sided Love (UNEDITED)
General FictionHighest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahit ang sakit sakit na? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit may mahal na siya masaya? "Kung saan k...