Chapter 16
Rain's POV
Saturday naaaaa!!! At dahil saturday na may gimik kami ng barkada. Matagal tagal na din bago ako nakakalabas ng ganito. Medyo naging busy kasi sa studies.
"Rain alis na ako ah? Kita na lang tayo mamaya sainyo. Sabay na tayo okay?" Sabi ni April. Kasama ko sya ngayon nasa mall kami sinamahan ko lang sya mamili.
And I found out na break na pala sila ng boyfriend nya. Sabi kasi ni April mas maganda na maging mag-bestfriends na lang daw sila. Sabagay kung kami siguro ni Steven siguro mas gugustuhin ko pang maging mag-bestfriend na lang kami para mas tumagal pa pagsasama namin. Kasi once na naging kayo at naghiwalay kayo may tendency na kasi na hindi pwedeng ibalik yung dating kayo kasi feeling ko may ilangan na sa bawat isa, diba? Osya, ang dami kong alam eh. Hahaha.
Edi kung break na sila ng boyfriend niya may chance na pala si Yuu kay April. Bongga! Kapag nalaman ito ni Yuu I'm sure sobrang saya niya.
"Okay sige. Ingat! Bye!" Umalis na ito at ako naiwan dito sa starbucks.
Hindi ko na nakakasama masyado si Jazz kasi may Chad na. Si Yuu naman, minsan na lang. Binibigyan ko kasi sila ng time ni April tsaka kapag kasama ko si Yuu syempre andun din April. An sweet nila eh, nakaka-OP nga minsan baka sabihin nila EPAL ako. Si Steven busy daw pero sasama daw sya mamaya.
FAST FORWARD
Nasa kwarto parin ako nagaayos habang hinihintay si April. Tagal naman ng babaeng yun malapit na mag 10PM eh.
"Bunso may naghahanap sayo sa baba." Sigaw ni Kuya.
"Sige, andyan na kuya." Sabi ko. Kinuha ko yung pouch ko. Simpleng dress lang suot ko na color blue medyo sexy sya. Medyo lang naman. First time ko nagsuot ng ganito ah, infairness!!
"Woah! Sexy natin bunso ah." Pang-aasar sakin ni Kuya.
"Tse! Osya alis na ako kuya." Sabi ko tapos bumaba na.
"Tagal mo naman, kanina pa ako naghihintay." Sabi ko kay April.
"Sorry. Hehe. Sexy natin ah!" Sabi naman ni April.
"Hahaha. Sira! Lets go na." Sabi ko.
Tahimik lang kami habang nasa byahe. Wala din naman kasi akong alam ikwento tsaka tahimik lang naman talaga ako. Promise! Hahaha.
"Rain.." Tawag sakin ni April.
"Hmm?" Sabi ko.
"Anong tingin mo kay Yuu." Sabi nya.
Ano nga ba tingin ko kay Yuu. Parang ganito din yung tanong sakin dati ni Kuya. "Hmm.. gwapong lalaki na malakas ang sapi. Hahaha." Sabi ko. Totoo naman. Lakas ng sapi ni Yuu. Hahahaha.
"Oy hindi naman. Talagang ganun lang sya." Sabi nya.
"Hahaha. Pero seryoso. Si Yuu yung tipo na taong sobrang lambing, siguro kung maghahanap ka ng matinong boyfriend pasok sya banga." Sabi ko.
"Actually tama ka. Kaya nga nagustuhan ko sya noon eh."
"Ah.. I see." Sabi ko na lang. Itatanong ko sana kung mahal niya pa rin si Yuu hangga ngayon kaso naunahan na niya ako.
"Rain, may gusto ka ba kay Yuu?"
Napatingin naman ako sa sinabi nya? Bakit lahat na lang tinatanong kung gusto ko ba si Yuu?
BINABASA MO ANG
One Sided Love (UNEDITED)
General FictionHighest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahit ang sakit sakit na? Hanggang kailan mo siya mamahalin kahit may mahal na siya masaya? "Kung saan k...