>>>Chapter 12<<<

40 5 0
                                    

Jade's Photo

--

Jade's POV

"Asan na ba ang mga bruhang yun?!"

Argh! Naiinis na talaga ako. Sabi ni Crystal may lakad daw siya after ng seminar. Yung tatlo naman, hindi ko mahagilap. Tsk! Mga Missing In Action!

"Hey Jade"

"Ano?!!"

Dahil naiinis na talaga ako. Nasigawan ko tuloy kung sino man ang nilalang na yun. Pagtingin ko.

"Ay sorry Lazer. Anong kailangan mo?"

"Wala naman. Mukhang badtrip ka kasi. Anong nangyari?"

"Hindi ko kasi mahagilap ang tatlo. Sabi nila sasakay nalang daw ako sa kotse nila. Tanginang driver kasi yun. Inuna pang sunduin ang pinsan ko."

"Haha. Hoy! Grabe naman toh. Oh siya, ihahatid nalang kita"

"Talaga? Salamat ahh.."

Kahit nahihiya ay sumakay nalang ako sa kotse nila.
Nagvibrate ang phone ko kaya tiningnan ko ito.

From: Jewel <3

Rejection is the reason why people deny their feelings.
--tamaaa!!
Good Afternoon Peopleee~!!
Jgh, from somewhere
Care to text?
SPmention
@someone: Hoy may utang na loob ka sakin
@Jade: Hehe Sorry Gal!
#HimAhehehehe

Bwesit! Umuwi na pala ang babaitang toh!

Saktong pagkatapos kong magbasa. May nagtext uli

From: Ruby Bro :P

Nakauwi na ako. Thank sa concern.

What the heck?!!
May nag text pa uli

From: Diamond <3

Sorry, may inasikaso ako sa bahay.

Sht. Mga paasa! Kahiya tuloy kay Lazer :/

Tahimik lang kami dito sa kotse hanggang sa nakarating na kami sa bahay ko.

"Eto na ba bahay nyo?"

"Yup."

Nagtaka ako dahil lumabas siya. Yun pala, umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto. Aweee, gentleman.

"Ahm. Jade. Pwede bang magstay muna ako sa bahay nyo?"

"Sure. Bakit?"

"Ayoko munang mag stay sa bahay namin."

"Ahh.." yun lang ang nasabi ko. Hindi na ako nagtanong pa, hihintayin ko nalang na siya ang mag open-up tungkol dun.

"Ahm. Upo ka muna, magbibihis lang ako." Sabi ko at dali daling umakyat at pumasok sa kwarto ko.

"Sht. Sht. Ako. Siya. Dito sa bahay." Nagpause ako sandali

"Kyaaaaaaaaaaa!"

Tumili ako at nag dive sa kama.

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon