>>>Chapter 34<<<

21 2 0
                                    

Crystal's POV

"Good. Okay, Let's take a break."

Rinig kong sabi ng photographer pagkarating ko rito.

Tiningnan ko si Dim at nag thumbs up sa kanya. Agad naman niya akong nilapitan at tinaasan ng kilay.

"San ka ba galing? Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ni Manager Zei?! Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag namin."

"Sorry naman. Something came up lang."

Inirapan lang niya ako at agad lumapit kay Xhiera, co-model namin.

Napailing nalang ako at nagulat ng may biglang nagdabog.

"Crystal! Where the fuck have you been?!" Sigaw ni Manager Zei sakin.

"Uhh. May inaasikaso lang Zei."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Sana naman importante iyang inaasikaso mo para ipagpalit tong photoshoot."

"Zei naman---"

"Don't call me Zei!" Napapikit ako sa biglaang pagsigaw niya.

"Na-late lang naman ako eh. I'm still doing the photoshoot"

Inirapan niya ako. "Whatever. Oh, ikaw na! Tapos na si Diamond."

Pagkatapos nun ay agad namang lumapit ang make-up artist sakin at minake-up-an na ako. Then sumalang na ako, and started to pose.

Makatapos ng isang oras ay sa wakas natapos ko na rin ang kailangan kong gawin.

"Okay, guys! Listen! Next week lalabas na ang magazine niyo!" Sabi ni Zei

Agad naman silang naghiyawan.

"Maghi-hit na naman iyan tulad nung nakaraang buwan, Zei!" Sabi ng isang modelo

"I know! At kahit na palagi niyang pinapainit ang ulo ko. Thanks, Crystal! At tulad nung nakaraang buwan ikaw pa rin ang magiging cover ng magazine" sabi niya at ngumiti lang ako.

"So, guys! May isa pa. We'll have a fashion show next week, Saturday sa Tagaytay! So, if magiging successful ito, of course, we will celebrate, my treat" sabi niya na ikinahiyaw naman ng lahit. "That's it. Thanks for today!"

Nag 'woooh' lang ako at agad kinuha ang phone na kanina pa nag vi-vibrate.

Nag excuse ako sa kanila at agad sinagot ang tawag.

"Hello?"

[Hello, Crystal!]

"Napatawag ka?"

[Hmmm. Let's have lunch tomorrow?]

"Tingnan ko lang if di ako busy. Text nalang kita mamaya or bukas ng umaga."

[Sure! Sige. Uh. Bye Crystal]

"Okay! Bye Blue"

I ended the call at inilagay iyon sa bulsa ko. Nagpaalam na ako sa kanila tsaka sumakay sa sasakyan ko.

Napangiti ako. Until now, hindi parin talaga ako tinitigilan ni Blue. Last 2 years, bigla nalang siyang sumulpot sa harapan ko. Syempre, nagulat ako. Eh kasi diba, sumulpot rin siya nung 4th year highschool ako at bigla nalang nawala. So, laking gulat ko talaga nung pagdating ko sa bahay, andiyan siya.

Napatawa ako ng mahina nang maalala ko ulit ang mga pangyayaring iyon. Bigla niyang inabot ang bulaklak na hawak hawak niya at sinabing 'pwedeng manligaw'. Tiningnan ko muna siya ng ilang sandali bago tumawa. Pero napansin ko na seryoso siya kaya kinausap ko ng masinsinan. Sinabi kong si Hiro parin talaga ang nasa puso ko.

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon