Diamond's POV
"Si Thunder nalang ang kulang." Sabi ni Jewel sabay ngiti ng malungkot.
Nagkatinginan naman kaming magkakaibigan at binigyan si Jewel ng nag-aalalang tingin.
Kinwento ko kasi sa kanila ang pagbabalik ni Phoenix. Masaya naman silang lahat pero at the same time ay nalulungkot para kay Jewel.
"Kahit wala siyang matinding rason kung bakit niya kami tinakbuhan ng anak niya ay tatanggapin ko parin naman siya, basta't makumpleto lang kami."
Hindi ko alam kung maaawa o maiinis na ako sa mga pinagagawa niya. Alam ko namang gusto lang niyang magkaroon ng tatay ang anak niya pero ang umasa sa walang kasiguraduhan? Tino-torture lang niya ang sarili niya eh. Pero hanga naman ako sa kanya dahil mas uunahin pa niya ang anak niya kesa sa pansariling kaligayahan. Well, Thunder is also her happiness.
"Mauna na ako at may gagawin pa ako sa boutique" pagpapaalam ni Jewel at tumango lang kami sa kanya. Binalingan niya si Crystal. "Iyong fashion show ah?"
Tumango naman si Crystal at umalis na si Jewel.
"Napaka-masokista talaga niya." Sabi ni Jade pagkaalis ni Jewel.
"Para naman rin iyon sa anak niya." Sabi ko.
"Pero malay mo, bumalik si Thunder. Umayos na rin ang love life natin kaya malay niyo magiging maayos rin iyong sa kanya." Sabi ni Crystal
"At dahil dun, aasa siya ng aasa na babalik si Thunder at magkakaayos sila gaya ng nangyari satin." Sabi ni Ruby at kinuha ang bag. Mukhang aalis na siguro.
"Aalis ka na, Ruby?" Tanong ni Jade. Tumango naman si Ruby kaya kinuha ni Jade ang bag niya.
"Una na kami. Pupuntahan ko rin kasi si Lazer at iyong pinsan niya." Sabi ni Jade.
Tumawa si Crystal. "Buti nalang talaga at pinsan niya iyon."
"Oo nga. Ready pa naman sana akong i let go siya."
Inirapan siya ni Ruby. "Ready ka diyan! Baka magmukmok ka na naman o di kaya ay baka sundan mo pa dun sa America!"
Tumawa naman kaming tatlo at sumimangot si Jade.
"Ang sama niyo! People change! Mga tungunu!"
Mas lalo kaming humalakhak.
"Oh siya! May gagawin rin ako! Alis na kayo! Bye!" Sabi naman ni Crystal at kumakaway.
Kumaway si Ruby samin at umalis habang inirapan kami ni Jade.
"May gagawin ka?" Tanong ko pagkaalis nila
Tumango siya. "Punta lang akong kwarto."
Sinundan ko siya ng tingin habang papaalis siya.
Nagkibit balikat lang ako at nanatili dito sa sala at nanood nalang ng t.v.
Mamaya na ako magbibihis tutal sa gabi pa naman ang lakad namin. Di ko tuloy maiwasang matuwa sa mga nangyayari. Bumalik na si Phoenix at okay na uli kami. Sana talaga na wag magkalat ng lagim iyong ama niya at sirain na naman ang relasyon namin. Hindi ko nga alam kung anong nagawa ko o ng pamilya ko dahilan para tutulan niya kami.
Bumalik ako sa realidad ng may nag-doorbell. Hindi ko na pinansin iyon at hinayaan ang katulong na magbukas.
"Ms. Diamond, may naghahanap po sa inyo."
"Sino?"
"Wala pong sinabi eh"
Nagkibit balikat nalang ako at lumabas. Nang makarating ako sa may gate ay may nakita akong lalaki na mukhang nasa mid-forties.
BINABASA MO ANG
I Swear, I Hate You
RastgeleLove is something I was afraid to do but there is something different about you. You made me do something I swore not to do. You made me FALL IN LOVE WITH YOU ....