Crystal's POV
Nagtiim-bagang ako sa aking nakita. Hindi nagtagal ay tumikhim ako para malaman nila na nandito ako. Napatalon naman sila sa gulat at natigilan si Hiro nang makita niya ako.
Magpaliwanag ka sakin, gago!
"C-crystal."
"Yes, Hiro? Anong meron dito? Pwede ba akong makisali sa usapan niyo?" Taas kilay kong tanong. Lintek. Gusto kong manuntok ng tao. Jusme!
Nanlaki ang mata niya. "C-crystal. It's not what you thi---"
I snap. "Lintek iyang 'it's not what you think' na linyang iyan! Nakakagago!"
Biglang lumapit si Hezekiah Farana. "Crystal, please. Alamin mo muna ang kwento before you jump into conclusions."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ikaw ang kinakausap ko." Sabi ko at tinalikuran sila. Nagsimula na akong maglakad papaalis.
"No, Hezekiah. I can handle this." Rinig kong sabi ni Hiro kay Hezekiah.
Napairap ako sa ere at mas lalong binilisan ang hakbang ko. Nang makarating ako sa may garden kung saan nandun ang mga kaibigan ko, agad nila akong tinawag pero hindi ko sila nilingon.
Magtataxi nalang ako pauwi. Bwesit talaga.
"Crystal!" Rinig kong sigaw ni Hiro at ang kanyang yapak.
Hindi ako tumigil at hindi rin ako naglalakad. Bahala na, nakakapagod na rin. Akala ko hindi na ito mauulit pero putangina, ano to?!
"Crystal." Sabi niya sabay hawak sa braso ko. Rinig ko ang sunod-sunod na paghinga niya. Bumuntong hininga ako at nilingon siya.
"Hiro." Pagkabigkas ko palang sa pangalan niya ay naguunahan ng tumulo ang mga luha ko. Fck.
Nanlaki ang mga mata niya at agad akong niyakap. "Shhh. I'm so sorry, Crystal. Shh" pagsusumano niya sakin.
"I fcking messed up again. I'm so sorry." Dagdag niya.
Bahagya ko siyang itinulak. "I hate you."
Ramdam kong natigilan siya. Kumawala siya sa pagkakayakap at hinawak ako sa magkabilang braso.
"No, please. Don't say that Crystal. Bawiin mo ang sinabi mo." Namumuo na rin ang mga luha sa mga mata niya.
"No. I hate you, Hiro. I swear, i hate you."
"Crystal, please."
Umiling-iling ako. "I hate you. I hate you."
Biglang tumulo ang luha sa mga mata niya at bumitaw siya sa pagkakahawak sakin. Tinakpan niya ang mukha niya at nagulantang ako nang bigla niyang suntukin ang poste na nasa gilid namin! Mas lalong lumakas ang paghagulgol ko.
"I always keep chasing after you pero patuloy ka paring lumalayo! You didn't even give me a chance to explain, Crystal! You just keep on saying that you hate me!" Sigaw niya.
Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng inis at galit.
"Fuck!" I bursted out. "Ano pang silbi ng explanation mo, Hiro?! You fucking hurt me, twice!"
"Alam kong iniisip mo na nambababae ako, Crystal! Well, you're wrong!" Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita uli. "Si Hezekiah Farana. Fiancée siya ng pinsan ko. Nag-uusap kami dahil may kaunti silang problema and I wanted to help."
Napairap ako. "Baka ikaw ang problema nilang dalawa."
"What?! No! I won't go into details because it's not my story to tell but trust me, Crystal. Hindi ko siya babae!"
BINABASA MO ANG
I Swear, I Hate You
OverigLove is something I was afraid to do but there is something different about you. You made me do something I swore not to do. You made me FALL IN LOVE WITH YOU ....