Crystal's POV
"Cheers!"
"Grabe! Na miss ko to!" Dagdag na sigaw pa ni Lazer.
"Ako rin!" Sigaw ni Phoenix.
"Kumpleto na tayo sa wakas!"
Isang linggo na ang nakalipas simula nung magkita kita kaming lahat. Bumalik ang aming dating samahan at sana naman wala ng problemang dadating. Pero kung meron man, ay sana malampasan parin namin ito sa huli kagaya ng paglampas sa mga problema nung nakaraan.
Habang kami ay nagkwekentuhan at nagtatawanan ay pansin ko ang pananahimik ni Hiri habang nakatanaw sa phone niya.
Agad ko siyang kinalabit. "Sino iyan?"
Bahagya pa siyang nagulat pero umiling naman pagkatapos. "Wala toh." Sagot niya sabay balik ng phone sa bulsa niya.
"Crystal!" Tawag sakin ni Lazer kaya binalingan ko siya. "Sino ba first love mo?"
"Oo nga. Sabi mo pa nga dati na ayaw mong ma-in love." Dagdag ni Thunder
"Si Hiro ba?" Tanong uli ni Lazer.
Nagulat pa ako at napatingin kay Hiro na nakaabang na rin sa sagot ko. Maaari ko bang sabihin na hindi siya? Tutal first love lang naman eh. At isa pa, hindi ko na nakikita si Heo.
Ngumiti ako at umiling. "Hindi. Hindi si Hiro."
Napa 'oh' naman ang bibig ng mga lalaki.
"Kung hindi si Hiro, eh sino?" Tanong ni Phoenix.
"Basta. Wag niyo ng alamin."
"Ang daya mo!"
"Si Blue ba, Mine?"
Napalingon agad ako kay Hiro nang sabihin niya iyan. Napaka seryoso ng mukha niya.
Tumawa ako ng mahina. "Hindi si Blue noh! Bestfriend ko lang iyon at isa pa first love iyan ni Diamond!"
Lahat sila ay napalingon kay Diamond. Tumawa ako ng bigla niya akong irapan.
"Talaga Mond? Ba't di ko alam iyan?" Tanong ni Phoenix sa kanya.
"Ang tagal na kaya nun! Hindi na kailangan ungkatin pa!"
"Pero first love mo parin!" Naka-pout na sabi ni Phoenix. Jusme.
"Wala na sakin iyon. Di na iyon importante. At isa pa, may PenPen na sa buhay ko." Biglaang banat niya at umacting naman kaming nasusuka.
Binato ko siya ng tissue na nandito sa mesa. "Langya mo, Dim! Bwesit, last mo na iyan ha!"
"Kinilig ako dun." Sabi ni Phoenix at agad namang naglampungan iyong dalawa. Putek, bahala na kayo sa buhay niyo.
"Buti nalang talaga at nagkaayos tayo." Biglang sabi ni Jewel.
"Oo nga, hindi naman kasi tayo nagkakaintindihan at kulang sa kumonikasyon." Dagdag pa ni Jade sabay sandal sa balikat ni Lazer.
"Yeah. But the important thing is we already learned from our mistakes." Sabat ni Ruby.
Tumango-tango naman kaming lahat sa sinabi niya.
"Hindi dapat padalos-dalos at madadaan naman sa usapan ang mga bagay-bagay." Dagdag uli ni Ruby. Inakbayan naman siya ni Fire at uminom ng alak na nasa baso niya.
"Para sa next time, alam na natin ang ating gagawin. Kung sakali mang may problema mang darating uli, na sana naman ay hindi, ay malalampasan agad natin iyon" Seryosong sabi ni Fire at biglang natahimik ang lahat.
BINABASA MO ANG
I Swear, I Hate You
RandomLove is something I was afraid to do but there is something different about you. You made me do something I swore not to do. You made me FALL IN LOVE WITH YOU ....