>>>Chapter 47<<<

12 2 1
                                    

Crystal's POV

[Crystal!]

Bungad sakin ni Jewel nang sagutin ko ang tawag.

"Oh? Ke aga-aga, napatawag ka. Ano na naman iyon?"

[Tumawag sakin si Yehn!]

Napa poker-face naman ako kahit alam kong di niya ako makikita. "Oh tapos? Anong paki ko?"

[Leche! Nagpadespidida party si Ms. Madaste! Gusto daw niyang nandun tayo.]

Napakunot-noo naman ako. Sino ba iyang mga pinagsasabi niya? Nabagok ba ulo ko at bigla ko silang hindi nakilala?

"Gaga, sino ba iyang mga iyan? Aattend-attend ako tapos di ko naman pala sila kilala."

Rinig kong napabuntong hininga siya. [Pakyu ka, Crystal. Si Ms. Madaste, iyong English teacher natin na nagsasabing, tayo ang favorite niyang section nung Grade 10 tayo!]

"Oh? Tagal na nun ah. Naalala mo pa?"

[Shemps naman! Ako pa! Di ako tulad mo na naging model lang ay nagkaamnesia na. Ha!]

"At sino naman iyang Yehn na iyan?"

Inis siyang napabuntong hininga kaya napatawa nalang ako. [Nabagok ka bang bwesit ka?! Class President natin iyan, hoy! Si Yehn Byeol Algazer! Iyan, complete name. Bwesit!]

"Napapadalas na iyang pagmumura mo, Jewel. Tsktsktsk."

[Paki mo? Kaimbyerna ka kasi!]

Tumawa ako. "Oh ano? Kelan ba iyan?"

[Mamaya na!]

Agad naman akong napasinghap. "Ano?! Agad-agad! Ba't ngayon lang sinabi ng Yehn na iyan?!"

[Eh sa ngayon lang din siya sinabihan eh!]

"Okay. Whatever. Salamat sa info, btch!"

[See you lat--]

"Bwesit. San ba iyan?! Anong oras? Takte!"

She chuckled. [Akala ko alam mo na, di ka kasi nagtanong eh.]

Napairap ako sa ere. "Sagutin mo nalang bruha."

[Alam ni Hiro ang lugar. Tawagan mo nalang siya para sunduin ka. The party starts at 7PM, kaya be ready at 6 or basta! Ikaw na bahala, malaki ka na.]

Napairap uli ako. "Dami mong satsat. Sige, bye na."

[Ciao!]

Then I ended the call.

Itetext ko sana si Hiro kaso naunahan na niya ako.

From: Mine <3

Good Morning, Mine! I'll fetch you later okay?  No need to worry. Be ready at 6 PM. I love you.

Agad naman akong napangiti sa nabasa.

Crystal, wala lang iyong kahapon, okay? Wag mo nang isipin iyon.

To: Mine <3

Thanks! Morning din. See you later ;) I love you soooo much

Lazer's POV

2 pm at nakikitambay ako kila Hiro to kill time. Prepared na ako para mamaya at ang oras nalang ang hinihintay ko.

"Ba't ka ba nandito, Lazer?" Tanong sakin ni Hiro habang busy parin sa phone niya.

Napailing nalang ako. Nagkalove life lang ang gago, kinalimutan na niya ang bestfriend niya. Tsktsktsk.

"Nagpapalipas lang ng oras bro!" Tumayo ako at tumabi sa kanya sa sofa. "At isa pa, matagal na tayong walang quality time. Di mo ba ako namiss?" Biro kong tanong sa kanya habang hinawakan siya sa braso.

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon