>>>Chapter 30<<<

38 3 3
                                    

Picture: Hiro

Jewel's POV

Christmas break na at naisipan naming magbabarkada na pumunta sa Cebu! Omaygash! Excited na ako! First stop namin ay sa Badian kung saan nandun ang Kawasan falls!

"So baby let's just turn down the lights and close the door. Ooh I love that dress but you won't need it anymore--"

"Nandito na tayo!"

Napatigil kami sa pagkanta ng sumigaw ang driver namin na si Manong Ben.

"Yeeeyyyy!!!" Agad naman silang naghiyawan at naguunahan sa pagbaba.

"Dahan-dahan lang mga bata" sabi ni Manong Ben at napatawa ng mahina.

Makalipas ng ilang minuto naghanda na kami at nagsimula ng maligo.

Lumapit ako kay Thunder na nakatayo mag-isa.

"Hey. Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

I waited for his response pero wala. May tinitignan siya. Sinundan ko ang tingin niya at.....boom. Sina Crystal at Hiro pala na masayang nag-uusap. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako na makita siyang nasasaktan. Alam kong ka-OA-han na naman ito pero iyon talaga ang nararamdaman ko. I'm Hurt. Very.

"Hey? Thunder?" Tawag ko uli sa kanya. And Finally! Lumingon na siya.

"Uhh. Yes?"

"Bakit ka nakatayo dito ng mag-isa? C'mon, have fun!"

"Mamaya na siguro, Jewel." Sabi niya at tinignan uli sina Crystal.

Napailing nalang ako at agad siyang hinila.

"W-wait!--"

Tumakbo ako at tumalon kasama siya. At nang makaahon kami, we both gasping for air.

"Tsk. Di pa ako ready!" Sabi niya at tumawa ng mahina.

"Alam mo. Hindi ito ang time para mag-emote!"

"Nasasaktan ako." Biglang sabi niya.

"Alam ko." Sabi ko at niyakap siya. "I'll help you move on. Even if it risks my own heart. I don't care. I just want to fix you." Dagdag ko pa. Wala na akong paki sa sasabihin ng iba. Bahala sila. Mahal ko eh.

Pagkatapos ng ilang oras at kahit pagod pa kami ay nagsimula na kaming bumyahe papuntang Oslob. Doon namin naisipan na magpalipas ng gabi at kinabukasan naman ay mag wi-whaleshark watching kami.

**

Andito na kami. Whaleshark watching. Habang nakasakay kami sa bangka hindi ko mapigilang mapaisip. May chance pa kaya kami ni Thunder? Si Crystal at Hiro, masaya na sila. Same as Ruby and Fire. Si Jade at Lazer naman, almost there, konting push nalang. Si Phoenix at Diamond, magkaaway at ilang pero halata namang may feelings sa isa't isa. Eh ako? Unrequitted. One-sided. Friendzoned. Ang saklap bes.

After non. We spent our whole week in travelling Cebu and having fun.

***

Malapit na ang new year's eve. We decided na sama-sama kaming mag ce-celebrate because our families are in the other countries dahil sa business. Tsk. Well, what's new?

Kumain kami, nagkantahan, nagkwentuhan and lastly, nag-inuman. Tutal wala naman ang parents namin dito, edi todohin na!

"Guys!! Countdown na!" Sigaw nina Crystal at Hiro.

"Omaygaaasshh!!!"

"Game!"

"10....9....8.....7.....6....5.....4.....3.....2........1!"

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon