>>>Chapter 32<<<

30 3 0
                                    

Crystal's POV

"Congratulations, graduates!!"

"Woaaahh!"

"Yessss!"

Nagsihiyawan kami, nagtalunan at niyakap ang aming mga kapwa graduates.

"Sa wakas! Worth it ang paghihirap natin!" Sabi ko sa kanila at agad naman silang ngumiti ng malawak. Pero matapos ng ilang minuto, nakita kong natigilan sila at parang may tinitingnan sa likuran ko.

Agad akong lumingon at natigilan sa nakita ko.

Wow. First time ito.

"C-crystal?" Sabi ng babaeng matagal ko ng gustong makasama.

Napaluha ako. "Mom. Dad." Agad akong tumakbo papalit sa kanila at niyakap sila.

May mga times na kinamumuhian ko sila pero I shove it off. Supposedly galit ako sa kanila pero ngayon na nakita ko sila uli, parang naglaho nalang bigla at saka magulang ko sila, at mahal na mahal ko sila. Miss na miss ko na rin sila.

"Buti po at nakarating kayo"

"Of course, it's your graduation. Pero sorry if nahuli kami"

Kahit hindi sila nakaabot sa graduation ceremony, parang gusto ko paring umiyak uli sa sinabi ni mommy.

Lumapit rin ang mga barkada ko at nagpakilala.

Niyakap naman nila mommy at daddy si Diamond.

"Congratulations, anak. We're so proud of you."

Niyakap ko uli sila.

"Thanks, mom and dad."

"So, ano? Let's have lunch?"

Nagkatinginan kami ni Dim at napangiti.

"Sure!" 

Binalingan namin ang mga kaibigan namin at nagpaalam.

"Una na kami ha?"

"Sige, go!"

Masayang- masaya ako sa loob ng sasakyan. Hindi ko talaga ini-expect to, kasi wala naman akong pakialam kung pupunta ba sila or hindi eh.

Oh my God. This is just so unbelievable!

Pumunta kami sa isang Chinese Restaurant at doon kumain.

Kasalukuyang kumakain kami nang biglang tumunog ang phone ni Mommy.

"Hello?... Yes.. What?!"

Napatingin kami sa kanya.

"Sige. Sige. We will be there. See you."

Pagkatapos ibaba ang phone ay tinawag ni mommy iyong waiter at binayaran na iyong bill.

Nanlumo ako. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Dim, Crystal. May emergency kasi. Kailangan na naming umalis. Just continue eating." Sabi ni mommy.

Tumingin ako kay Dim at nakatungo lang siya.

"Hindi po ba kayo matutulog dun sa bahay?"

"Hindi na. Pupunta kaming Italy, may aberya kasi."

"P-pero..."

"Goodbye and Congratulations." Sabi nila then hinalikan kami sa pisngi.

Nakatayo ako, habang tinitignan silang makaalis.

"You should've stop them, Dim!"

"Para san pa? Ayoko nga. Baka masampal pa uli ako."

Pagkarating sa bahay dumiretso si Dim sa kwarto niya. Napabuntong-hininga ako.

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon