>>>Chapter 45<<<

16 3 0
                                    

Jewel's POV

"You're back." Kaswal kong sabi habang nakangiti.

Umiwas naman siya ng tingin. "Uh. Yeah."

"So, how can I help you?" Simpleng tanong ko sa kanya.

"Magpapagawa ng gown iyong pinsan ko. Debut kasi niya."

"Dapat iyong pinsan mo iyong nandito para maidiscuss ko sa kanya iyong mga detalye."

"Sorry."

Napataas ang kilay ko dahil sa sorry niya.

"Tell her na magkikita kami tomorrow for more details."

"Okay. Makakarating." Sabi niya.

Ngumiti naman ako at nag iwas ng tingin.

"Uhm. Jewel?"

Binalingan ko uli siya. "Hmm?"

"Can we talk somewhere private?"

Napamaang ako sa tanong niya. Pero tumango nalang ako. I think it's about time to clarify things up. Ilang taon na rin siyang nawala at gusto ng mameet ni Silver ang ama niya.

"So, san tayo pupunta?" Tanong ko.

"May alam akong malapit na coffee shop." Sagot naman niya.

Tumango ako. "Okay then. Lead the way. Susundan ko nalang iyong sasakyan mo."

Napatingin siya sakin ng seryoso. May nasabi ba akong mali?

"No. We'll go there together." Tiim-bagang sabi niya.

Umiling ako. "Pano na ang kotse ko? May dala akong kotse, Thunder."

Nagtitigan pa kami ng ilang segundo. Siya ang nag-iwas ng tingin at bumuntong-hininga.

"Fine." Sabi niya at nauna pang umalis. Nagkibit-balikat nalang ako at sumunod sa kanya.

Nang makasakay na ako sa kotse. Napapikit ako at kumawala ng isang malakas na buntong-hininga.  Nakita kont umandar na iyong kotse niya kaya agad ko naman iyong sinundan.

Nang makarating na kami sa sinasabi niyang coffee shop ay sabay kaming bumaba sa kotse. Napangiti pa ako ng alalayan niya ako papasok at paupo. Nag-order lang kami ng frappe at agad napatingin sa isa't isa.

"Uhh."

"Uhm."

Okay. Ang awkward.

"So, how's life?" Tanong ko sabay sipsip sa frappe ko.

"Fine."

Ngumiti lang ako at nagkibit-balikat. Tumingin lang siya sakin at hindi na nagsalita pa.

"This is awkward" biglang sabi ko.

Bahagya pa siyang nagulat sa sinabi ko at napakamot pa sa batok. I smiled playfully dahil sa inakto niya.

"Uhm. Oo nga."

"You said we need to talk. So? Ano na?"

Tiningnan niya ako sa mga mata at bumuntong-hininga.

"I'm sorry." Sabi niya.

Ngumiti ako at binalingan iyong frappe ko.

"Sorry dahil bigla akong tumakbo. Hindi pa kasi ako handa." Pagpapatuloy niya.

Tiningnan ko siya sa mga mata niya at ngumiti ng mapait.

"Mukha nga. You're not ready so tinakbuhan mo iyong responsibilidad mo."

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon