>>>Chapter 40<<<

20 2 1
                                    

Picture: Jade

Jade's POV

Call him.... or not?

God, this is making me crazy!

Hindi ako pinatulog ng babaeng iyon kagabi! Tch. Who the hell is she? Ba't siya ang sumagot? Ba't niya naging bahay iyon, eh kay Lazer lang naman iyon?! Unless......

Napailing-iling ako.

No. Hindi iyon magagawa ni Lazer. He changed for good!

Naglakad-lakad pa ako dito sa kwarto bago napagdesisyonang kontakin si Lazer on Skype.

Baka wala na dun iyong pesteng babae na iyon! Kung sino man siya.

Luckily, he is online.

At mas lalong kumalabog ang puso ko at nagsalubong ng todong-todo ang mga kilay ko nang makitang siya na naman!

"Oh! Ikaw na naman?" Bored niyang tanong. Tsk. Marunong palang magtagalog nung bruhang toh?!

Naka white spaghetti strap siya at bagong ligo dahil basa ang buhok niya. Napatingin naman ako sa paligid niya at hindi na ito kwarto ni Lazer.

"Bakit mo sinagot?" Kunot-noo kong tanong pero di kalaunan ay gusto ko ng sakalin ang sarili ko dahil sa istupida kong tanong! "I mean, ba't ikaw ang sumagot?"

"Uh. Kasi tumawag ka? At nasa akin ang laptap ni Laze." Sagot niya at naiirita na talaga ako.

Nandiyan na naman kasi iyong tono niya na parang kumakausap siya ng isang bobitang bata!

I scoffed. "Sino ka ba talaga?!"

Inirapan niya ako pinutol uli ang tawag!

Aba't--- UGHHH!

Kinuha ko ang laptap ko at inihagis sa kama para hindi mabasag, dahil mahal pa naman ito, sayang.

Inis na kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Lazer pero hindi siya sumasagot!

It was my fifth try nung sumagot na rin. Sa wakas!

Ngumiti ako ng malawak. He better explain it to me properly. "Lazer! Bibi! Thank God! Iexplain mo nga---" naputol ako sa pagsasalita ng humalakhak siya!

Bwesit! Iyong babae na naman!

"Seriously? Bibi?" Di makapaniwalang tanong niya at tumawa uli. "Ginawa mo pang duck si Laze! Ang baduy!" Sabi niya at di na nagtigil sa pagtawa.

"Damn! Please, tell me who are you?!" Galit na tanong ko. This will be the last Lazer. Bahala ka na sa buhay mo!

"I've already told you. I'm Laxyn."

"Ba't magkasama kayo ni Lazer?! Babae ka ba niya?! Asan ba siya?! Fvck, tell me!" Puno ng inis at galit ang boses ko. Tangna naman!

Hindi siya sumagot kaya tinawag ko uli siya. Narinig ko namang bumuntong-hininga siya.

"Kung wala ka naman palang tiwala sa kanya, eh mas mabuti pa't hiwalayan mo na!" Sabi niya at binaba uli ang tawag.

Binato ko ang cellphone ko at sumigaw.

Naiiyak na rin ako sa inis. Leche! Argh!

Crystal's POV

"Ano bang meron sa inyo ni Hiro?" Kunot-noong tanong ni Zei.

Ngumiti naman ako ng tipid. "He's my ex."

Tumango-tango naman siya at tinanong kung anong nangyari kaya sinabi ko naman ang kwento naming dalawa kay Zei.

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon