>>>Chapter 49<<<

14 2 3
                                    

Ruby's POV

Hindi ko mapigilan ang ngumiti habang nakatingin sa aming engagement ring. Hindi pa rin matanggal ang kasiyahan ko dahil sa gabing iyon. The whole thing was completely surreal.





"Hello?"

[Ms. Ruby!]

"Yes? Is there any problem?"

[Iyong restaurant po!]

Hindi ko mapigilan ang kabahan dahil sa tono ng pananalita niya.

"H-ha? Anong nangyari?"

[Pinasok po ng magnanakaw! Pumunta po kayo dito, please!]

"Hala! Okay, papunta na ako."

Binaba ko na agad ang phone ko at agad kinuha ang susi ng sasakyan.

Napamura ako ng malaglag iyong susi dahil sa sobrong taranta. At nang maandar ko na ang makina ng sasakyan ay agad ko itong pinaharurot.

Nang papalapit na ako sa restaurant. Napansin kong ang daming tao. Lintek. Nagkagulo na. Makarma ka sanang magnanakaw ka!

Pinark ko muna iyong sasakyan ko at nagmamadaling pumunta sa kanila pero nagulat ako at nalito nung bigla silang bumuo ng dalawang linya.

"Hoy! Ano na? Ano 'to?!" Naguguluhang tanong ko.

Ngumiti lang sila kaya nilapitan ko si Keslei, iyong tumawag sakin kanina.

"Lei! Ano na? Nahuli na ba ang magnanakaw? Ano na ang nangyayari?" Napahawak pa ako sa balikat niya pero nginitian niya lamang ako.

"Sumagot naman kayo oh!" Frustrated kong sabi. Sinulyapan ko ang restaurant ko at mukhang okay lang naman siya. Madilim sa loob. Pero hindi pa sigurado. Lintek, pinagloloko ba ako ng mga ito?!

"I found a love for me
Darling, just dive right in and follow my lead."

Bumalik ang atensyon ko sa kanila nang bigla silang kumanta. What the fvxk?

Lumapit si Keslei sakin at binigyan ako ng isang rose, na hindi ko alam kung saan niya kinuha.

"Well, I found a girl, beautiful and sweet."

At sa isa-isa na talaga silang nagbigay ng rosas.

At nang mahinto kami sa tapat ng pintuan ng restaurant ko ay pinagbuksan ako ng isa sa mga waiter namin.

"Oh, I never knew you were the someone waiting for me."

Pumasok na ako sa loob at humintong kumanta iyong nasa labas. Pagkapasok ko ay bumukas ang ilaw, kasabay ng pagpatuloy sa kanta na naudlot. Ang kaibahan nga lang ay ang musika ay nanggaling sa speaker.

"Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was."

Inikot ko ang paningin ko sa paligid at di ko mapigilang mapaluha.

Mga pictures namin ni Hiro ay nakasabit at naglakat rin ang mga hugis-puso sa paligid.

"I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow"

Isa-isa ko iyong nilapitan at tiningnan. Umiiyak habang tumatawa ako ng makita iyong mga totoy at jeje pictures namin.

"Your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine."

Nandito lahat-lahat. Highschool days. College days. Graduation. Iyong mga lakad namin, out of town trip, iyong celebration namin nung naging engineer na siya. Iyong naitayo ko ang restaurant na ito. 1st anniversary, second and list goes on.

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon