>>>Chapter 39<<<

15 2 1
                                    

Picture: Blue Stephen Liu

Ruby's POV

"Ruby!!!"

Napabalikwas ako sa kama nang may biglang nagsisigawan at padabog na binuksan ang pinto. Nakita ko naman sina Diamond, Jewel at Crystal na humahangos papunta sakin.

"Ang aga ah? Ba't kayo naparito?" Nagtatakang tanong ko.

Hinawakan naman ako ni Crystal sa magkabilang-balikat at tinitignan-tignan ako.

"Ano? Okay ka lang ba? Sampahan na ba natin ng kaso?" Nag-aalalang tanong niya.

Napangiti naman ako dahil sa kaniyang inakto. Umupo rin sa tabi ko sina Jewel at Diamond. Ginulo naman ni Diamond ang buhok ko habang nakatingin lang sa akin si Jewel na puno ng pag-aalala.

Di ko naman mapigilan ang tumawa dahil sa mga inakto nila ngayon. Pero kahit na mukha silang napapraning ay nakakataba ng puso.

KaOAhan na naman, Ruby. Tsk.

"Okay lang ako. Hmm pero muntik na rin niyang matuloy iyong binabalak niya. Buti nalang dumating si Fire." Seryosong sabi ko.

"Gaga ka naman kasi!" Binatukan ako ni Crystal. "Sabi nang ihahatid ka namin, tumanggi ka pa! Sus!"

"Sorry naman po!" Binatukan ko rin siya. "Makakaya ko pa naman eh, pramis! Pero ewan ko, bigla nalang akong nahilo"

"Malamang, tange! Nakainom ka kaya!" Inis na sigaw ni Jewel at inirapan ako.

Hindi naman ako sumagot at yumuko.

"Bakit nga ba magkasama kayo ni Jerard?" Takang tanong ni Dim at tinaasan ako ng kilay.

Sasagot na sana ako kaso may narining kaming kumatok.

"Pasok" sabi ko

Dahan-dahan namang bumukas ang pintuan at bumungad samin si Fire na seryoso ang mukha pero di kalaunan ay ngumiti rin ng tipid.

Kinwento ko naman sa kanila ang nangyari simula nung muntik ko na siyang masagasaan hanggang sa iniligtas ako ni Fire.

"Eh bakit kasi pumayag ka?" Inis na tanong ni Fire.

Napatungo naman ako.

"Baka kasi makasagasa or may madisgrasya ako. Wala na akong choice."

Napabuntong hininga naman siya at niyakap ako ng sobrang higpit na ikinagulat ko!

"Tangna. Sobrang nag-alala ako!" Sabi niya at hinawakan ang buhok ko.

Tiningnan ko naman ang mga kaibigan ko at nakangiti na sila sakin.

"Okay! Mukhang di na kami kailangan dito!" Natatawang sabi naman ni Jewel

Kumalas naman si Fire sa pagyakap sakin at nginitian ang mga kaibigan ko.

"Hmm. At kakalimutan mo nalang iyong tungkol sa babae mo ha, apoy?!" Taas-kilay kong tanong at napalingon naman siya sakin.

Bumuntong hininga siya at tumingin ng masama sa kung saan.

"It was Jerard." Mahinang sabi niya.

"Ha?!" -Kami

"Narinig ko siya. Nahack niya ang account ko at ginawa niya iyon. Gusto niya tayong siraan. Shit. Gusto ka daw niya!" Galit na sabi niya. Salubong na salubong ang kilay niya.

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon