>>>Chapter 13<<<

26 7 0
                                    

Crystal's POV

"Hoy Hiro! San ba kasi tayo pupunta?" kanina pa ako nagtatanong sa kanya.

"Basta" sagot niya at ngumiti. Tss, yan na lang palagi ang sagot niya. Nakakainis

Kakasuhan ko talaga ng kidnapping tong lalaking to. Pero joke lang. Ang gwapo-gwapo kaya ng kumidnap sakin, aayaw pa ba ako? Chos, ang harot! Joke lang ulit. Pero ikaw kaya ang sapilitang isakay sa kotse?! Tss

"Nandito na tayo" sabi niya at bumaba na sa kotse. Walang hiya toh! Di man lang ako pinagbuksan. Dahil wala siyang gentleman side, nakabusangot akong bumaba sa kotse.

"Seriously? Sa Ocean Park?" di makapaniwalang tanong ko

"Oh? Okay lang naman dito ah! Ang importante kasama kita." Sabi niya at kinindatan ako

Dug.. Dug..

Dug.. Dug..

Ok, Crystal. Compose yourself. Wag kang magpadala

"Banat ba yan? Infairness hindi effective. Tss" I rolled my eyes at nagsimulang maglakad papasok

Hinabol niya ako at inakbayan.

"Wag ka namang ganyan Mine.. Nakakasakit ka ng lungs" sabi niya

Nagulat ako kaya naitulak ko siya.

"Anong sabi mo?" tanong ko

"Hmm.. Nakakasakit ka ng lungs." Sagot niya

"Hindi, yung tawag mo sakin?"

"Hmm. Mine." Sagot niya na parang wala lang

"Tigil tigilan mo ako Hiro ah!" naiinis na sabi ko

"What? Bakit ba?"

"Nag-aya kang magdate. Ngayon those freaking sweetwords and endearments. Tell me, what's the catch?"

Hinawakan niya ako sa kamay. Feeling ko ang pula-pula na ng mukha ko plus sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

He looked intently at my eyes.

"Sana pagkatapos nito, wag kang mailang... Kasi Crystal, I like you"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Oh my gosh. Hindi ko alam kung anong irereact ko.

"Please Crystal.. Wag kang mailang." Sabi niya with his begging eyes

Kaya... Sige Pagbigyan..

"Hahaha.. Ang lakas talaga ng charms ko" sabi ko sabay flip hair at nagsimulang maglakad.

Pero sa totoo lang talaga. Naiilang ako.

**

Papauwi na kami. Hindi ko talaga masasabing nag enjoy ako ng todo. Dahil after that so called 'I like you please wag kang mailang' moment ay hindi naman siya gumawa ng paraan para hindi ako mailang. In fact ang tahimik nga niya. Ano to? Gagohan? Tsk! Nang dumating na kami sa bahay. Agad naman akong bumaba. Bumaba rin siya at nilapitan ako.

"Ahm.. Nag enjoy ka ba?" tanong niya..

"Sobra.."

Sinungaling Crystal!

"Ah, mabuti naman. Sige, una nako. Thanks sa time." Sabi niya

"Sige. Salamat rin. Ingat!" sabi ko at pumasok na..

Haaayyy.. Hindi ito ang gusto ko

"Waaaaaaahhh! Lumayo ka nga!"

"Hahaha! Wala ka ng kawala!"

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon