Picture: Fire
Crystal's POV
"Ang saya-saya ko talaga, Blue!" masayang sambit ko sa kaharap ko ngayon.
Nandito kami sa isang restaurant at nagla-lunch. Ikinwento ko sa kanya ang nangyari kanina, alam naman kasi niya kung ano ang sitwasyon namin ni Dim dati.
"Hmm. I'm happy for the both of you." Sabi niya at ngumiti ng tipid.
"Pero di ko parin talaga maiwasang malungkot." Sabi ako at napayuko
"Bakit naman?"
"Ako tong may kasalanan tapos ako pa iyong hindi namamansin. Ang kapal lang talaga ng mukha ko." Sabi ko at napatingin sa kanya. Inangat rin niya ang paningin niya sakin at nagtama ang paningin namin.
"Hey" sabi niya at ibinaba ang hawak na kutsara't tinidor saka hinawakan ako sa pisngi. "Wag mo ng isipin ang tungkol dun 'kay? Ang importante ay nagkaayos kayong magkapatid. Okay na iyon. Alam ko namang pinagsisihan mo iyong ginawa mo eh."
Tumango ako at marahang tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. Bahagya pa siyang nagulat pero ngumiti naman kaagad.
Pagkatapos nun ay nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Hindi ko alam pero bakit ang awkward. Dati kasi kapag magkasama kami ay panay kwento namin sa isa't isa. Naiilang ako. Dahil siguro alam kong may feelings siya para sakin. Tsk.
"Uh. Shin?"
"Hmm?"
"Ayaw mo talagang magpaligaw?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at biglang nabulunan.
"Uhh" Agad akong uminom ng tubig at pagkatapos ay tiningnan si Blue ng masama.
"Blue naman eh! Pinagusapan na natin to!" Sigaw ko sa kanya at inirapan siya.
Tumawa siya at napailing-iling. "Okay, fine! Sorry naman. Hahaha"
"Blue" seryosong tawag ko sakanya.
"Hahahaha what?"
"Ayokong magkailangan tayo. Naman eh! Magmove-on ka na sakin." Sabi ko habang tinuturo pa ang sarili ko.
"Hindi ko mapigilan eh. Ikaw lang ang tiniti--"
"Woops!" Pinigilan ko siya "Huwag mo ng itutuloy mas lalo akong maiilang. Blueeeee!" Hinabaan ko ang pagbigkas ng pangalan niya at frustrated na tinignan siya.
Pinilit kong hindi maging akward ang sitwasyon.
"Crystal Shin. Fine. Fine. Tsk. Wala talagang pinagbago oh!" Sabi niya at napailing iling pa.
"Tch. Sabi nila,nagmature na ako!"
"Talaga? Hindi halata ah!" Natatawang sabi niya at tiningnan ko lang siya ng masama.
Pagkatapos naming kumain ay sumakay na kami sa sasakyan niya at hindi alam kung saan papunta.
"Ihahatid na ba kita sa inyo?" Tanong niya habang nakatingin parin sa daan.
Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko. Wala ka bang gagawin Engr. Liu?" Tanong ko habang itinaas-baba ang dalawang kilay ko.
He chuckled. "Hmm. Wala pa naman. Ikaw?"
"Wala rin. Hinihintay ko lang ang tawag ni Zei"
Tumango siya. "San na tayo niyan?"
"Haha. Ewan? Ikaw?"
"Dun nalang tay---"
"Excuse lang, Blue. May tumatawag" pagputol ko sa sasabihin niya.
Kinuha ko ang cellphone ko na kanina pa nah vi-virabte sa bulsa ko.
BINABASA MO ANG
I Swear, I Hate You
SonstigesLove is something I was afraid to do but there is something different about you. You made me do something I swore not to do. You made me FALL IN LOVE WITH YOU ....