>>>Chapter 37<<<

18 2 0
                                    

Ruby's POV

'Guess what? After 6 fvcking years. Nagpakita rin si Hiro!'

Nagulantang ako sa nabasang text message galing kay Diamond. Seryoso?!

Tsk. Panibagong problema naman sa isa sa aming barkada. Tsk. Di pa nga tapos iyong akin eh..

Kasalukayang nandito ako sa office, dito sa restaurant at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong bumaba sa kusina at tumulong dun, pero wala ako sa mood.

Putakte ka, Fire! Pati trabaho ko naaapektuhan! Tsk! Leche.

Mahigit isang oras akong nakatunganga dito at napagdesisyunan na ring tulungan sila dun.

Iyan! Ibubuhos ko nalang ang atensyon ko sa pagluluto!

Bumaba ako at nanlaki ang mga mata ko sa nakita!

Siya! Siya iyon! Hindi ko man siya nakita sa personal pero iniistalk ko siya sa Facebook. Siya iyon!

Levianne Vienne Alhanes. Hmm. What a small world.

Tumaas ang gilid ng labi ko habang tinitignan siya. Maganda nga, sexy pero mas malakas parin ang dating ko noh! Not in a girly way lang talaga! Tch.

Matapos ko siya i head to foot ay dumiretso ako sa kusina.

"Good Morning Chef Ruby." Bati nila.

"Mmm. Morning" tipid na sagot ko at tumango lang sa kanila.

"Ready na ba iyong chocolate mousse?" Tanong ng isa sa mga servers namin.

"Oo, kasama na iyong pasta" sagot naman ng isa sa mga chef. 

"Kanino ba iyan?" Tanong ko

"Uh. Dun po sa babaeng maganda at tsaka kulot. Naka floral dress." Sagot naman niya.

"Ako na."

"P-po?!"

"Ako na ang magseserve nito sa kanya."

"P-pero--"

"Ako na." Sabi ko at kinuha ang tray pagkatapos ay naglakad patungo sa babaeng iyon.

"Here's your order ma'am. Enjoy your food." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Inangat naman niya ang paningin niya at nanlaki ang mga mata.

Tch. Imposibleng namang di niya ako makikilala. Hmmp.

"Mahal koooooo~!"

Mas lalo akong ngumisi nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. What a timing.

Naglakad papalapit sakin si Fire at naka extend pa ang braso para yakapin ako.

Tinaasan ko siya ng kilay at niyakap niya ako ng napakahigpit. Tangna mo Fire.

Hindi ko siya niyakap pabalik at tiningnan ko iyong babae niya na gulat paring nakatingin samin.

"I miss you, mahal ko!" Masayang sabi niya at hinalikan ako sa labi. Smack lang naman.

Nakatingin lang ako ng seryoso sa kanya habang ngiti ngiti naman siyang napatingin sakin. Mukhang di pa niya napapansin ang babaeng nakaupo sa gilid namin.

"Mmm. Anong ginagawa mo dito?" Malaming kong tanong. Bahagya pa siyang nagulat dahil sa tono at tanong ko.

"Mahal naman. Ano pa nga ba? Edi binibisita ka." Nakangiting sagot niya.

"Ahh. Wala kang ka meet-up ngayon?" Tanong ko uli

Kumunot naman ang noo niya. "H-ha? Ano bang sinasabi mo diyan?"

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon