>>>Chapter 36<<<

19 2 0
                                    

Picture: Hiro

Crystal's POV

"I'm Crystal Shin Park. Nice to meet you" nakangiting sabi ko habang inilahad pa ang kamay sa kanya. Pinilit ko talaga na maging casual ang pananalita ko.

Gulat naman siyang napatingin sakin at sa kamay kong nakalahad. Pero di kalaunan ay tinanggap rin niya iyon at nagshake hands kami.

"Uh. Nice to meet you too" may pag-aalinlangang sabi niya.

Agad ko namang binawi ang kamay ko at tiningnan si Zei na nakangiti parin.

"May pag-uusapan pa ba tayo?" Nakangiting sabi ko.

Lintek. Ang plastik ko!

"Hmm. Wala naman. Gusto ko lang talagang makilala mo siya. Soooooo, okay na!" Sabi niya at bakas parin dun ang tuwa.

"Okay. Mauna na ako ah? Tutal nakilala ko na siya" sabi ko at pinigilang maging sarkastiko

Binalingan ko si Dim na seryosong nakatingin sakin.

"Una nako, Dim" sabi ko at tinapik siya sa balikat. Tiningnan ko si Hiro at tinaguan siya bago tumalikod at nagsimulang maglakad palabas.

Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at hinagis ang bag at umupo. Nagdrive ako at dumiretso sa bahay.

Sumalampak ako sa kama pagkarating ko sa kwarto. Tumingala ako at tinitigan ang bubong

Nagbalik ka na talaga Hiro.. Nagpakita ka na.

Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong nagvibrate.

Hmmm. Sino naman kaya to?

-
From: Unregistered number

Can we talk? Or let's meet? Pls?
-

Napakunot noo ako nang mabasa ko iyon.

Loko toh ah! Sino naman kayang bulok ang mantitrip sakin ng ganito?! Tch.

Dinelete ko iyong text niya at inilapag ang phone ko sa side table. Pero ilang minuto lang ang nakalipas ay may nag-text uli.

-
From: Unregistered number

Please. Kahit isang oras lang? Let's meet.
-

"Haaaaaa!!" Sigaw ko dahil sa inis.

Eh gago pala toh eh! Pano ako makikipagkita if hindi naman siya nagpakilala!

To: Unregistered number

Loko ka ah! Sino ka ba?! Tanga ka? Pano ako makikipagkita sayo eh hindi ko naman alam kung sino ka! Ha!

Pagkatapos kong i-sent iyon ay napatingin ako sa oras. 8:36. Loko to ah! Gabi na kaya! Tch.

From: Unregistered Number

Oh. My fault. Pero promise ka muna na makikipagkita ka sakin kahit na nagpakilala na ako sayo.

Napasinghal ako nang mabasa ko iyon. Pinagloloko ata ako nito eh! Pakealam ko ba kung sino siya?! Tch.

Di ko na siya nireplayan at ipinatong uli ang phone sa side table. Bumaba na rin ako kesa magmukmok dito sa kwarto.

Nadatnan ko si Dim sa sala na kasalukuyang nanunood ng movie at kumakain ng cake.

Umupo ako sa tabi niya at tinapik siya sa balikat.

"May cake pa ba?"

"Yeap." Sagot niya. Hindi man lang tumingin sakin.

"Anong title niyan?"

"The Space Between Us." Sagot niya at nakatuon parin ako atensyon sa palabas.

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon