>>>Chapter 38<<<

19 2 0
                                    

Jade's POV

Andito kaming lima ngayon sa bahay nina Crystal at Dim para makapag bonding. Wala na kaming time sa isa't isa these past few days dahil sa mga kanya-kanyang buhay namin. Kaya eto, napagdesisyunang magkita-kita at tumatambay.

"Tangna. Mahal pa daw niya ako?! Gago ba siya?! Ilang taon na kaya ang nakalipas! Putek, sobrang late na siya!" Sabi ni Crystal sabay lagok nung isang boteng red horse.

Kasalukuyan rin kaming umiinom habang nagkwekwentuhan sa mga bagay-bagay. Kinwento ni Crystal kung anong nangyari nila ni Hiro nung nagpakita na ito.

Panibagong problema sa pag-ibig na naman ang haharapin niya. Tch.

"Bakit mo naman nasabing sobrang late na? May mahal ka na ba? Or what?" Tanong ni Jewel at tiningnan si Crystal ng seryoso.

Tiningnan rin siya ng seryoso ni Crystal atsaka tumikhim. Ibinaling uli niya ang paningin sa hawak na bote at ngumiti ng mapakla. "Wala naman akong ibang minahal kundi siya lang eh. At hindi parin iyon napapalitan. After all these years, it's still him, it was always him and it'll be always him."

"Iyon naman pala eh! Bakit ayaw mong balikan?" Tanong ni Jewel. Tiningnan ko ang iba pang kasama namin at seryoso naman silang nakikinig sa dalawa at hindi na naisipang makisalo pa.

"Anim na taon." Sabi ni Crystal at bumuntong hininga. "Anim na taon na ang nakalipas. Sobrang tagal ng anim na taon, Jewel! Ang daming nangyari! Aaminin ko, naghintay ako! Naghintay ako na babalik siya, na susuyuin niya ako. Eh sa nasaktan ako eh! Nagpapakipot pa! Tch!" Kumuha uli siya ng isang bote at binuksan iyon pagkatapos ay ininom. "At ano?! Ngayon lang siya magpapakita?! I love him but my love for him was not the same anymore! Hindi na iyon tulad ng dati. Nadagdagan pa iyong nawalan na ako ng tiwala at napapraning na rin ako dahil sa mga nangyayari sa inyo ng mga jowa niyo!" Sabi niya at nilingon kami isa-isa.

"Why give him a chance?" Tanong ni Jewel at bakas sa mata niya ang pag-asa na magkakabalilan sila. Tiningnan lang siya ni Crystal at hindi sumagot. Napabuntong-hininga naman si Jewel. "Kung si Thunder lang iyon, babalik ako sa kanya. I am still fvcking hoping that he'll come back. Sana nga ay babalik siya, buong puso ko siyang tatanggapin."

Tiningnan naman siya ni Crystal at ngumiwi. "Okay, I get your point." Bumuntong hininga siya na animong sumusuko na. "But the thing is, I'm not like you. I am not you." Sabi niya at ininom uli ang natitirang alak sa bote.

Umiwas ng tingin si Jewel. Nagkatinginan naman kami nina Ruby at Diamond na hindi alam kung pano pagagaanin ang tensyon na namamagitan sa dalawa.

Nabigla kami nang pabagsak niyang inilapag ang walang laman na bote at saka tumayo.

"Matutulog na ako. Salamat sa oras niyo."

"A-aahhh--"

Napamaang kami, hindi alam kung pano siya pipigilan.

"T-teka lang Crystal!" Biglang sigaw ni Jewel at napahinto naman dun si Crystal.

Napatingin kami kay Jewel na nakayuko.

"Sorry. I'm so sorry. Nanghihinayang lang talaga ako." Mahinang sabi niya pero naririnig naman namin.

"Mas lalo na ako." Sabi naman ni Crystal at lumingon samin. Ngumiti siya ng mapakla at lumapit samin, bumalik sa pwesto niya.

"If nanghihinayang ka ba't di mo----" natigilan sa pagsasalita si Jewel nang tingnan namin siya ng masama.

"Babalik na naman ba tayo diyan, Jewel?" Natatawang tanong ni Crystal.

"Hmm. Sorry." Nakangiting sabi ni Jewel.

"Oh siya! Ikaw naman, Ruby! Ano na ang nangyari sa inyo ni... Uh.." huminto si Dim sa pagsasalita at nag-aalinlangang sabihin ang pangalan ni Fire.

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon