>>>Chapter 21<<<

19 4 0
                                    

Crystal's POV

Awkward...

Iyan lang ang masasabi ko sa sitwasyon namin. Ang lapit namin sa isa't isa pero parang di kami magkakilala.

"Guys? Ba't ang tahimik niyo?" inosenteng tanong ni Ruby. 

"Wala lang" simpleng sagot ko.

"May nangyari bang hindi ko alam." Tanong pa niya uli.

"Ha? Ahm. Wala naman." Sabi ni Jade

"Oh, c'mon! Wag ka ng magsinungaling pa! Oo! May nangyaring hindi mo alam" sabi ni Jewel.

Nagulat si Ruby sa sinabi ni Jewel, at galit na galit ito kay Jade.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Ruby

At iyong nga kinwento lahat ni Jewel.

"Eh, pareho naman kayong may Mali!" Sabi niya at tiningnan ng masama ang dalawa. "Ikaw, Jade! Be considerate to other people's feelings! Hindi kapanipaniwala ang ginawa mo! Hindi ka naman ganyan ah? At ikaw Jewel! Sana naman wag ka nagpadala sa emosyon mo!" Sigaw ni Ruby

Yumuko lang si Jewel habang si Jade ay nakasimangot.

"Eh! Palagi naman ako ang may kasalanan eh!" -Jade

"Wala akong sinabing ganyan!"

"Palagi ko kayong inuuna! Naging selfless na ako! At ngayon? Di na ba ako pwedeng maging selfish?!"

"Putakte naman ohhh! Maliit na bagay pinapalaki niyo!"

"At ako na naman ang may kasalanan?!"

"Bullsht!" malakas na mura ni Ruby bago tuluyang umalis.

Napabuntong-hininga ako. Bakit ba naging ganito sila?

Napatingin ako sa paligid. Nakatingin sila samin. Agaw pansin ang pagsisigawan nilang dalawa.

"Jade--" bago pa ako makapagsalita. Bigla siyang umalis.

"Jewel..." hiniwakan ko siya sa braso. But she stared at me coldly.

"Bitiwan mo ako" sabi niya at nag walk-out .

At ano na naman ang nagawa ko?!

"I guess, it's just you and me, Sis." Sabi Ni Dim

Nginitian ko nalang siya.

Ruby's POV

Ano na bang nangyayari sa mga kaibigan ko.

Inis akong naglalakad patungo sa ilalim ng puno. Kaagad naman akong umupo, sumandal at pumikit.
Di ko kinaya tong araw na to.

"Nag-iisa ka ata?"

Napadilat ako ng may nagsalita.
Tsk.

"Yeah. Obviously, wala akong kasama. "

"I just came in the right time." he smirked at umupo sa tabi ko.

"Ano bang ginagawa mo dito, Fire?"

"Obviously, tatambay"

"Tsk--Hoy!!" Sigaw ko

Nagulat nalang ako ng humiga siya at nakaunan sa lap ko.

"Wag ka ng umangal!"

"Tsk. Pasalamat ka at wala ako sa mood awayin ka ngayon."

"Well, thanks." Sabi niya at ngumisi. Napairap nalang ako.

"Tapos ka na ba mag lunch?" Tanong niya.

"Yeah. Pero konti lang, nawalan ako ng gana kanina."

"Hindi parin kayo okay?"

"Ang kikitid ng utak nila" sabi ko nalang at nakatingin ng masama sa kawalan.

"Oh chill ka lang!" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko na mas nagpagulat sakin.

"Chansing ka ah!" Sabi ko at tinulak siya.

"Aray!"

"Bahala ka nga diyan!" Agad naman akong tumayo at umalis. Paulit-ulit pa nga niya akong tinawag pero di ko na siya nilingon.

Makabalik na nga lang sa classroom.

Habang naglalakad ako sa hallway sinalubong ako ni Jade. Tumaas ang kilay ko, mag so-sorry ata.

"Ruby."

"What?"

"Ang lakas ng loob mong pagsabihan ako ng 'be considerate to other people's feelings', eh ikaw naman tung nakikipag landian kay Fire!"

I was taken aback dahil sa sinabi niya.

"What the--"

"Don't you dare deny it, Ruby. Kitang kita ko kayo!"

"I won't deny it! Pero 'pakikipag-landian' is not the right term. How could you? Hindi nayan ikaw, Jade"

"Eh kasi naman ako ang sinisisi niyo! Dahil ba dinala ko sila Lazer kina Crystal?! Eh ikaw rin naman ah! Nakikipag-usap kay Fire!"

"The hell?! Stop being so stubborn! Nakikipag usap ako kay Fire! What's the big deal?! May naaapakan ba akong tao?! May nasasaktan ba ako?! Wala naman diba?! Kung sinolo mo nalang si Lazer, at hindi na sila pinapunta sa bahay nina Crystal, edi sana okay lang ang lahat! At wag mong pinagpilitan na ikaw ang sinisisi namin kung bakit tayo nagkaganito, dahil kami ang sinisisi mo kung bakit di kayo nagkasama nung araw na iyon. Seriously? Asan na utak mo? Dahil lang dun?! Oh, fuck off!" Sigaw ko. Naiinis, naiirita, nagagalit na ako! Di ko na siya kilala!

"I thought you would say sorry for your childish act. News Flash: I WAS WRONG" Inirapan ko siya at agad siyang nilagpasan.

Padabog akong pumasok sa room at umupo.

Nakita ko ang dahilan ng pag-aaway naming magkaibigan.

Sina Lazer, at Thunder . Well, except kay Hiro.

Oh great. Bakit ba kasi pumasok pa sila?! Tsk, ang lakas ng loob mag half-day bwesit.

Nakita ko sa peripheral vision ko na papalapit si Lazer.

"Ruby. Anong nangyari kina---"

"Don't talk to me."

"Ehh Ruby--"

"Shut up." matigas na sabi ko at diretsong nakatingin sa harap.

Naramdaman ko nalang na may tumabi sakin.

"Ruby."

Nilingon ko siya.

"Crystal." Sabi ko at agad siyang niyakap.

"Narinig ko ang sagutan ninyo ni Jade" malungkot na sabi niya.

"Nakakainis na ehh."

"Hindi ko na rin maintindihan si Jewel."

"Bakit?"

"Ang cold na ng pakikitungo niya sakin"

Napairap ako.

"Tsk. Isa pa iyon" sabi ko

**

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon