>>>Chapter 29<<<

11 2 0
                                    

Picture: Ruby

Crystal's POV

Ilang weeks nalang at Christmas Party na namin. Lahat ng estudyante ay abalang-abala sa paghahanap ng kanilang masusuot, sa pag-aayos ng kanya-kanyang classroom at sa paghahanap ng magandang ipangregalo sa mga taong gusto nilang regaluhan.

Pero ibahin niyo kami. Hindi kami nagsasaya. Dahil stress na stress na kami. Exam na bukas pero hindi parin ako nakapag-aral. Shete naman oh.

Nag ring na ang bell na naghuhudyat na tapos na ang klase. Salamat naman! Napag-isipan naming magbabarkada na umuwi ng maaga sa kanya-kanyang bahay at mag-aral ng mabuti. Napag-usapan rin namin na kung sino ang merong pinakamababang score, eh manglilibre ng sine. Kaya lahat kami ay todo sikap para lang hindi makalibre. Hindi naman sa kuripot kami pero haleer! Sampu kaya kami lahat! Pssh.

"Dim! Sure na kasama ka ha! Di na dapat magbago ang isip mo!"

Pangungulit ko kay Dim habang busy siya sa pag-aaral!

"Oo na! Sige na! Alis na!"

"Di na ba kayo magkakaayos ni Phoenix?"

Natigilan siya sa tanong ko at ako naman ay sinabunutan ang sarili ko sa isip ko. Bwesit. Ba't ko ba iyon natanong?!

"Seryoso ka ba sa tanong na iyan?" Tanong ni Dim na nakataas-kilay.

"Ahm. No. Sorry Dim."

Hindi na siya sumagot. Sinigurado ko muna na sasama siya bago nagpaalam.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagsimula ng mag-aral. Ayokong manglibre!

**
Sa wakas! Tapos na ang exam at Christmas Party na bukas! Yey!

Nagtipon-tipon kami sa may playground kasama rin sila Dim at Phoenix.

Sabay-sabay naming inilabas ang test paper at lahat kami napatingin kay Phoenix.

Kahit naman highschool pa kami ay binabase namin sa number o sa score kahit iba't ibang number of items.

"Pano ba iyan tanda? Libre na!" Sabi ni Lazer at inakbayan si Phoenix.

Ngumiti lang Phoenix. Pero pansin ko na ang lungkot ng mata niya at hindi umabot sa mata niya ang kanyang ngiti. Siguro may kinalaman si Dim dito. Ugh! Bahala na nga sila! Sila na ang mag-ayos sa kani-kanilang problema!

Agad naman kaming nagpunta ng mall at nanuod ng sine.

"Mine. Wala bang planong makipagbati iyang ate mo sa kaibigan namin?" Pabulong na tanong ni Phoenix sakin.

"Ewan ko Mine. Papatawarin naman siguro niya si Phoenix. Hindi nga lang ngayon. Nasaktan eh. Napahiya pa." Bulong ko rin sa kanya.

"Bigyan naman sana niya ng pagkakataon si Phoenix, Mine. Naapektuhan na rin iyong pag-aaral niya."

Medyo nainis ako sa sinabi ni Hiro. Anong pinapalabas niya?! Na kasalanan ni Dim kung bakit mababa ang grades niya?!

"Papatawarin nga niya sabi eh! Hindi nga lang sa ngayon! Nasaktan iyong ate ko, Hiro! At isa pa, mahal niya si Phoenix! Hayaan mo naman siyang makapag move-on!" Medyo napalakas ang boses ko kaya iyong ibang tao sa sinehan napatingin sakin. Including, my friends.

"Nag-aaway ba kayo?" Tanong ni Jewel. Umiling na lang ako.

"Just don't mind us. Nag uusap lang kami tungkol sa movie." Sabi ko

Napatango lang sila.

"Stop talking and just focus on the movie." Sabi naman ni Dim.

Lagot! Narinig kaya niya? Sana naman hindi.

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon