>>>Chapter 42<<<

11 2 0
                                    

Jade's POV

I always thought that our relationship would turn out well. Long distance relationship has the strongest bond dahil dun makikita kung gaano katatag sila sa isa't isa.

Akala ko malalampasan namin toh ni Lazer. Akala ko lang pala. Akala ko malalampasan namin iyong hirap na hindi magsama physically. Akala ko mas tatatag kami sa pag-uusap lang through Skype, calls, chat and text. Akala ko lang pala lahat ang mga iyon. .

Ang hirap kasi di ko alam kung anong ginagawa niya between the strings na nagkokonekta samin. Iyong matapos naming mag-usap di ko na alam kung ano na ang nangyayari, hindi ko na masigurado kung 'ako' nga lang ba ang 'mahal' niya o may iba na siyang kinakasama dun. Mahirap rin dahil hindi namin ma-eexpress ang love namin sa isa't isa through physically, hanggang words lang. Di ko na tuloy alam if 100% true to his words ba siya.

"Kausapin mo para manahimik iyang isip mo." Bungad ni Ruby sakin nang pumasok siya sa kwarto ko.

Nginitian ko lang siya ng pilit at pumunta sa veranda. Agad naman siyang sumunod sakin.

"Hmm. Naparito ka?" Tanong ko habang nakatingin parin sa kawalan.

"Gusto kitang damaya. Ako lang kasi ang di busy eh." Sabi niya at ngumiti ng malawak.

"Eh ang restaurant? Saka san naman ang mga kaibigan natin?"

"Hindi naman gaano ka busy sa restaurant. Hmmm. Si Cystal at Dim, it's either nasa Tagaytay, on the way here in Manila or nasa studio. Si Jewel naman busy sa boutique." Sagot niya at napatango-tango nalang ako.

"I miss our highschool days." Sambit ko at napabuntong-hininga. Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti siya malungkot.

"Same."

"Nakakamiss iyong palagi tayong may time para sa isa't isa."

"Well, may kanya-kanyang buhay naman kasi tayo."

Agad akong nanlumo. I'm depending on other people too much. Nasanay na ako na nandito palagi ang mga kaibigan ko. Nasanay na rin ako na walang gawin sa buhay dahil mayaman naman kami.

"Bakit di mo ipagpatuloy iyang hilig mo? Painting and Photography? Bakit ba kasi Business Management ang kinuha mo?" Tanong ni Ruby.

Napabuntong hininga naman ako. "Eh iyon ang gusto nila Mom at Dad eh. Puros babae naman kasi ang anak nila at ako ang panganay, so sakin talaga babagsak iyang kumpanya nila."

"Pwede namang sa mapapangasawa mo."

Napairap ako. "Iyon ay kung may mapapangasawa ako."

"Alam mo, kesa sa magmukmok ka diyan. Magpinta ka nalang kaya or whatsoever tapos ibenta mo. Pwede rin namang subukan mong kahiligan ang business."

Hindi ako sumagot at ngumiti nalang. Ang hirap pala ng wala kang magawa sa buhay.

Hindi nagtagal ay umalis na rin si Ruby dahil marami daw ang tao sa restaurant at kailangan siya roon.

Kesa naman sa mapag-isa na naman ako ay napagdesisyunan kong pumunta nalang sa boutique ni Jewel.

"San ka papunta, ate?" Tanong ni Jaye nang pababa ako sa hagdan.

"Sa boutique lang." Sagot ko at tumango naman siya.

Aalis na sana ako nang may naisipan akong itanong sa kanya.

Nilingon ko siya. "Jaye? Anong kukuhanin mong kurso? Ano bang gusto mo?"

Sinubo niya muna ang isang slice bread at lumingon sakin. "Gusto kong maging doctor, ate and magna-nursing ako as pre-med course."

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon