>>>Chapter 43<<<

20 2 0
                                    

Diamond's POV

"Ano, Mine? Gusto mo pa ba nito?" Tanong ni Hiro kay Crystal. Tumango naman ang kapatid ko at agad siyang sinubuan ni Hiro ng fries.

Lintek! Nakakabitter!

Nandito kami nina Crystal, Hiro, Zei, Yuan, Xheira, Leo at Vesto sa isang fastfood at kumakain.

Out of place kaming dalawa ni Vesto dahil kami lang ang walang kapares. Nagkatinginan kami at sabay na nagkibit-balikat. Bahala na nga sila.

Habang busy sila sa kanilang paglalambingan ay di ko mapigilang mapaisip habang kumakain.

Alam ko namang taon na ang nakalipas pero..... bakit nagawa iyon sa akin ni Phoenix? Hindi ko naman masisisi si Crystal dahil nalaman ko naman iyong side niya. Pero si Phoenix? Kinausap ko siya pero ang sabi lang niya ay 'Sorry. Di na mauulit.' Nag cool-off kami at di ako tuluyang nakipaghiwalay dahil nagmamakaawa siya na bibigyan niya ako ng rason sa tamang panahon. Pumayag ako, pero ano na? San na siya ngayon?

"Ang lalim ng iniisip mo ah?" Napatingin naman agad ko kay Vesto at nagkibit balikat

"Mga kasama natin lovers, tapos ano, out of place tayo" nahihiyang sabi niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Out of place lang, walang tayo." Sabi ko at natigilan naman siya.

Bigla namang nagpanic ang itsura kaya napatawa naman ako.

"Joke lang! Ano ka ba! Di ka na nasanay sakin" sabi ko at napansin ko namang namula iyong tenga niya kaya tumawa uli ako at tinuro iyong pulang tenga niya na mas lalo pang pumula!

"Hoy! Ano iyan! May sarili lang kaming mga mundo dito, nagkakamabutihan na kayo." Sabi naman ni Zei kaya napalingon naman ang aming ibang kasama sa aming dalawa ni Vesto.

"Ano ka ba, hindi! Tinutukso ko lang si Vesto, ang pula ng tenga eh!"

Tumawa si Xheira. "Kinilig lang iyan dahil kausap ka!"

Napatungo si Vesto at kulang nalang ay lumubog na siya sa upuan.

"Sayo lang siya nagkakaganyan." Dagdag ni Yuan.

"Crush ka eh." Dagdag pa uli ni Zei at napatawa ako.

Napatingin ako kay Vesto at ang sama-sama ng tingin niya sa tatlo at nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang nagulantang at napatungo.

Ang kyot kyot!

Hindi na nagsalita pa ang mga kasama namin kaya balik naman ako sa pag focus sa pagkain.

Tumingin ako kay Vesto at nakatingin lang siya sa pagkain niya.

"Totoo ba, vest?" Tanong ko at bigla na naman siyang nagpanic. Jusko!

"Kalma ka lang, okay?" Natatawang sabi ko. "Hindi naman sa assuming ako pero base sa reaction mo ay mukhang totoo nga."

Hindi siya nagsalita at napaiwas ng tingin.

Ngumiti ako. "Ganda ko kasi."

Tumingin naman siya at ngumiti na rin.

"Ano bang fullname mo?" Tanong ko.

Ang weird lang dahil ilang taon ko na silang nakakasama pero hanggang first name lang talaga ang alam ko.

"Vesto Ssanyu Dee." Sagot naman niya at ngumiti.

"Ang weird ng pangalan mo."

Tumawa naman siya. "I think so too."

"Pwede bang San nalang ang itawag ko sayo? Ang weird kasi kung Vest para akong nakikipag usap sa bestfriend ko." Sabi ko at nag-angat naman uli siya ng tingin sakin.

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon