Epilogue

29 0 0
                                    

Thunder's POV

After 2 years..

"Hi babe." Bati ko sa kanya at nginitian siya.

Inilapag ko rin ang bulaklak sa harapan niya.

"I miss you. I miss you so so much." Sabi ko at biglang tumulo ang mga luha ko.

"Miss ka na rin ni Silver at ni Taj. Hindi ko sila kasama ngayon dahil si Silver may pasok, lumalaki na ang anak natin babe." Tumawa ako ng mahina kahit wala namang nakakatawa. "Si Taj naman nandun kina Crystal at nakikipag laro kay Khiro. Feeling ko dahil sa madalas na pagsasama ni Taj at Khiro maging tomboy iyong anak natin." Pagbibiro ko at biglang humangin ng malakas. Napangiti ako. Kung nandito talaga siya, malamang ay binatukan na ako nun.

"Joke lang, babe. Pero dalawa rin lang iyan eh. It's either magiging tomboy si Taj o sila ni Khiro ang magkakatuluyan." Tumawa uli ako ng mahina. "Biro lang. Baka hanggang kaibigan lang siguro ang dalawa. Pero ang bata-bata pa nila. Ano ba tong pinagsasabi ko?" Napailing nalang ako sa sarili ko.

"Jewel, ang dami ng nangyari simula ng mawala ka." At nang binanggit ko iyong dalawang huling salita biglang kumirot ang puso ko. "Hindi mo nasaksikhan iyong kasal nina Ruby at Fire nung nakaraang taon. Wala ka rin sa kasal nina Diamond at Phoenix na naganap tatlong buwan matapos ang kasal nina Fire. Nadelay iyong kasal nila kasi alam mo na, umalis ka kasi. Bakit mo ba kasi kami iniwan?" At pinahid ko uli ang mga luha ko.

"Hindi mo masasaksihan ang kasal nina Hiro at Crystal. Sa susunod na linggo na iyon, babe. Iyong kasal naman nina Lazer at Jade ay sa susunod na taon pa. Dapat sana susunod na ikasal sina Crystal matapos kina Ruby kaso pinagbununtis pala niya si Khiro kaya ayun. At ngayon, buntis na naman si Crystal sa pangalawa nila, kaya hanggang hindi pa masyadong malaki ang tiyan ni Crystal ay naisipan nilang magpakasal na. Si Ruby at Jade ay buntis rin pala. At tsaka malapit ng manganak si Dim. Akalain mo iyon? Nagsabay pa talaga sila. Kaya itong mga lalakeng kaibigan natin, pahirapan." Tumawa uli ako.

"Ang dami ko na bang sinasabi? Para akong babae nito, babe. Pero kahit na ganun man, hinding-hindi ako magsasawa na kwentuhan ka sa mga pangyayari. Sana nandito ka para masaksihan mo iyong mga nangyayari sa buhay namin. Miss na miss ka na namin, babe. At hanggang ngayon, sobrang sakit parin." Tinakpan ko ang mukha ko at napahagulgol. "Unti-unti ko ng natatanggap na w-wala ka na. P-pero ang hirap parin talaga. Masakit parin, Jewel. At hindi ko alam kung m-mawawala pa ba 'tong s-sakit na 'to" Sabi ko at napahagulgol.

Ilang minuto rin akong nasa ganung posisyon nang maisipan kong himasmasan ang sarili ko.

"Alis na ako, babe. Malapit na palang mag-gabi. Susunduin ko pa si Silver kina Crystal. Mahal na mahal kita. Paalam." Sabi ko at muling nginitian ang puntod niya. Bigla ulit humangin kaya napapikit ako at dinama iyon. Pagkatapos ay naisipan kong umalis na.

Hindi ko mapigilang mainis sa sarili habang naglalakad ako ngayon. Bwesit, bakit ba kasi ang layo ng pinarkingan ko ng kotse.

Habang naglalakad at nagtatakang tinignan ko iyong babaeng kasing edad ko lang yata na nagtatago sa likod ng puno. May pinagtataguan yata. May nakita rin akong lalaki sa may di kalayuan at parang may hinahanap. Ito siguro ang pinagtataguan niya.

Sumilip-silip iyong babae sa puno at bigla siyang nagpanic nang mapansing papalapit iyong lalaki sa puno na kinaroroonan niya. Napabuntong hininga ako at lumapit sa babae nang may ngiti sa labi.

Hinigit ko siya sa braso at sinandal sa puno.

"A-anong---"

"Sumabay ka nalang." Bulong ko sa kanya.

"Hmmmm... Mmmm." Ungol ko at nanlaki naman ang mga mata niya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya na parang naghahalikan talaga kami.

"Peste!" Rinig kong sigaw ng lalaki. "Mga walang hiya dito pa talaga naghalikan! Ano na bang nangyayari sa mundo!" Sigaw pa niya at rinig ko ang mga yabag niya papalayo.

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon