Picture: Jewel
Jewel's POV
Isang linggo.....
Isang linggo na ang lumipas simula ng magkalamabuan kaming magkakaibigan. Sina Diamond, Ruby, at Crystal ang nagsasama. Si Jade, palaging sumasama kay Lazer na mas lalong ikainis ko. Ako, eto palaging nag-iisa. Naiinis ako sa sarili ko, kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit ko binibig deal ang mga pangyayari...
"Jewel! Mag-usap nga tayo!" hinigit ni Crystal ang braso ko..
"Crystal--"
"Ano bang problema mo ha?!"
Hinigit ko ang kamay ko pabalik.
"Nagmamadali ako." Sabi ko at agad tumakbo papalabas ng room. Nagtungo ako sa C.R at thank God walang tao.
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin.
Stupid Jewel. Dahil lang dun, binabalewala mo na ang pagkakaibigan niyo?! Anong klase ka?!
*FLASHBACK*
"Jewel! Teka nga lang Jewel!"
Nilingon ko ang taong kanina pa ako hinahabol at tinatawag.
"What?!"
Nakakainis! Bakit niya ba ako hinahabol!
"Mag-usap nga tayo, sandali!"
"Wala tayong pag-uusapan!"
"Bakit mo ba ako iniiwasan?!"
"Eh kasi nga paasa ka!"
"Umasa ka kasi!"
"Ang galing mo kasi magbigay ng motibo!! Booooo! Pa fall! Bwesit!"
"Sorry." mahina niyang sabi.
Nagulat ako.
"Gusto ko lang naman, maging close tayo. Yun lang yun. Hindi ko naman alam na... Ahm... Mahuhulog ka" Sabi niya. Guilt was written in his face.
"Kaibigan lang ba talaga?" I asked hopefully. Bahala na.
"Sorry. May iba akong gusto." sabi niya.
Namumuo na ang luha sa mga mata ko.
"Sino siya?" Lakas loob kong tanong
Napansin kong nagulat siya sa tanong ko.
Pero bigla siyang ngumiti. Iyong ngiting nagsasabi na gustong-gusto talaga niya ang babaeng ito.
"Jewel. You don't hav--"
"I want to know."
Bumuntong hininga siya.
"Si Crystal. Sorry uli, Jewel." sabi niya at agad tumalikod.
Nanlaki ang mata ko.
Crystal? Crystal na kaibigan ko?
"Sinong Crystal?! Yung kaibigan ko bah?!" Sigaw ko pero di na niya ako nilingon.
Biglang tumulo ang mga luha ko. Kasabay nun ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Bakit siya pa? Bakit iyong kaibigan ko pa?
*End Of Flashback*
Iyon. Di ko mapigilang magselos, mainggit. Anong klaseng kaibigan ako?!
Nang makalabas ako ng C.R. Natigilan ako ng makita ko si Crystal.
"Tapos ka ng mag emote sa loob? Dahil papasok ako." Sabi niya
BINABASA MO ANG
I Swear, I Hate You
De TodoLove is something I was afraid to do but there is something different about you. You made me do something I swore not to do. You made me FALL IN LOVE WITH YOU ....