>>>Chapter 24<<<

17 4 0
                                    

-Ruby's pic-

Crystal's POV

"What the hell is this, Jade?!" Sigaw ko sa kanya. Bagong gising palang siya pero iyan ang bungad ko sa kanya. Eh sa naiinis na naguguluhan na ako eh!

"Inopen niyo nga messages ko?! It's invading privacy!"

"Wala akong pake! The point is.... Anyare? What the hell is this?? Naghahabol ka na ngayon?"

"Hindi niyo kasi naiintindihan!"

"Ipaintindi mo kasi samin!! Bakit umabot pa sa ganitong point, Jade?! Nasaktan ka na't lahat, naghahabol ka parin?! Para kang asong ulol na naghahabol, nagsusunuran, at ayaw humiwalay!" -Dim

*Pak*

Nagulat kami sa lakas ng sampal ni Jade kay Dim.. 

"Sorry ah? Mahal ko kasi iyong tao eh! Sorry kung ganito ako magmahal!" Napayuko si Jade at humagulgol. "Iyan ba ang tingin niyo sakin? Grabe naman kayo. Asong ulol talaga? Hindi ba pwedeng aso lang?"

Napatingin ako kay Dim. Lumambot ang expresyon niya. 

"Sorry. Iyan kasi ang ipinapakita mo"-Dim

"Have some self-respect... Winasak ka na nga niya. Pati ba naman pride at dignidad mo wawasakin mo para lang sa hayup na iyan?"-Ako

"Hindi ko napigilan ang sarili ko. Miss ko na ang dating Lazer, ang kulitan namin. Di ko matiis na hindi magchat. Mahal ko talaga ehh.."

Lumapit kami sa kanya at niyakap siya..

"Miss mo na ang dating Lazer? Ang kulitan at pinagsamahan niyo? Tandaan mo, baka lahat ng iyon peke! Please lang, Jade. Tumigil ka na. Wag mo ng saktan ang sarili mo"

"Ang hirap"

"Please lang. Subukan mo."

**

Ruby's POV

Lunes na lunes. Nakakapagod.

"Booooo!"

"Ay shit!"

"HAHAHAHA"

"Ang priceless ng mukha mo, tibo!"

"Tangna ka, Apoy!"

Tiningnan ko siya ng napakasama... Bwesit. Manggulat ba naman.

"HAHAHA!" Patuloy parin siya sa pagtawa. Bwesit mamatay ka sana sa kakatawa. "Whoo! Sorry na, tibo. Ang lalim kasi ng iniisip mo."

Tiningnan ko siya. "I like you."

"H-hahh?!!" Gulat na gulat ang itsura niya.

"I like you. Sobra."

"T-teka lang R-ruby-"

"HAHAHAHA" natigilan siya sa biglaang pagtawa ko...

"Mas priceless ang pagmumukha mo, apoy!"

"T-teka. H-hindi iyon totoo?"

Napatigil ako sa pagtawa.

"Hindi iyon totoo, ano ka ba! Asa ka pang magugustuhan kita" sabi ko at napatawa ng mahina

Biglang nagbago ang expresyon niya. His jaw clenched.

"Grabe ka naman." Sabi niya at biglang naglakad papalayo

"Oy! Fire! Ano ka ba! Joke lang iyon!" Sigaw ko, pero hindi na siya lumingon..

Putek. Nagalit ata. Bakit ba siya magagalit?! Dahil nagjoke ako sa kanya ng ganun? At sa sobrang ayaw niya sakin, di niya gustong magjoke ako na gusto ko siya. Iyon ba ang ikinagagalit niya? Tsk! Sinabi ko na ngang joke eh!

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon