>>>Chapter 33<<<

36 3 0
                                    

Picture: Crystal

After 6 years...

Crystal's POV

"Crystal!"

Napangiti ako sa taong tumawag sakin.

"Ayiee. Binibisita niya ako." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Ano iyang hawak mo?" Tanong niya at ngumuso sa papel na hinahawakan ko.

"Schedules and Appointments. Grabe talaga. Nakakastress! By the way, hindi mo ata kasama si Silver Alexander?'

"Nasa skwelahan pa. Sinusundo na ng yaya niya. Papunta na siguro iyon dito." Sabi niya at umupo sa sofa.

"Bakit hindi ikaw ang sumundo?" Tanong ko at tinignan uli ang papel na hawak-hawak ko. Bakit ba pumasok ako sa pagmomodelo? Tsk.

"May kinuha kasi ako sa condo." Sabi niya at may kinuha sa bag niya. "Oh eto" sabay bato sakin ng isang sketchpad.

"Aray ko naman! Ano toh?"

"Mga bagong sketch ko iyan na mga damit. Para sa next fashion line at gusto ko ikaw ang magdala ng mga damit na gagawin ko."

"Ano?! Kita mo namang busy pa ako eh? May photoshoot pa ako para sa dalawang magazine! Tapos-" tinakpan niya ang bibig ko. Langya.

"Shut it. Sketch pa naman iyan, hindi pa iyan ginawa kaya wag kang magmaktol diyan! Basta. I free mo nalang iyong time mo para dito, okeh?"

Umirap lang ako at tumango.

Biglang nagdoorbell at binuksan naman ng mga maid iyong gate.

"Mommy!" Sigaw ng isang napakacute na bata

"Xander!" Sabi ni Jewel at yumakap sa kanyang anak. "Yaya, pwede kanang maunang umuwi, ako na ang bahala kay Xander"

"Sige po, Ma'am." Sabi nang yaya ni Xander at umalis.

"Alam mo. Bumili ka na ng bahay. Hindi iyong nagco-condo pa kayo tapos may yaya pa." Sabi ko at iniligpit ang mga gamit ko.

"Plano ko naman talaga iyon tsaka nag-iipon pa ako. Etong next fashion line nalang ang hinihintay ko, kaya please Crystal help me. " Sabi niya habang binibihisan si Xander

Inirapan ko siya. "Obviously, kahit hindi mo sabihin iyan, tutulungan kita. Tsk. Kainis" iritang sabi ko pero may halong biro.

"Salamat talaga, Crystal. Utang ko sayo tong buhay namin! Paano nalang kami ni Xander pag wala ka."

Nilapitan ko sila at kinurot sa pisngi si Xander.

"Aray! T-itaaaa!!" Sigaw niya

"Grabee! Ang cute cute mo talagaaaa!" Nanggigil na sabi ko. Binitawan ko na ang pisngi ni Xander at hinarap si Jewel.

"Wala ka bang planong bumalik sa parents mo?"

Napayuko siya. "Hindi ko alam, Crystal. Itinakwil naman nila ako! Di na nila ako kailangan!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "It's been 6 fucking years, Jewel! Kilala ko si Tita Access, I'm sure miss na miss ka na niya."

Nagulantang kaming dalawa at agad nag panic ng biglang umiyak si Xander.

"Xander? What's wrong?" Alalang tanong ko. Lumuhod ako para magkasing tangkad kami.

"N-naiinggit ako." Sabi niya habang umiiyak.

Tinignan namin kung ano ang tinutukoy niya at nakita namin sa cellphone ni Jewel ang isang post sa facebook. Post ng isang masayang pamilya. Consist of a mother, father and a son.

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon