Ruby's POV
Boyish. Hindi kagandahan. Lalaki kung manamit. Ang buhok ay panglalaki rin. Basagulera. Tamad. Pikon. Mapanlait. Mapride. Palamura. Palaaway. Pero kahit ganun ako, maswerte parin ako dahil nandiyan si Fire at tanggap na tanggap niya kung ano ako.
"By? Ang lalim ng iniisip mo ah?" Tanong niya at sumandal sa balikat ko.
"Wala lang nam-- Ay wait! Anong By ha? Hindi pa tayo noh!" Sabi ko at tinulak siya
Ang kapal niyang tawagin akong By?! Tss. Baby?! Ano ako? Bata?! Ayan na. Nang-aaway na naman ako. Sana hindi ka magsawa sakin Fire. Tsktsk.
"Oh? Anong meron sa By? Nakakatamad kasi bigkasin iyong 'Ruby', kaya 'By' nalang for short" sabi niya at sumandal uli sa balikat ko at hinawakan ang kamay ko. Edi shing.
So, By is for Ruby pala. Bwesit. Nakakahiya! Iyan kasi Ruby eh! Kung ano-ano ang iniisip mo! Tsk!
"Ahhh.. Ganun ba?" Lintek. Napahiya talaga ako dun.
Pagkatapos nun ay hindi na siya nagsalita. Nanatili parin siyang nakasandal sakin habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Fire?"
"Hmmm?"
"Bakit ako?"
"Bakit hindi ikaw?'"
Napatingin ako sa kanya. Napatingin rin siya sakin.
"Seryoso, Fire. Bakit ako?"
"Seryoso rin ako. Bakit hindi ikaw?"
"Eeehhhhh.." napairap ako. "Eh kasi, look at me!" Sabi ko at tinuro ang aking sarili. "Alam kong hindi mo type ang mga tulad ko. Hindi naman ako kagandahan! Actually, para na nga talaga akong totoong lalaki eh!"
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tiningnan ako ng seryoso.
"Well, totoo ang lahat ng sinabi mo" seryoso niyang sabi
I glared at him at hinampas siya ng pabiro. "Bwesit!"
Tumawa naman siya "Pero seryoso, oo nga't lalaking lalaki ang porma mo. Pero kung makilala mo talaga ng lubusan ang isang Ruby Xu, may girly side rin ito. At isa pa, it's your personality that catches my heart." Sabi niya at kinindatan ako.
"Personality ka diyan! Eh ang sama kong tao!"
"Talaga? Nakapatay ka na?"
Hinampas ko siya. "Bwesit! Hindi!"
"Edi hindi ka masama. Look. I love and accept all your flaws. So please, stop doubting yourself and stop doubting my love for you." Sabi niya at hinalikan ako sa noo na ikinagulat ko.
Oh shit.
"Oh My Gosh!"
Agad kaming napatayo ng may nagsalita
"Paki explain nga?" Kunot-noo na sabi ni Crystal
"Kayo na ba?" Gulat na gulat na tanong ni Jewel
Napayuko ako sa kahihiyan. Leche.
"Hmm. Hindi pa." Sagot ni Fire
"Hindi 'pa'? So meaning, ligawan stage muna?" -Crystal
Tumawa naman si Fire. "Yup. Pakipot ang friend niyo eh"
"I can't believe this." Sabi ni Crystal at napailing-iling.
"Akala ko ba gusto mo iyong class president ng section B? Sino nga ba iyon?" -Jewel
Gulat akong napatingin kay Jewel. Pvta. Naaalala pa niya iyon?!!
"Ahh.. Si Karylle Castro." Sabi ni Crystal at tumawa ng malakas
BINABASA MO ANG
I Swear, I Hate You
RandomLove is something I was afraid to do but there is something different about you. You made me do something I swore not to do. You made me FALL IN LOVE WITH YOU ....