>>>Chapter 18<<<

22 4 0
                                    

Diamond's POV

Si Blue.. Bumalik na siya. At anong sabi niya?! Babawiin niya si Crystal?

Bakit ba ang late niyang umeksena? Eh, halata namang inlove na inlove ang kapatid ko sa Hiro na iyon. Tsk, I feel sorry for Blue.

Andito kaming apat sa cafeteria at tumatambay. Si Crystal? Eh malamang kasama si Hiro

"Transferee ba yan?" tanong ni Jewel sakin habang itinuturo si Blue sa di kalayuan.

"Hindi.. bumibisita lang iyan..."

"Kilala mo?" –Jade

"Yup. Iyan si Blue..."

Halos nanlaki ang mga mata nila sa gulat.

"Si Blue?! Iyong kababata niyo?!" –Ruby

"Yup. At babawiin daw niya si Crystal..."

"The hell? Eh ayos na nga ang buhay pag-ibig ni Crystal, guguluhin pa niya?"-Jewel

"Wala eh. Nagpapaka-cliché siya..." kibit-balikat kong sagot

"If he loves Crystal, he should set her free..."-Jade

"Isa pa iyang napaka cliché"-Ruby

"Eh kung mamatay na lang kaya siya para wala ng problema."-Jewel

Binatukan ko naman siya

"Grabe ka naman! Kaibigan ko rin iyan..." sabi ko

"Ehh nakakainis ehh! Sisingit-singit pa sa storyang toh, eh wala namang ka love team..."

"Malay mo, dadating rin iyan..."

"Ahmm... Diamond??"

Napalingon kami sa lalaking tumawag sakin.

Si Blue.

"Hey Blue..."

"Nakita mo ba si Crystal?"

"Hin—"

Sasagot na sana ako kaso sumingit si Jewel

"Hmmm. Nakikipagdate siguro kay Hiro. Alam mo na, sila na ehh... And as a bestfriend, kita sa mukha ni Crystal ang saya. Kaya I hope they will have a happy relationship at wala ng epal na manggulo sa kanila."

Nakita ko na dumilim ang aura ni Blue. Pasimple ko namang kinurot si Jewel..

"What??!!" she mouthed

"Ahh. Ganun ba.. Sige, alis na ako..."

Aalis na sana siya kaso tinawag ko

"Teka lang Blue!"

"Hmmm?"

"Alika muna. Kwentuhan muna tayo... Kailan ka ba nakauwi?"

Umupo naman si Blue sa tabi ni Jewel. Jewel glared at me. I just smirked at her.

"Ahh. Kahapon lang."

"Uy Blue." Tawag ni Jade sa kanya. "Masaya na sina Crystal, wag mo ng guluhin." Sabi niya at tumayo

Nagulat ako sa ginawa ni Jade. Sumunod naman sa kanya sina Ruby at Jewel.

I gave Blue an apologetic smile at saka sumunod.

**

Jewel's POV

"Thunder..."

"Hmmm?"

Nakatutok parin siya sa phone niya. Andito kaming dalawa sa rooftop. Eh wala namang klase. Nag meeting ang mga teachers.

"Ehh... Kasi..."

Tatanungin ko ba siya? Eh Paano kung... Hindi eh, naguguluhan na kasi ako kaya dapat lang...

Nagulat ako ng hawakan niya ako sa pisngi at nakatingin siya ng seryoso sakin..

"Jewel? Anong problema?"

Napaiwas ako ng tingin..

"Eh kasi..."

"Look at me..."

Napapikit ako bago siya tiningnan...

"Thunder, ano ba tayo?" diretso kong tanong..

Nakita ko sa mukha niya ang gulat.

At.... bigla siyang tumawa ng malakas

Napalayo ako sa kanya...

"Ano ka ba Jewel! Hahaha, mag kaibigan lang tayo!"

Nanlumo ako sa sinabi niya...

"Eh... Bakit... Sweetie—"

"Callsign lang yun, ano ka ba! Wag mong binibig deal..." sabi niya at tumatawa pa ng mahina

Peste! Ang sakit!

Nagmamadaling akong tumakbo.

Narinig ko pa ngang tinawag ako ni Thunder pero di ako lumingon.

Shit. Just shit.

Jade's POV

"Lazer... Hindi na ako magpaligoy ligoy pa."

"Ano yun?"

"Mahal mo ba ko?"

Bigla siya nabilaukan sa tanong ko. Nandito kasi kami sa isang coffee shop at yeah, nag cutting kami. Irregular classes kasi ngayon.

"Bibi naman, ano bang klaseng tanong iyan?"

"Sagutin mo nalang, Laze..."

"Hmmm. Basta ang alam ko lang, gusto kita..."

Napayuko ako. Okay na iyon, kesa wala diba?

"I like you too..." mahina kong sabi

"Huh? Ano?"

"I said I like you too.." and this time humarap na ako kay Lazer

Ngumiti lang siya...

Ba't ganun..... Parang.... Haaayyy...

Ruby's POV

"Hui, kapre! Ba't andito ka??!!"

"Eh bakit? Sa iyo ba tung puno ng mangga?!"

"Eh, marami namang puno diyan! Bakit dito ka pa sa puwesto ko?!"

"Gusto ko dito ehh!"

"Tss, umalis ka nga!"

"Ayoko!"

"Edi ako ang aalis, bwesit!!"

Tumayo ako at aalis na sana kaso hinawakan niya ang kamay ko

Agad ko naman siyang nilingon at tiningnan ng masama.

"Problema mo??"

"Bakit ba ang init ng ulo mo sakin?"

"Kasi panget ka..."

"Just stay, Ruby...."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya...

"Nakadrugs ka ba, Fire?"

Ngumisi siya.

"Yeap. Ecstasy..."

"Agh! Bwesit!"

Hinigit ko ang kamay ko at nagsimula ng maglakad. Nakailang hakbang na ako pero may humila sakin...

"Fire naman!!!"

"Sorry... Just please stay..."

Napairap ako

"Bwesit ka talaga kahit kalian..." sabi ko at naglakad pabalik sa pwesto ko kanina...

Nakita ko pa siyang ngumiti ng malawak.

Tsk. Baliw.....

****************

I Swear, I Hate YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon