Prologue

37K 566 9
                                    

''Paige, kahit ngayon lang sumunod ka sa akin! Tandaan mo bago ka kumilos o gumawa ng kahit anong hakbang ay hintayin mo muna ang signal ko. Mapapagalitan ako ni GB pag may nangyaring masama sa iyo.'' Pakiusap sa kanya ni Drake na siyang nasa headquarters at siyang nagbibigay sa kanya ng mga signal para hindi mahuli sa bitag na naroroon sa lugar ng mga Alcantara.

''Just trust me on this Drake.'' Ngumisi siya pagkatapos niyang magmatigas at saka tumakbo papunta sa basement.

Si Drake o mas kilala bilang Timothy Drew Gonzales ay isa sa mga kababata niya. Sa tagal na nilang magkakilala ay nakakasigurado siya na alam nito ang mga nangyari sa buhay niya. Makulit na tao si Drew at noong nagsaboy ata ng kakulitan ang Diyos ay may dala itong drum at saka niya iyon pinaligo.

''I knew you too well. Papatayin mo ako sa nerbyos Paige! Papatayin talaga ako ni GB pagnagkataon.''

''Hindi ka papatayin 'nun!'' Pampalubang niya ng loob kay Drake kahit alam niyang totoo ang sinasabi nito. Gumamagawa kasi siya ng sarili niyang stratehiya kaya ganoon na lamang ang pangamba ni Drake sa kanya.

Si Gabrielle Beverly o mas kilala bilang GB sa agency ay ang nakakatanda niyang kapatid. Ito ang namamahala sa secret agency nila. Isang legal na secret organization at agency ang Golden Key Organization o mas kilala bilang GKO. Gumagawa sila ng mga imbestigasyon para sa mga nagiging kliyente nila. Gumagawa sila ng mga masusing imbestigasyon sa mga magiging kliyente nila bago nila tanggapin ito. Kadalasan mga paghahanap lamang ng mga ebidensya ang kanilang ginagawa pero hindi mawawala doon ang mga mission na nagtatagal.

Ang gagawin niya ngayon ay kailangan niyang kunin ang HDC o hidden digital camera na idinikit noon nila Rook sa sasakyan ni Mr Alcantara. Kilala kasing nagbebenta ng illegal na gamot ito at kailangan ng isang matibay na ebidensya upang makulong ito. Bukod pa roon ay sangkot pa raw ito sa pagpatay noon sa isang artista.

''Paige, nahack ko na ang mga camera na nasa loob ng basement. You have fifteen seconds to get that evidence in Mr Leonardo Alcantara's car.''

''Copy''

Agad siyang tumakbo papunta sa mga sasakyan na naroroon. Hinanap niya ang kulay pulang mustang car sa mga sasakyan nanakahilera sa loob ng basement. Binilisan niya ang kanyang mga kilos at saka niya kinuha ang HD na nakadikit sa sasakyan ni Mr Alcantara. Tumakbo siya palabas ng kwarto. Dahil may nakita siyang bintana na ang katapat ay ang kanyang motor ay wala siyang alinlangang binuksan ito at saka tumalon.

''Malalagot ka talaga sa akin mamaya Paula Joice!''

Napatawa na lamang siya sa sinabi ni Drake sa kanya. Panigurado kasi na kinabahan na naman ang mokong niyang kaibigan.

''Para namang mababaril mo ako sa pagbabanta mong iyan Drew! Chill. Mission Accomplished.''

''Oo na Mission Accomplished. Good Job Paige.''

Pagkarating niya sa headquarters ay ibinigay niya na ito sa isang agent na nasa experiment department at saka siya nagtungo sa opisina ng kapatid niya. Kita niya na nakaupo ito sa swivel chair nito habang ang paa nitong nakasuot ng boots ay nakapatong sa mesa.

''GB!''

Kita niyang nag angat ng tingin sa kanya ang kapatid at saka siya pinukulan ng masamang titig. Nakataas parin ang paa nito at tila wala lang rito na makita itong ganoon.

''Good thing at nakauwi ka na. How was the mission?''

''Accomplished as always GB.''

''Good. Now I would like you to take this mission.''

Umayos na ito ng upo at saka may kinuhang folder sa may loob ng cabinet na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng kwarto nito. Bumalik muli ito sa pagkakaupo at saka binigay sa kanya ang folder na kinuha nito.

Binuklat niya ito at nakita niya ang litrato ng isang lalake na sa tingin niya ay mahigit anim na talampakan ang tangkad. May maputing balat, maamong mukha, aristokadong ilong, mapupulang labi at ang mata nitong napakatapang ngunit maamo. Sa itsura pa lamang nito ay nagsusumigaw na kung gaanong kapangyarihang tao ang binatang nasa litrato.

''He is Clyde Ryan Gregory Sanchez. He is now the owner of a secret agency in America. He works as a freelance photographer for Gucci, Guess, Giordano and Dior. He also himself is a model. Hindi lang marunong umanggulo sa likod ng camera pati na rin sa harap. He is still 25 years old at kahit ganyan pa lamang siya kabata ay marami nang achievements ang natanggap niya. And he is your mission. You need to protect him from all people who like to perish him. Tandaan mo Paige, protektahan mo siya.''

''Bakit hindi na lang siya maghire ng mga body guards? Mayaman naman siya diba? Bakit pa siya mag aaksaya ng oras na kumuha ng agent para prumotekta sa kanya?''

''Actually Paige, hindi niya alam na may magbabantay sa kanya at ikaw iyon. You need to guard him.''

''Magbabantay lang ba ako? The heck GB! Ang dali ng mission na iyan bakit sa akin mo ibinigay? Kayang-kaya iyan ng mga junior agents natin.''

''Paula, you need to accept this. Remember. His rule was, One Lie, One Shot.''

''Gabrielle! Hindi pa ako nagsasabi na pumapayag na ako.''

''Kakasabi mo lang. Tanggapin mo na iyan.''

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon