Chapter 25: Inside (SPG)

12.2K 211 11
                                    

Dumiretso sila sa isang bar na hindi ganoon kalayo sa hotel na tinutuluyan niya. Kanina lamang ay nagtagumpay na sila sa pagkuha ng ebidensya laban kay Winston. Kahit anong pilit niyang si Croux na lang ang kumausap sa pesteng lalakeng nagngangalang Winston si Clyde pa rin ang kumausap rito sa bandang huli. Pabebe ba naman kasi si Croux e. Panira ng momentum!

''Cheers'' sabay angat ng shot glass ni Croux. Tiningnan niya muna ito ng masama at saka niya itinaas rin ang baso niya at ipinagdikit sa baso nito. Kawawa naman kung de-dedmahin niya.

''Ang sama pa rin ng tingin mo sa akin. Ano na naman ba ang ginawa ko?'' tinaasan niya ng kilay si Croux at saka ininom ang tequila na laman ng baso niya.

''Paula...'' mahinang tawag sa kanya ni Clyde na siyang katabi niya rin. Bale, katapat nilang dalawa si Croux na ngayon ay nakanguso.

''I hate you.'' sabi niya kay Clyde at saka niya binalingan ng tingin si Croux na may plano yatang ubusin ang bote ng whiskey.

''Wala ka na 'dun Croux. Move on.'' yun na lamang ang sabi niya rito at saka niya iniangat ang bote ng whiskey at nagsalin sa baso niya.

''Ang dami niyan.'' paalala ni Clyde sa kanya.

''I know.'' sambit niya rito at saka niya dinagdagan pa ang laman ng baso niya. Tila parang hangin lamang na dumaan sa kanya ang mga sinabi sa kanya ni Clyde. Ayaw niya magalit rito pero hindi niya mapigilan. Hindi naman siguro masama na mainis rito kahit papaano di'ba? Tao lang rin naman siya.

''Stop that Paula. Tama na 'yan.'' inagaw nito ang bote at inilayo sa kanya. Tinangka niyang abutin iyon kaso inilalayo ito ni Clyde. Lalo tuloy siyang nainis.

''Ibalik mo 'yan sa akin Clyde. Gusto kong magpakalasing.''

''No Paula. Hindi pwede.''

''Isa, Clyde.'' banta niya rito.

''Dude, pagbigyan mo na. Mukhang may dalaw e.'' singit naman ni Croux.

Agad niyang binalingan si Croux at ganoon na lamang ng nakangisi iyon sa kanya. Kahit madilim at liwanag lang mula sa makukulay na ilaw na gumagalaw sa loob ng bar ang naroroon, kitang-kita niya ang ngisi nitong nakakainis. Ang sarap dukutin ang ngipin e! Kapag 'yun nakuha niya, ewan na lamang niya kung makakangiti pa ito. The fuck.

''Excuse me.'' pinipigilan niyang hindi lumabas ang mataray na boses niya kaso hindi niya napigilan. Nakakasuklam e.

''Mukha ngang meron ka.'' sabi nito.

''Wala 'no. And for your information every-''

''Every 18th ka nagkakaroon.'' pag extra naman ni Clyde na siyang ikininapula niya. Kung meron siguro siyang ipagpapasalamat sa lugar iyon ay hindi kita na namumula na ang kanyang mukha. Nakakahiya!

"Ayun naman pala e. 30th of the month na ngayon kaya imposibleng magkaroon."dagdag pa ni Croux. Tinikom niya ang kanyang kamay. Nakakainis.

"Tama na 'yan Croux. Naiinis na si Paula."saway naman ni Clyde sa pinsan nito at naramdaman niya na hinawakan nito ang kamay niya na nakatikom at pilit na bibubuksan iyon at saka nito hinawakan at kiniskis ang hinlalaki nito sa palad niya. Kahit papaano, nabawasan ang pagkainis niya dahil rito.

"Ewan ko sa inyo, love birds." nakangisi na sabi nito at saka mabilisang nilagok ang whiskey nito at saka tumayo.

"Allergic ka talaga 'no? Napaka-kill joy mo."sagot niya rito.

Iyon ang napapansin niya kay Croux. Simula nung dumating siya sa Mexico, ang sama na ng trato nito sa kanya. Hindi nga niya alam kung ano ang ginawa niyang mali rito. Wala naman siyang atraso rito. Sa pinsan lang nito at hindi sa kanya pero ang sama pa rin e. Idagdag mo pa nung naging maayos na siya at si Clyde. Lalong lumala! Kala mo tuloy may galit kay kupido.

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon