Chapter 34 (SPG)

10.9K 190 1
                                    

Kahit kanina pa sila nakauwi sa condominium ay hindi pa rin mapanatag ang loob niya. Yung mga nakasulat na salita sa sulat tila binabagabag ang pagkatao niya. Damn! Obsession.

Matanda na si Winston. Mga nasa 50's kung tatantsahin niya. Naiisip niya pa lamang na yakap siya nito halos tumaas ang balahibo niya. Nakakadiri! Hindi niya inasam na pumatol sa isang lalakeng malaki ang pagitan ng edad. Hindi siya cougar chaser!

"Ayaw mo na?" tanong ni Clyde sa kanya.

"Busog na ako." sagot niya rito.
Ang totoo niyan, nawalan siya ng gana. Nakakainis ba naman yung lintek na Winston na iyan. Akala mo kung sinong, binata para gustuhin siya. Tang ina.

Umupo sa tabi niya si Clyde at saka dinampi nito ang labi sa labi niya at sa kanyang tiyan. Napangiti siya roon. Na divert kahit papaano ang isip niya dahil kay Clyde. Nakakatuwa.

"Gusto mo kwentuhan kita?" alok ni Clyde sa kanya. Maganda na magkwento ito ng magkwento para makalimutan niya ang nabasa kanina. Nakakatakot. Nakakapangilabot!

"Sige."

"Hinahanap ka sa akin ni Royce. Sabi niya, kukunin ka niya raw model at partner raw tayo. Kaso ang sabi ko, hindi ka pa ngayon pwede dahil kailangan mong magpahinga. Mamaya mangyari yung nangyari sa iyo noon. Natatakot na ako."

Hinaplos niya ang pisngi ni Clyde at saka niya ipinatong ang ulo niya sa balikat nito. Walang-wala na siyang hahanapin sa isang lalake.

Yes. She dreamed to have a prince-a handsome one who have this guts to save her from distress, and make her his world. Noon, akala niya si Roffer na nga ang lalakeng iyon kaso hindi hanggang sa dumating si Clyde.

Clyde, changed her perspective about princes. Prince charming na nga ito para sa kanya. Pantasya ng bawat babae sa mundo kaso iniwan siya nito at sinumpa. Nagalit siya rito and now, magiging maganda na nga ang patutunguhan ng lahat. She will be his. Only his girl. Kaya nga, hindi siya nagsasawang magpasalamat dahil binigay sa kanya si Clyde.

"Pwede naman na magphotoshoot ako pero gusto ko yung nakasuot ako ng bridal gown at ikaw naman ay nakatux. Pero sana magandang anggulo. Yung hindi ganoong kita ang tiyan ko." sagot niya.

Kita niya ang pagngiti nito na siyang umabot hanggang mata. Nakakatuwa.

"Siya naman ang kukuha ng photographs mo. Alam mo naman kung paano siya magtrabaho. Tsaka, malakas ka sa kanya."

Oo nga naman, si Royce ang kukuha ng pictures niya at alam niya na magiging maganda iyon. Baka nga matalbugan pa niya ang model ng Victoria's Secret sa ganda at kasexy-han. Kahit naman may tiyan siya ngayon, naniniwala siya na ang tunay na kagandahan ng katawan ay nagsisimula sa pagdadala sa sarili at bonus na roon na buntis siya. Pregnant women are the sexiest women in the whole wide world.

"By the way, may ipapakita ako sa iyo. Kuha ko kanina."

May inabot na maliit na envelope si Clyde na siya namang binuksan niya. Halos lumuwa ang mata niya. Paano ba namang hindi e, nakatopless si Clyde sa picture. Buti na lamang at nakaupo ito at hindi kita ang tinatagong abs nito. For her eyes only lang iyon! Pero kita pa rin yung dibdib! Ang sarap magwala.

"Pahiram ng phone." pakiusap niya kay Clyde at binigay naman sa kanya ang phone nito.

Pumunta siya sa phone book at saka njya hinanap ang pangalan ni Royce. Nang makita niya ay tinawagan niya ito. Ilang ring pa lamang ay sumagot na si Royce.

"Clyde! Bakit ka napatawag?"

"Royce! Si Paula ito."

"Paula! Sinabi na ba sa iyo ni Clyde na gusto kitang maging model?"

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon