Chapter 31

7.5K 157 0
                                    

Buhat-buhat siya ni Clyde palabas ng banyo. Halos nanlamig ang kanyang katawan kanina. Suka na lamang siya ng suka. Mukhang dehydrated na rin siya. Her eyes looks shallow and red. Naiiyak na nga siya. Baka kung ano ang mangyari sa baby niya.

"Baby, hold on tight." bulong sa kanya ni Clyde at saka nito pinahid ang luha na nasa pisngi niya. Inistart na nito ang sasakyan at saka nito pinatakbo. Walang minutong lumipas na hindi siya sinusulyapan ni Clyde at iyon ang nagbibigay sa kanya ng lakas.

Kailangan niyang tatagan. Hindi niya ata kakayanin kung pati ang batang nasa sinapupunan niya ay mawala. Itong batang ito ang magbibigay liwanag sa madilim niyang nakaraan. Bukod pa roon, ang magiging baby nila ni Clyde ang pupuno ng saya sa buhay nilang dalawa.

Nito lamang ay nalaman na niya ang dahilan kung bakit may batas si Clyde na, One Lie, One Shot. Si Megan pala ang pinagmulan ng lahat.

Aaminin niya napuno ng insekyuridad ang sarili niya noong ipinagtapat ni Clyde ang nakaraan nila ni Megan. Kung nakilala niya lang noon si Clyde at kasama nito ang babae baka ngayon nasa lupa na ito at nakabaon. Hindi niya halos masikmura na magkasama ang pinakamamahal niya at ang mahaderang iyon.

Ayun nga, dahil iniwan siya nito at kinuha ang mga mahahalagang bagay sa bahay, nainis siya at isinumpa na ang lahat ng babae. Kaya hindi na nga rin siya nagtataka kung bakit ganoon na lamang ang pakikitungo sa kanya ni Clyde nung umakting siya na mawalan ng malay at walang maalala.
"C-Clyde..." she whispered. Sumakit kasi bigla ang tiyan niya at natakot siya. Baka may mangyari sa baby niya.

"Malapit na tayo, Paula. Hold on."

Hinawakan ni Clyde ang kamay niya at pinisil iyon. Kaya niya. Kakayanin niya. Hangga't nasa tabi niya si Clyde lahat kakayanin niya.

Tiniis niya ang sakit na nararamdaman niya. Nagbubutil na rin ang pawis niya sa noo. Nilalamig siyang maigi dahil na rin sa aircon ng sasakyan. Yung mga mata niya nagsisimulang magtubig muli at bumibigat na siyang gusto niyang pumikit.

Naramdaman na lamang niya na nakahiga na siya at tulak-tulak papasok ng emergency room. Idinilat niya ang kanyang mata at halos kulay puti na lamang ang kanyang makita.

"Clyde!

Umiling siya ng umiling pero puti pa rin ang nakikita niya. Lalo tuloy siyang natatakot. Nakakapanindig balahibo kung iisipin dahil bigla na lamang nawala ang paningin niya at napaltan na lamang ng kulay puti. Ni-katuldok na kulay pula, asul o kaya ay dilaw ay wala siyang masinagan.

"I am here. I am here. Tatagan mo Paula." naramdaman niya na ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya.

Yes. She needs to be strong. Kailangan niyang maging matatag kahit alam niya sa sarili niya na baka may mangyaring masama sa kanya o miski sa bata.

"C-Clyde...'' hindi na niya mapigilan na hindi mapalahaw sa iyak. It is so heart breaking moment. Hindi niya inaasahan na mangyayari iyon sa buhay niya. All she thought that the lives of her parents and older brother was enough for her happiness but it is not. Iyon ang mahirap e, tipong planado na ang lahat tapos hindi pala masusunod.

"Hush..." naramdaman niya na pinunasan nito ang luha niya at saka niya narinig na hindi na ito pwede sumama sabi na rin ng nars.

"You'll be fine, ma'm. Oxygen lang po muna tayo." pampalubang loob sa kanya ng nars at saka niya naramdaman na may inilagay itong oxygen hose sa ilong niya. It has this soothing sensation. She feels relax a bit but it is a big help.

Iyon na lang ang natandaan niya habang inaasikaso siya ng mga tao sa emergency room. All she have is one wish before she closes her eyes and that is, let her child be safe.

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon