Chapter 21: Nos Encontremos de Nuevo

9.1K 215 6
                                    

Kanina niya pa hinahanap si Croux. Ang sabi sa kanya ng receptionist ay naroroon nga daw ito na siyang bihira raw para sa araw na iyon dahil sa susunod na buwan pa raw ang checking nito sa hotel. Kanina hindi niya ineexpect na makikita niya si Clyde. Aaminin niya, namiss niya ito kaso nananaig pa rin sa kanya ang galit na naramdaman niya noong iniwan siya nito.

"Why are you looking for him?" Napatingin siya rito at ganoon na lamang ang kagustuhan niyang makayakap ito.

"Mind your own business Clyde." pagsusungit niya rito at saka tinalikuran.

"You are my business Paula. Ikaw lang." rinig niya na siyang nagpapantig sa pandinig niya.

Humarap siya rito kaagad at saka tinitigan.

"Clyde. Huwag mo na akong lokohin. Nagsisinungaling ka."

"Hindi kita niloloko Paula. Why would I do that to you?"
"Really?"
"Yes."
"Kung hindi mo ako niloko why would you leave me hanging in there? Alam mo ba kung ano ang naisip ko? Pinaglaruan mo lang ako. Are you happy? You won! Nasaktan mo ako doon. Binaba ko ang pride ko para sa iyo pero ano ginawa mo, iniwan mo ako."

Unti-unting tumutulo ang luha mula sa kanya. After many months of keeping it ngayon niya lang nailabas ang hinanaing niya tungkol rito. Masakit pa rin at hindi na ata maghihilom iyon. She just experienced the greatest love that anyone could ever seek into. Clyde let her experience that and he is also the reason why her heart was shattered into small pieces.

Naramdaman niya na niyakap siya ni Clyde na siyang lalong nagpaiyak sa kanya. She missed this feeling. She missed being in his arms.

"Paula... If I could turn back the time. I will never do that to you." sabi nito sa kanya at akmang hahawakan sana nito ang kanyang kamay kaso tinampal niya ito at saka tiningnan ng masama.

"Definitely you are not a time maker to reverse the scene nor to put it into the future. Hindi mo na maibabalik iyon. Let's say, past is past. Then accept the fact that we are done."
Iniwan na niya ito at saka siya lumabas ng hotel. Sa tinagal tagal ng panahon bakit ngayon pa?

Sumakay muna siya ng taxi dahil hindi na siya maaaring bumalik ulit roon upang i-maneho ang sasakyang nirentahan niya. Mamaya pa ay makita pa niya ito lalo lang siya masasaktan. Nagpahatid siya sa isang tahimik na lugar na hindi naman ganoon kalayo sa hotel. Bale mukha itong elevated na lupa na may benches roon. May mga puno rin na malalaki kaya medyo presko. Umupo siya sa isang bakanteng bench na naroon. She is reminiscing how good was there relationship was. It was a very ideal to her but it was all fantasies that was only good in the beginning and when she liked how does the relationship was going she was afraid to end for she now it would be painful. She is not a princess in distress that a prince would save her. It is another way around.

"Bakit mo nga ba kasi ako iniwan? I thought that night would be the best but it was a total nightmare of my life. Mas masahol pa ito sa nasaksihan ko noong bata pa ako." bulong niya sa hangin at saka hinawakan ang bracelet niya.

"If you are a time keeper, would you fix my past and make it a beautiful one. Why I still love you..."

Nagsimulang lumuha na naman siya. Tumingala siya para hindi iyon tumulo pero kahit anong hawin niya masakit pa rin. Kailan kaya magiging manhid ang kanyang puso para sa binata? Katanungan pa rin iyon para sa kanya. Isang malaking katanungan na ayaw niyang sagutin dahil alam niya ang kasagutan at iyon ay walang hanggan.

"Why would a lovely woman stays at night in this peaceful place?" rinig niyang sabi ng isang tao na papalapit sa kanya. Hindi niya alam kung sino ito kaya inihanda na niya ang kanyang sarili para kung sakaling umatake ito at aatakihin niya ng judo o kaya taekwondo.

"Sino ka?" tumayo na siya at saka niya ito binalingan ng tingin.

"Hey! I wouldn't harm you. Infact, ako na nga ang lumalapit sa naghahanap sa akin e."
"Agent Cxs?" tanong niya rito na siyang tumango naman.

Tinalikuran niya ito at saka umupo muli sa bench. Tumabi naman sa kanya ito at saka tumingin sa kalangitan.

"Bakit ka nagpakita?" tanong niya. Parang kanina lamang hinahanap niya ito at ayaw naman magpahanap kaya bakit ito na ang kusang lumapit sa kanya?

"Wala lang."
"Huwag mo nga ako paglokohin. Kanina hinahanap kita dahil may katanungan ako pero mukhang nagtatago ka."
"I do it on purpose."
"But why?"
"Para magkaayos na kayo ng pinsan ko." may inabot ito sa kanyang papel. Binuklat niya ito at saka niya binasa.

"What's with this?" itinaas niya pa ang sulat. Isang copy iyon ng natanggap niyang sulat noong nasa bar siya upang pagmatyagan sila Bernadette Trinidad at Timothy Raven.

"A letter. A warning letter telling you to go out and save the targets."
"I know."
"Tsk. Hindi ko alam kung bakit hindi mo pa rin magets. Ano ba ang nagustuhan sa iyo ng pinsan kong iyon? Hindi ka naman matalino kumpara sa akin. Mukha ka pa ngang newbie pero wow. Elite ka? Iba na ata kapag kapatid ang namamahala sa GKO. Kahit ang kapatid na hindi naman ganoon kagalingan ay maaaring ipasok sa magulong mundo at saka magkakaroon ng elite na title. What a mess."

Nanggagalaiti na siya sa galit. How dare him to insult her like that. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya pinahiya at isang lalake pa na hindi niya ganoon kakilala.

''If you are here to insult me, get lose. I don't need someone like you. Tsaka, Mr Croux Sanchez, ask your cousin why a girl like me is what he wants. In fact, siya pa ang humahabol sa akin kaya huwag mo ako tanungin kung bakit niya ako nagustuhan. Itong babaeng hindi matalino kumpara sa iyo at sinasabi mong walang alam sa pakikipagbakbakan ay ang babaeng kinababaliwan ng pinsan mong walang kwenta.'' Naiinis na sabi niya rito. Nagtimpi pa naman siya kahit papaano pero sa oras na mawalan na siya ng pasensya rito, hindi niya alam kung ano ang magagawa niya.

''Iyon nga ang nakakapanibago. Biruin mo, inutusan pa ako na maglagay ng P.S. Tsk.''

''Ano?''

''He told me to write that p.s. Now I know why.'' Unti-unti itong tumango at saka ito ngumiti ng palihim na hindi naman nakaligtas sa kanyang paningin.

''You are far different from her.''

''Who?''

''Megan.''

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon