Chapter 17: Operation

11.5K 214 6
                                    

Nawalan siya ng malay. Iyon lang ang naalala niya pagatapos ng pag-uusap nila ni Roffer. Gusto niyang umiyak ng umiyak. Sa nakalipas rin na limang buwan ay binantayan niya si Clyde. Kasama niya palagi ito at palagi niyang kakulitan. Nasusungitan siya pero ito rin ang dahilan kung bakit siya ngumingiti.

"Paula..." napatingin siya sa pinto at nakita niya si GB na nakatayo sa tapat niyon at may dalang baso ng tubig. Umupo na lang siya at saka sumandal sa headboard.

"Nabalitaan ko ang nangyari." Hindi siya umimik rito. Iniabot sa kanya ng kapatid niya ang hawak nito kanina.

"I am sorry. Kasalanan ko iyon. Kung hindi ko sana binigay sa iyo ang mission kay Clyde sana hindi mangyayari iyon sa iyo." sabi nito sa kanya. Hindi pa rin siya umimik rito. Ayaw niyang magsalita.

"I know I am the one who is liable of what happened. Kung gusto mo, barilin mo ako. Saktan mo ako."

Napangisi na lamang siya sa sinabi nito at saka ininom ang tubig. Humarap siya pagkatapos.

"Hindi mo kasalanan. Ako ang may kasalanan. Ako ang sumuko sa kanya. Ako ang may dahilan kung bakit nawala iyon. Minahal ko siya. Pinagkatiwalaan hanggang sa ibigay ko sa kanya ang sarili ko. Hindi mo kasanan iyon GB. Ako. Tsaka, kung gusto kitang barilin? Sino ba ang masasaktan sa bandang huli? Ako pa rin hindi ba. Ako, kasi ang mawawalan at mauulila. Wala na nga sila mama at kuya Patrick pati ba naman ikaw mawawala at ako pa ang dahilan. Ayoko."

Tumayo na siya sa higaan at saka niya kinuha ang kanyang gloves at sinuot iyon. Pupunta siya sa shooting range, kailangan niyang magpawala ng stress. Tama naman ang sinabi niya. Siya ang may kasalanan niyon. Siya lang ang dapat sisihin sa nangyari. Siya lamang.

Pagkarating niya roon sa shooting range halos puno na pero dahil gusto niya talagang maglabas ng stress ay pumasok pa rin siya. Halos natigil ang lahat ng makita siya. Ibinaba nito ang kanilang mga baril at hinubad ang ear muffs. Tiningnan niya ang lahat ng tao sa loob at ganoon na lamang nang biglang magsilayuan ito sa sarili nilang mga stations at pumunta sa may likod. Kinasa niya ang kanyang baril na kinuha niya bago siya dumiretso rito. Wala pa man siya sa tapat ay nagsimula na siyang magpaputok. Bawat tama ng bala sa shooting target ay talagang tinatamaan ang pinakagitna, bull's eye.

Patuloy lang siya sa pagputok sa baril hanggang sa naubusan na siya ng bala. Habang nagpapaputok siya kanina hindi mawaglit sa kanyang isipan ang mga panahon na kasama niya ang binata. She is in pain. Hindi pa rin kasi naman niya malaman kung bakit siya iniwan nito. Dahil ba isa nga iyong pagkakamali? Ayaw niyang isipin iyon kaso wala namang iba na maaaring maging sanhi kung hindi ay iyon lamang.

''Lumabas muna kayo. Mag-uusap lang kami." rinig niya. Sumunod naman ang ibang agents rito dahil alam nila na siya lang ang makakapagpatino sa akin. Yes. She knew who ordered them to go out. Wala naman ibang tao na nagpapatino sa kanya kundi si Roffer lang.

Pinatong niya ang baril niya sa isang desk at saka siya umupo sa may gilid. Tumabi sa kanya si Roffer at saka ito tumingala.

''This is all my fault.''
''Ha?"
''Kung hindi lang sana naghiwalay tayo, hindi mo sana mararamdaman ang sakit na naranasan mo."

Napangisi siya rito at saka pinisil ng mahina ang pisngi nito.

"Wala kang kinalaman roon Roffer. Masasaktan at masasaktan rin naman ako."
"Yes but not that way." tumingin ito sa kanya at saka ibinaling nito ang tingin sa may pintuan na nasa tapat lamang nila.

"Silly. Ganoon na rin iyon.''
''Hindi Paula. It is not the same. Magkaiba ang ginawa niya at ginawa ko."
"Ewan ko sa inyo. Bakit kayong mga lalake, sinasaktan niyo ako? Napakasadista niyo sa akin.''
''You are meant to be strong and that is the reason why you are in pain and suffering."

Tumayo na ito at saka iniabot ang kanyang kamay. Napatingin ito sa target niya at saka ito ngumiti.

''Hindi ka parin nagbabago. Palagi ka na lang nakaka10 points. Kahit 20 m ang layo."

''Ewan. Matalas pa rin iyang paningin mo at kita mo pa rin kahit ganoong kalayo."

He just chuckle at saka sila sabay na lumabas ng shooting range. Well, tama nga ang sinabi niya kanina tungkol rito, palagi siyang napapatino at napapangiti. He still have that effect on her. Kaso alam niyang hindi iyon totally 100% na natutuwa siya. Why? It is because her heart has nowhere to found. She already gave it to him, the man who made her shattered into pieces.

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon ay may mission siya. It is just an investigating case kaya madali lang. Huwag nga lang siya mahuhuli kasi panigurado mapapa-engkwentro na naman siya. Pagkatapos ng ilang araw na panunuluyan sa headquarters napag-isip niya na hindi palaging saya lang ang buhay. May mga pagkakataon na magiging mapait ito pero hindi iyon ang maaaring pumigil sa kanya. Kumbaga, natamaan siya sa isang bakbakan at hihintayin niyang mamatay. Hindi ganoon iyon. Dapat patuloy lang siya well it may be her last but she want it to be honorable right? Ganoon.

"Paige, do you hear me?" tanong sa kanya ni Drew aka Drake.

"Yes. In position."
"Acknowledge. Now, you need to search for that suspect."
"Acknowledge."

Inayos niya ang suot niyang black sexy crochet open back party asymmetrical dress. Mahilig siyang magpunta sa bar at ganito palagi ang outfit niya. Palaging fit sa hubog ng kanyang katawan.

Nagpunta siya sa may bar counter at saka niya inilibot ang tingin niya sa lugar. May suot siyang lense na nagbibigay ng data nito kaya malalaman niya kung iyon na nga ba ang taong hinahanap niya.

Her mission is to search for the suspect in the case of Trinidad Parvo, a successful businessman who was assaulted last night. Isang lalake at isang babae raw ang suspect sa nangyari. May malaking pangangatawan ang lalake at ang babae naman ay may magandang katawan. Ayon sa biktima, sineduce raw muna siya ng babae at doon nangyari ang assault.

Batay sa lead, palagi raw napunta ang suspects sa bar at iyon ang dahilan kung bakit siya nasa lugar. Isang Bernadette Trinidad ang pinaghihinalaang suspect at siya ang hinahanap niya. Tuwing alas nueve ito pumapasok sa bar at nagtatrabaho bilang isang waitress. Samantala, Timothy Raven naman ang pangalan ng lalake. Pinag aralan niya ang nakita niyang picture at masasabi niyang may itsura ito pero sa magandang itsura nito ay may madilim na krimen na itong nagawa. Sayang!

Tinawag niya muna ang bartender at saka siya umorder ng tequilla. Lilibangin muna niya ang sarili niya dahil kapag wala talaga siya ginagawa ay pumapasok pa rin sa isipan niya si Clyde. Kamusta na kaya ito? May babae kaya itong kasama bukod sa kanya?

Napahigpit ang hawak niya sa baso sa naisip at roon nakapagdesisyon na siya. Sa oras na matapos niya ang mission na ito, she has her own mission and that is, Operation Revenge. Kaya niya iyon.

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon