Chapter 15: De Paula Sanchez (SPG)

12.3K 254 10
                                    

Natapos na nila ang photoshoot kanina sa rooftop at ngayon nga ay silang dalawa na lamang ang naiwan idagdag mo pa ang higaan na kanina lamang ay halos may mangyaring kababalaghan. Paano ba naman, bakit kailangan na nakapatong si Clyde sa kanya habang ang suot lamang niya ay ang kulay pula na lingerie? Oo! Iyon nga. Kaya nga halos itakip na niya ang kumot sa sarili niya. Tapos, si Clyde, topless pa! Bwiset! Bwiset! Bwiset!

"Clyde." tawag niya rito pagkarating nito. Bumaba kasi ito saglit dahil may mga kukunin lang daw at pagbalik nga, may alak at isang kopita ito na hawak. Idagdag mo pa ang panakip sa mata.

"Paula, ayokong gawin ang hindi pa naman dapat, pero sumuway ka."

"Isang beses lang naman!" pagdadahilan niya kahit alam niya sa sarili niya na hindi lamang isa iyon kundi maraming beses na.

"A rule is a rule. Punishments should be implemented as the person is pronounced guilty." seryoso nitong sabi.

"Pang political scinece 'yan a!" sagot niya. Biro niya iyon para kahit papaano ay mabawasan ang tensyon na bumabalot sa paligid niya. Hindi naman siya nabigo dahil kitang-kita niya ang pagngiti nito.

"Yes. It is."
"Sabi na nga ba! Lawyer ka siguro."

Gusto niya na ibahin ang usapan. Natatakot siya ngayon sa kung ano maaaring mangyari at tanging sa ganitong paraan ay medyo hindi siya nangangamba sa maaring gawin sa kanya ni Clyde. Nakakatakot ang aura nito. He has that black aura pero may nararamdaman siyang senswalidad dito.

"No. I am not a lawyer but my friend Patrick is a lawyer."

"Patrick?"
"Yes. Patrick John Velasco."
"Parang narinig ko na ang pangalan na iyan." sagot niya at saka siya humiga sa kama.

Lumapit sa kanya si Clyde at ganoon na lamang ang expresyon nito lalo na nang may sinabi ito.

"Do you trust me, Paula?"

Alam niya na merong iba sa tanong na ito. May kung anong tinatagong hiwaga ang nasa likod ng mga salita nito.

"Definitely."

May binigay sa kanyang tela si Clyde at nang tingnan niya ito ay iyon ang telang panakip sa mata. Umupo siya mula sa pagkakahiga at saka tiningnan sa mata si Clyde. Hinalikan nito ang talukap ng mata niya at saka nito kinuha at isinuot iyon sa kanya.

"As much as I want to see your eyes burning with desire and shine up so bright, I wont. I do not like seeing you hurting with the way what I am going to do with you."

"What do you mean?" she calm herself that she even did not attempt to remove that piece of cloth.

"Punishment."
"Oh."
"I think you already figure it out."
"Babarilin mo ako diba? Kumbaga, magiging katulad ko si Jose Rizal."
"Ha?"
"Hindi ba binaril si Rizal sa Bagumbayan? Ako naman dito sa itaas ng building. Halos parehas lang. Iba nga lang sa lugar at sa oras. 7:03 ng umaga binaril si Rizal. E ako, mga 6:30 ng gabi."
"6:30 ako bumaba, Paula."

"Ah. He. He." Napahiya siya roon.

"6:50 na ngayon ng gabi."

"Ang tagal mo pala bago bumalik. 20 minutes. Pero, barilin mo na lang ako kapag 7:03 na. Para naman kaparehas ko si Dr. Jose Protaçio Mercado Rizal y' Alonzo Realonda. Umaga nga lang sa kanya, sa akin naman gabi."

Narinig niya na tumawa si Clyde dahil sa sinabi niya.

"Seriously Paula, saulado mo ang pangalan ni Rizal?"
"Grabe siya! Madali lang naman tsaka, Clyde. May natandaan ako."
"Ano iyon?"
"May naging kaibigan nga pala si Rizal na friar sa Ateneo de Manila. Ang pangalan, Fr. Francisco de Paula Sanchez."
"de Paula Sanchez?"

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon