Epilogue

12.3K 226 18
                                    

Dumarating sa punto na kailangan nang bitawan ang isang bagay na minahal niya noon. Bawat araw na dumaan walang nakaligtas na hindi siya lumuluha at naghihintay. At base sa istorya na nabasa niya gawa ng mga anak nila, ang pagpaparaya raw ay ang pinakamataas na antas ng pagmamahal. Madaling magmahal pero mahirap bumitaw lalo na kung ang laking ambag nito sa pagkatao na mayroon siya.

''Mommy! I got a star! I got a star!''

Tumatakbo papunta sa kanya ang anak nilang si Cace. Noong ipinipagbubuntis niya ito, buong akala niya sasamahan siya ni Clyde kaso naglaho na lamang ng parang bula iyon noong kasal nila. Akala niya, masaya na. Akala niya, ayos na ang lahat. Kaso, buong akala lang ang lahat. Isang kahibangan ang salitang 'akala'.

''Hi baby! Wow! You've got a star! Ang galing naman ni baby Cace! Katulad ni mommy.'' puri niya sa anak niya at saka niya ito niyakap.

Cace. Caden Cennarch ' Cace ' Sanchez. Iyon ang napili niyang pangalan para sa panganay nila. Kamukhang-kamukha nito si Clyde. Yung matangos na ilong nito, mestisong kulay ng balat, at ang mata nitong medyo grayish. Talagang Clyde na Clyde! Labi lang ang nakuha sa kanya at masaya na siya roon. Hindi naman kinanya ni Clyde lahat e. Ayos na 'yun!

"Yes! I love you mommy!"
"I love you to baby Cace. I love you as much as your daddy."

May kirot pa rin na nananatili sa kanyang puso. Hanggang ngayon ay tandang-tanda niya kung paano mawala sa kanya si Clyde. Paano ito bumagsak at mawalan ng pulso. Tanda niya lahat at isang bangungot iyon na kailanman ay hindi siya magising-gising.

"Mommy. Nandito lang si Cace! Cace Loves you! Daddy loves you! We love you!" Ginulo niya ang buhok ng anak niya at saka niya ito inakay papunta sa sasakyan.

Limang taon na rin ang nakalipas. Masasakit, masasaya, malulungkot na bahagi ng buhay niya ang mga nangyari. Ngunit kahit ganoon ang mga naranasan niya ay nagpapasalamat siya at sa wakas wala nang manggugulo sa buhay niya. Si Cace ang pumuno sa bahagi ng puso niyang nawasak. He filled up the gaps in her heart like his father do-si Clyde.

"Paigeé!" masayang sigaw ng anak niyang si Cace nang makarating na sila sa bahay nila.

Yes. Bahay. Ito pala ang pinagkaabalahan ni Clyde noong nasa Mexico ito at kung saan nagkita sila muli. Hindi nga siya makapaniwala ng may lumapit sa kanyang isang babae at may iniabot na brown envelope. Nilalaman niyon ay ang titulo ng bahay sa Bel-Air at nakapangalan sa kanya. Naiiyak siya noon pagkakatanda niya. Hindi niya kasi naisip may balak na si Clyde noon na magkaroon ng bahay kasama siya.

"Kuya! Ch-ace!" bulol na bangit ng bunso niya. Kambal ang ipinanganak niya noon at masasabi niyang genius si Cace at manang mana sa tatay nito samantala, si Paigeé naman ay nagmana sa kanya. Average lang pero napakagaling sa mga activities lalo na kung sa archery.

"Its Cace, Paigeé. Not Chace." Paalala naman ni Cace sa kapatid nito.

"Sorry. kuya."

Nilapitan niya ang dalawa at saka niya hinalikan sa pisngi ang isa. Ilang minuto lang ang tanda ni Cace kay Paigeé at sa pagkakatanda niya ay nasa 3-5 minutes lamang.

"Its okay sis. I miss you," rinig niya na sabi ni Cace sa kapatid. Napangiti naman si Paigeé rito.

Iyon ang gusto niya sa kambal. Makulit pero sa oras na alam ng isa na malulungkot ito, papaligayahin ito. Talaga ngang may tali na magkakonekta sa dalawa kahit na napawalay ito sa isa't-isa.

"Hi baby Paigeé," bati niya rito.

Ngayon niya lang uli nakita ang bunso niya pagkatapos ang isang taon nito sa ibang bansa. Kasama nito ang mga magulang ni Clyde at tawagin na siyang tanga dahil pumayag siya na mapahiwalay rito pero kung iyon ang makakabuti para sa hinaharap, gagawin niya.

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon