Chapter 8: His Comrade

12.1K 286 6
                                    

Kanina pa siya nagpapaputok ng baril sa kalaban niya. Nasundan kasi sila ng isa na naman sa mga sindikatong gustong pumatay sa kasama niya. Kasama niyang nakikipagbarilan si Clyde. Tutal nga, ito pa ang nagbigay ng baril sa kanya.

"Paula. Yuko!" rinig niyang sigaw ni Clyde. Yumuko siya katulad ng utos nito at saka niya narinig na nagpaputok ito. Tinamaan nito ang lalakeng katabi ng binabaril niya. Patuloy siya sa pagputok ng baril hanggang sa bumagsak na lahat ito bukod sa kanya at kay Clyde.

May mga konting tama ito sa may tagiliran at kita niya na masyado itong dumudugo. May malaking bakas ng dugo sa puting polo nito. Medyo madumi na rin ang suot nito. May mga punit gawa ng mga pagtama ng baril mula sa nakalaban nila. Mas madami ito kumpara sa dati. Halos isang dosena ata ang mga ito. May mga rifle ito na dala at nakasakay ang iba sa van na siyang mabilis na pinaharurot ng driver nito.

Kakatapos lang kasi ng isa sa mga meeting na dinaluhan nila at papunta na sila sa sasakyan ng biglang may isang van na may apat na nagpapaputok ang bumulaga sa kanila. Nakailang iwas sila at tago sa mga sasakyan upang hindi matamaan kaso hindi sila titigilan ng mga ito hanggang hindi namamatay si Clyde.

"Use this to protect yourself. Marunong ka ba nito?" tanong nito sa kanya kanina habang nagpapaputok parin ang mga taong humuhuli sa kanila. Binigyan siya ng baril na hindi malayo ang itsura sa kanyang N14.
"I guess. Parang baril-barilan lang naman ito katulad ng sa mga arcades diba?"
"It is. Tamaan mo lang sila ng tamaan hanggang sa bumagsak." tumango siya at saka siya niyakap nito. Lumabas sila sa pinagtataguan nila at saka nakipagsagutan ng bala.

Madami rin siyang napatumba sa mga ito katulad ng kay Clyde. Magaling bumaril at umasinta si Clyde at nakakabilib ito. Miski siya ay napabilib dahil sa tapang at mga tricks na ginawa nito. Medyo nasugatan ito kahit papaano dahil na rin sa magagaling ang mga nakalaban nila.

"Clyde." Hinihingal siya habang tinawag ito. Nakangiti lang ito sa kanya at saka siya nito inakbayan.

"Hey." Napatingin siya sa mukha nito na napakalapit sa kanya. Konting agwat lang ang pagitan at paniguradong magkakasalubong ang kanilang mga labi.

"Yes."
"Ang galing mo. Nagtrain ka ba?"
"Hmm. Hindi. Sadyang avid customer na ako ng mga arcades lalo na kung baril-barilan."
"Ah" medyo nanlumo ang tono ng boses nito. Kaya alam niya na naghihinayang ito. Siguro nagkaroon ito ng suspetya na talagang nagtrain siya pero dahil nga kailangan niyang magpalusot, kailangan niyang magsinungaling rito.
"Pabayaan mo. Turuan mo na lang ako kapag may time ka." ngumiti siya ng matamis at nakita niya na ngumiti rin ito sa kanya. Mukhang payag naman ito sa nangyari.
"Sige.''
"Halika na. Gamutin na natin ang sugat mo."

Pagkarating nila sa bahay ay halos hindi na dumidilat si Clyde. Medyo matagal kasi bago sila makarating sa ospital dahil nagkaroon ng salpukan sa daanan nila. Hindi naman siya maaari na humingi ng tulong sa agency para ipadala ang chopper dahil maghihinala pa ito ng husto.

Tinanmpal niya ang pisngi nito at medyo umungol ito. Dali-dali niyang pinilas ang damit nito at kita niya ang katawan nito na naliligo na sa dugo. May mga natuyong dugo ito sa katawan kaso mas maraming dugo na bago at basa. Pinilas niya ang kanyang blusa at saka niya ito ginamit na panlapat sa sugat. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at inasikaso naman sila ng mga nurse at doktor. Dinala sa emergency room si Clyde at siya naman ay nilapatan ang sugat na natamo niya. Konti lang iyon pero ang hapdi.

"Si Clyde Sanchez iyon diba?" tanong sa kanya nung nurse na naglagay ng IV sa kamay niya.
"Yeah."
"Grabe. Hindi ko ineexpect na tototohanin niya ang sinabi niya noong dinala siya rito dahil naman sa saksak sa may tagiliran."
Napakunot ang noo niya sa kwenro ng nurse. Ano ang sinasabi nitong sinabi ni Clyde?
"Ano iyon?"
"Kapag daw bumalik siya gunshot naman daw."
Napangisi siya sa sagot ng nurse. Grabe naman! Ang galing mag assume ng lalakeng iyon! Super.
"There. Done." Napatingin siya sa braso niya at nakabalot na ito ng bandage at cast. Hindi nkya napansin na tapos na kung hindi lang nagsalita ang doctor. Nawili kasi siya sa nurse.

Lumabas na din ang doctor na nagopera kay Clyde. Tinanggal nito ang face mask na suot nito at saka lumapit sa kanya.

"He is safe. Ibang klase naman ang lalakeng iyon. Now, it is a gunshot. By the way, I am Dr. Troy Acuenza.You are?"
"Paula Matiag. His girlfriend."Narinig niyang sumipol ang doktor at saka tumabi sa kanya.
"Alam mo, babaero iyan. Madaming babae ang kaibigan kong iyan." Tumingin siya rito at saka ngumiti.
"I know pero he trust me and I trust him."
"Trust?" May pagaalinlangan ang sagot nito.
"Yes."sagot niya at saka niya itinuro ang kaliwa niyang paa kung saan nakasuot ang anklet na binigay sa kanya ni Clyde.
"Oh is that so." mapanguyam na sabi nito. Kung hindi lang ito doktor nako sigurado giniitan na niya ito. Kanina pa siya naiinis dito. Kala mo kung sinong magaling. Oo doktor siya. E ano naman? Bwisit.
"Dr. Acueza kung mangiinis ka lang dahil sa tono ng pananalita mo, umalis ka na. Nakakainis ka na e. Nga pala, intayin mo na gumaling ang sugat ko papuputukan kita." banta niya rito. Ngumisi sa kanya ang doktor at saka nito inilapitang mukha. Gwapo ito. May panlaban. Impyernes. Kaso, ang yabang e. Masyadong mahangin. Natatangay na siya sa kahanginan nito.

"Sa pagkakaalam ko lalake ang nagpapaputok diba?"

Naikuyom niya ang kamay niya dahil sa galit. Nagtitimpi na lamang siya ng galit dahil ayaw niyang gunawa ng eksena sa loob ng isang ospital. Ang bastos kasi ng lalakeng ito. Walang pakundangan.

Ngumiti siya pero pilit at saka niya hinawakan ang scrub suit nito. "Alam mo, masarap ako magpapaputok. Siguradong mapapahiyaw ka sa sarap. Kaso, baka ayaw mo ng ulitin kapag ginawa ko e."

"Paano ka ba magpaputok?"

Napangisi siya sa tanong nito. Mukhang iba ang nasa isip nito. Haha.
"Syempre hinahawakan ko muna."
"Tapos?"
"Mahigpit na hawak. Yung tipong hindi na mabibitawan."
"Masarap iyan a."
"Oo naman."
"Tapos saka ko pipisilin ng paunti-unti."
"Grabe. Ang sarap niyan."
"Oo naman. Super. Lalo na kung itatapat ko sa iyo ang alaga kong Colt XSE."

Tiningnan niya ang naging reaksyon nito at halata rito ang pagkagulat. Natatawa talaga siya. Masyado kasing maberde ang lalakeng iyon. Kaya iyan. Hahaha. Kung gusto niya makipagkiss-to-kiss ito sa baril niya. Panigurado bye bye birdie!

It is just priceless.
Super.

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon