Chapter 12: No Exemption

10.9K 251 0
                                    

Chapter Twelve

''Damn! What's with that white bikini Paula?'' medyo galit na may pagkadisgusto na tono ng pananalita sa kanya ni Clyde na ngayon ay nakasuot ng beach shorts na kulay white. Partner nga sila ngayon. Yes. Partner siya ngayon ni Clyde sa isang photoshoot at hindi niya alam kung magpapatuloy pa ba ito o hindi. Si Royce ang nagsuhesyon na maging partner ni Clyde sa isang pictorial na ang kailangan ay nakasuot ng two-piece bikini. Kaso, hindi alam ng binata na two-piece ang susuotin niya. Tinangal niya lang kasi ang suot niyang bath robe kaya nakita iyon ni Clyde. Napangisi na lamang tuloy siya. Kahit ganoon kasi ang pananalita ni Clyde alam niya na pinagtatakpan lamang nito ang gustong sabihin. Tumalikod pa nga ito sa kanya agad e.

''This is the outfit Clyde.'' Sagot niya rito at saka hinawakan ang balikat nito. She needs to be gentle, kind and lovable para mas lalong mahulog ito sa kanya ang binata. Hindi naman kasi siya papayag na siya lang ang mahuhulog ng husto samantala, ito ay hindi ganoon kalalim.

Ipinatong niya ang kanyang mukha sa may balikat nito at saka niyakap ng mahigpit. Kung pagseseduce ang tawag sa galawang ito, well it is. Hindi nga niya alintana kung damang-dama na nito ang dibdib niya. She is happier to know that she has an effect on him. Ganoon ang gusto niya.

''Paula.'' Tawag nito sa kanya. Mukhang may nag-iba sa tono nito. It became huskier but so sexy.

''Hmm?''

''Don't seduce me please. Baka hindi ko mapigilan at makikipagtalik ako sa iyo. Please.'' Alam niyang nahihirapan na ito. Halata na nga sa pananalita nito na nagpipigil na ito at iyon nga ang masaya! Napabungisngis na lamang siya sa naisip niya.

''I am not seducing you.'' Pagtanggi niya. Mahirapan kang tukmol ka! Lalo pa niyang inilapit ang katawan sa likod nito para lalo nito maramdaman ang buong katawan niya. Tumingin siya kila Royce at ganoon na lamang ang saya niya ng makitang may popcorn na itong kinakain. Tapos yung ibang mga staff mukhang kinikilig. Nako! Ang gandang cheerer a!

''Please Paula.'' Pagmamakaawa nito.

''Clyde, No.''

Napabuntong hininga ito at saka tumingala.

''Do not be so stubborn. Come on.'' Tinanggal nito ang pagkakayakap niya at saka umupo sa isa sa mga bato na naroroon sa beach. Tumingin siya kila Royce at saka niya nakita na ibinaba na nito ang bucket na may lamang popcorn at saka kinuha na ang camera. Lumakad siya papunta roon at habang papunta siya kila Royce ay narinig niya mula sa LD niya ang boses ni Drake.

''Kawawa ka naman. Paula.'' Tumawa pa ito. Napakuyom siya ng kamay dahil sa inis. Bwisit na Drake iyan! Tama bang mang inis sa mga oras na ito? Letse!

''Umayos ka Drake, pagbalik ko dyan makakatikim ang tenga mo sa akin.'' Banta niya rito. Mukha naman nattakot ito dahil hindi na ito sumagot. Buti na rin iyon. Baka kasi mamaya hindi niya mapigilan at oras mismo, pupunta siya sa headquarters para lang parusahan si Drake. Humanda siya.

''Bagay talaga kayo.'' Sabi sa kanya ng isang assistant. Nginitian na lamang niya ito at saka kinuha ang detox water niya. Nase-stess siya! Nakakaloka.

Hindi naman nagtagal ay ngsimula na silang magphotoshoot. Mayroong mga eksena na kailangang napakalapit ng kanilang mukha habang nakatitig sa isa't-isa. Tapos nakapalibot ang braso nito sa bewang niya. Kung hindi lang siguro siya nainis sa inasta ni Clyde ay malamang kanina pa siya natutuwa ng palihim kaso ngayon hindi kaya nga kailangang pilit ang kanyang ngiti o kaya magaan ang ekspresyon na pinapakita niya.

''Paula.''

''Yes?''

''I know you are mad at me.''

''So?''

''Can you forgive me?''

''Are you seeking for forgiveness from this stubborn lady?'' may inis na sagot niya.

'Yes.''

''But why?''

''Because...''

''What''

''Because I made a huge mistake.''

''Okay.''

''Paula.''

''Yes?''

''Forgive me. I know I offended you. Lalo na nung tinalikuran kita habang alam ko ay masasalita ka pa.''

''And?''

''I didn't mean to.'' Napangiti siya rito. ''But you really are stubborn.'' Napasimangot siya pagkatapos. Kala niya ayos na. Great! Fucking great. Ang hirap mo talagang kausap Clyde Ryan Gregory Sanchez.

''Just kidding.'' Pinisil nito ang tungki ng ilong niya at saka siya niyakap.

''It's just, I do not want to shock you from a sudden fast of pace. Ayaw kitang magulat at mabigla sa mga maaari kong gawin kapag lalo pang lumalim ang pagmamahal ko sa iyo. You know that I love you and it means I respect you.'' Bulong nito sa kanya. Kinikilig siya. Clyde is an old tradition man dahil sa pagtitimpi nito. He respects her that much. Bakit hindi nga niya iyon naisip? Clyde is very different but that make him unique and lovable despite of his rule.

Hindi pa rin naman niya nakakalimutan ang batas nito. Isa na nga lang kakalimutan pa ba niya? Syempre, hindi. One Lie, One Shot.

"Clyde.''

''Hmm.''

''What if I lied to you? Are you going to forgive me'' Natigilan ito alam niya. Inilayo nga rin siya nito para titigan sya sa kanyang mga mata.

''Paula, you know my rule.''

''Am I not exempted from that?''

Napabuga muna ito at saka sumagot.''No. I am sorry but a rule is a rule.''

''I see.''

''Why? Did you already lied to me?''

''No. Naalala ko lang.''

'Good.''

Inabot sila ng takip-silim roon at ngayon ay tapos na ang kanilang photoshoot. Bukas naman ay sa rooftop gaganapin. Mga pagabi na rin daw ang kailangang eksena dahil maganda ang araw tuwing lumulubog ito. Iyon ang aabangan nilang eksena. Nagpaalam na rin sila Royce na mauuna na dahil may aasikasuhin pa daw ito sa bahay. Kasama nito ang iba pang assistant kaya silang dalawa na lamang ang natira sa lugar.

Nakaupo sila sa buhanginan habang magkahawak ang kanilang mga kamay. This is so special for her. She didn't expect that love could be this beautiful. Sa simpling paghawak lang nila ay nararamdaman na niya ang pagmamahal nito. Her heart beats so fast and it making her crazy.

''The day that I gave you that anklet, I marked you mine, Paula.''

''But I thought it is your trust anklet?''

''It is. And you know what, forgive me when I lose my control towards my desire for you.''

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon