Chapter 32

7.6K 151 4
                                    

Abala siya sa pag-aayos ng mga papeles niya sa agency. Balak niya kasi na umalis sa field work at sa pagte-train na lamang ng trainees siya para ganoon panatag ang fiance niya na walang mangyayaring masama sa kanya.

Napag isipan na rin naman niya ito at kahit medyo mahirap bitawan ang field ay gagawin niya. Konti lang naman ang hinihingi sa kanya ni Clyde at bakit hindi pa niya iyon maibigay? Kung siya nga lahat ng hingiin niya binibigay nito, bakit siya hindi?

"Paige, ayos ka lang ba?" tanong sa kanya ni Drake. Nginitian niya ito at saka niya iniharap ang swivel chair na inuupuan niya.

"Oo naman. Ayos lang ako Drake."

Nakita niya na hindi ito na-please sa sinabi niya. Kilalang kilala kasi siya talaga nito.

"Alam ko na hindi. Mahirap sa iyo yung gagawin mo."

"Ito lang naman ang hinihingi ni Clyde sa akin. Alam mo naman na halos lahat binigay na niya bakit iyon ipagkakait ko pa sa kanya? Hindi naman talaga niya sinabi na umalis ako o kaya iwan ang trabahong ito. Ako ang nagdesisyon nito."

Tinapik lamang ni Drake ang balikat niya at saka ito ngumiti. He will always be her best childhood friend. Hindi dahil kilala siya nito ng lubos kundi alam nito ang totoong siya.

"Ang swerte ng lalakeng iyon sa iyo. Akalain mo 'yun ayaw mo pang tanggapin ang misyon na bantayan siya tapos, umuwi ka ng headquarters ng naiyak at punong-puno ng paghihinagpis. Then, malalaman namin na engage ka na isama mo pa na buntis ka. Ayaw ka niyang pakawalan a." ngumisi pa ito.

Mukhang ganoon nga ang nangyari. Katulad ng sinabi ni Drake, sinigurado na nito na hindi siya makakawala ata alam naman niya na mahal na mahal siya ni Clyde.

"Ganoon talaga. Tsaka, mahal ko naman."

"Ay nako. Ayoko sa love na iyan."

Mukhang allergic sa word na pag-ibig. Alam niya na may kwento itong hindi nalalaman ng karamihan at pababayaan niya na ito ang magkwento. Sa tamang panahon, ito mismo ang magsisiwalat.

"O siya, kapag gusto mong bumalik sa field, welcome ka. Welcome na welcome. Sagad hanggang buto. Itaga mo pa."

"Over na 'yan." natatawa siya. Mukhang nasobrahan na kasi si Drake. Kung exaggeration ang sinabi nito na sagad hanggang buto, dinagdagan pa ng itaga.

"Oo. Haha. Siya, siya babantayan ko pa si Roffer. Ngayon pa kasi. E. Kainis!"

"Hahaha. Nanisi siya! Trabaho mo yan bilang eye ng field agents. Sowrie."

Dinilaan niya ito pagkatapos. Nakanguso ngang umalis si Drake at naiwan na naman siya sa loob.

"Baby, uuwi na tayo?" tanong niya sa sanggol na nasa sinapupunan niya.

Mukha siyang tanga kung titingnan. Paano kasing sasagot ang anak niya na nasa sinapupunan niya kung halos maglilimang buwan pa lamang ito. May mga araw na nararamdaman niya na sumisipa ito pero ngayong araw? Hindi pa. Mukhang tulog pa ang baby niya. Aw.

Tatlong araw mula ngayon, haharap na siya sa dambana at magiging asawa ni Clyde. Malapit na siyang maging Mrs. Paula Joice Matiag-Sanchez. Ang gandang pakinggan. Maganda sa pandinig. Nakakatuwa.

*******

Bago siya makarating sa headquarters, inihatid muna siya ni Clyde. May photoshoot raw kasi ito at baka mainip siya kaya hindi na siya sinama. Ayos lang naman sa kanya ang nais ni Clyde para naman may oras siya kasama ang mga agents na naging parte na rin naman ng buhay niya.

"Gutom ka na?" tanong sa kanya ni GB pagkalabas niya ng silid.

"Ahm. Medyo. Samahan mo ako."
"Paula..."
"GB. Gusto ko ng hugs."

Niyakap naman kaagad siya ni GB na siyang nagpataas ng kilay niya.

"Hindi iyan!"
"Hugs di ba? Niyakap na kita."
"Hindi iyan. Gusto ko yung kisses na hugs! Kaso gusto ko white ang nasa loob at hindi brown." nakanguso pa siya habang sinasabi ito. Huminga pa ng malalim si GB na tipong hindi alam ang gagawin.

"Saan tayo kukuha niyan? Buntis nga naman oh!"
"Please..."
"Magpabili ka sa fiance mo."
"Wala siya rito."
"Tawagan mo. Pero sasamahan kita sa pantry."

Napanguso pa siya lalo. Ito ang mahirap kapag sa headquarters siya tinamaan ng pagke-crave. Halos lahat ng agent na mapagbubuntuan niya ng inis malalagot.

Noong nakaraan kasi, napagtripan niya si Throux-isa sa mga agent. Kinurot niya paulit-ulit. Hanggang ngayon nga, nahihiya siya rito. Namula kasi talaga ang buong katawan nito. Parang pinapak ng langgam ang itsura.

"Nako. Paula! Huwag rito. Sinasabi ko sa iyo. Natrauma na ang agents natin sa ginawa mo kay Throux!"

"Di ko kasalanan yun." napanguso pa siya lalo.

Damn! This is bad.

"Teka nga!"

Kinuha nito ang phone sa bulsa at saka nagdial.

"Clyde!" sigaw nito na parang nabuhayan!

Halos lumiwanag ang pakuramdam niya. Oh my! Si Clyde.

"Eto na nga. Kausapin mo. Maawa ka naman sa mga agents. Oo. Trauma na sila." rinig niya na sabi ni GB kay Clyde.

Mukhang kinukwento nito na nasa paglilihi na naman siya. Yes. Five months and still counting ay hindi parin nawawala ang paglilihi niya. Yung morning sickness niya, umayos naman kahit papaano pero ganoon parin. Hindi naman grabe.

Binigay ni GB ang phone sa kanya at narinig niya kaagad ang boses ni Clyde. Miss na niya kaagad ito.

"Baby, huwag mong masyadong papahirapan si ate Gabrielle mo at ang ibang agents."

"Clydie..."
"Bibigyan kita ng hugs na gusto mo." suhol sa kanya na siya namang ikinaliwanag ng mata niya. Gusto niya iyon!
"Yehey! Promise?"
"Promise."

Para talaga siyang bata. Simple lang ang kasiyahan pero napakapihikan. Minsan naiisip niya, masyado ng nagiging childish ang ugali niya. As much as possible, pinipigilan niya na maging ganoon. Alam niya kasi sa sarili niya na nakakainis yung ganoon pero napagbibigyan na lamang siya dahil nga buntis siya at masama na hindi nasusunod ang pinaglilihian.

"Clyde,''
''Sorry for being childish. Pagpasensyahan mo na ako."

Nagsimula nang mangilid ang luha niya at ang boses niya na magutay-gutay. Damn! Hormones!

Narinig niya na huminga ito ng malalim na akala niya ay huli na at saka nagsalita.

"Paula, you do not need to say sorry. I know it is just hormones. Konti na lang. Pero sana, huwag kang tamaan ng topak mo sa wedding day natin. Ikakamatay ko talaga iyon."

Natuwa naman siya sa sinabi nito.

"Ofcourse. Hindi! Pero sabihin mo dyan sa photographer na galingan. Ayoko ng mukhang lumba-lumba!"

Hindi naman talaga ganoon kalaki ang tiyan niya. Baby bump lang ang halata pero di ganoong kalaki. Maliit pa nga daw sabi ng doktor gawa na rin sa pag eehersisyo niya na halos ikamatay ni Clyde. Field work. Iyon ang exercise niya at ngayon, pinapakawalan niya na ito. Tatapusin niya lang talaga yung kay Winston. Gusto niyang ipaghiganti ang magulang niya. Hindi makatarungan iyon. Sabi nga, An eye for an eye, a tooth for a tooth. Buhay ang kinuha niya, buhay rin ang kabayaran.

"Yes. Take care okay? Tatapusin lang namin ito." paalam sa kanya ni Clyde.

"Bye."

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon