Chapter 23: Clyde

9.7K 209 6
                                    

Ipinasok kaagad ng mga nurse si Clyde sa Emergency Room. Hindi na sila nakapasok ni Croux dahil hinarang kaagad sila. Wala na siyang magawa kundi ay umiyak na lamang. All this time palagi na lamang siya pinapaiyak ni Clyde. Noong sinaktan siya nito dahil sa pag iiwan aaminin niya, sinumpa niya na sana mamatay na ito at huwag nang magpakita pero nitong nasa sitwasyon na ito na nga nag aagaw buhay na ang lalakeng pinakamamahal niya hindi niya lubos maisip na mawawala na ito at iiwan na siya. Curse it all! Why does she needs to bear all this pain and experience it in a very fucking way? Curse it!

"Huwag ka na umiyak. Wala ring magagawa iyan." sabi sa kanya ni Croux na nakatayo sa tabi niya samantala siya ay nakaupo na sa sahig na siyang katabi lamang ng pintuan ng emergency room.

"I hate you." may diin ang bawat salitang binigkas niya. Gusto niyang sisihin ito dahil kung hindi dahil sa pesteng plano nito panigurado hindi mababaril si Clyde! Hindi ito nag-aagaw buhay. Pero hindi naman pwede na sa kanya niya ibunton ang lahat ng sisi dahil pumayag rin naman siya sa plano.

"Walang may gustong mangyari ito kay Clyde. It was all an accident." tinikom niya ang kanyang palad at pinaghahampas ang sahig ng ospital.

Damn Life! Damn guns! Damn that Winston! Damn him! Fuck Him!

Pinaghalong galit at lungkot ang nararamdaman niya. Naiinis siya. Nagagalit siya. Halos, mawala pa nga siya sa huwisyo dahil sa nangyayari.

"It is all my fault... Bakit ba kasi ako pumayag? Bakit ba kasi... B-bakit ba kasi napakatanga ko."

Inalo na lamang siya ni Croux habang siya ay patuloy pa rin sa pag iyak. Halos magkasing katulad ang panahon na nakita niyang pinatay ang kanyang mga magulang. Magkaparehas na hapdi at kirot ang nararamdaman niya.

"Mama! Papa!" patuloy lamang siya sa pagsigaw sa mga pangalan nito kahit alam niya na wala na ang mga ito. Halos umagos na rin ang dugo nito sa sahig at natitiyak siyang patay na ang mga ito.

"Mama! Mama! Mama!" tinawanan lamang siya ng mga lalakeng dumakip sa kanila. Hindi nga niya alam kung ano ang dahilan kung bakit sila dinakip at pinapahirapan. Pero isa lang ang malinaw sa kanya, masasamang tao ang mga ito.

"Wala nang magagawa pa ang pagtawag mo sa mama mo bata. Kita mo nga na binalatan na namin ang kanyang pisngi, giniitan ng leeg at binaril sa sentido. Sayang na sayang talaga ikaw, Paulina. Bakit ba kasi si Cyan ang pinakasalan mo at hindi si boss Winston? 'Yan tuloy, nahihirapan kang mamuhay." humalakhak pa ang lalake at saka tinutok ang baril sa kanilang dalawa ng ate niya.

"A-ate."naiiyak na siya kanina pa. Takot na takot siya na baka sila naman ang isunod ng mga ito. Ayaw niya pang mamatay.

"Tumahan ka d'yan Paula. Walang magagawa ang pag-iyak mo." matigas na sabi nito sa kanya. Binalingan niya ito ng tingin at makikita niya na hindi man lang ito umiiyak. Gabriel Beverly is far different from her.

"Ha. Ha. Ha. Mukhang takot na takot ka na, bunso. Gusto mo ng isa pa?" pinikit niya ang kanyang mga mata at ganoon na lamang ang kanyang kaba ng nakarinig siya ng pagputok.

"Nakakatuwa ka. Hahahaha. Masyado kang matatakutin, Paula." ipinaglandas ng lalake sa kanyang mukha ang baril nito at saka pinisil ang kanyang mukha ng kamay nito. Nanginginig na siya sa takot.

"Bitawan mo siya." madiin na utos ng ate niya rito. Kaso tinawanan lang nito at saka muli binaling sa kanya ang tingin.

"Grabe, kamukhang kamukha mo ang ina mong si Paulina. Hindi na nakapagtataka na mas gaganda ka pa kapag nagdalaga ka na. Kuhang-kuha mo ang mukhang nagpatalima sa lahat ng lalake. Kaso, sa dinami-rami ng lalake ni isa sa amin na manliligaw niya, wala siyang sinagot kundi ang asungot na Sebastian Cyan na iyan! Ni hindi man lang nanligaw pero sa bandang huli siya ang pinakasalan. Tang ina!"

"Lumayo ka sa kapatid ko!" halos nagwawala na si GB sa tabi niya at gustong makawala.

Pinakawalan nito ang kanyang mukha at saka naman nito hinawakan ang mukha ang ate niya.

"Ang tapang mong bata ka! Miski naman na magwala ka dyan hindi ka makakawala. Mamamatay kayong dalawa kasama ng mga magulang niyo."gigil na sabi nito at saka marahas na binitawan ang mukha nito.

"Paula..." tinapik ni Croux ang kanyang pisngi at saka niya tiningnan kung anong oras na. 6 am. Nilibot niya ang paniningin niya at lumalabas na nasa kwarto siya ng hotel suit niya.

"Shit! Croux si Clyde!'' Bigla niyang naalala ang napaginipian. Isang bangungot. Sobra. Parang totoo ang lahat.

May itinuro ito at ganoon na lamang ang kanyang saya ng makita niya si Clyde na nakatayo sa may dulo ng kama niya at nakangiti. Bumangon kaagad siya sa pagkakabangon at saka niya niyakap ng mahigpit si Clyde.

"Oh God! Oh God! Buhay ka! Buhay ka!'' ramdam niya na niyakap siya nito. Hindi nkya alam kung anong saya ang nararamdaman niya.

"Buhay naman ako. Why?"

"Akala ko patay ka na... Kala ko iiwan mo na naman ako."

Inilayo siya nito mula sa pagkakayakap at saka siya tiningnan sa mata.

"One is enough. Two is too much. And, I don't think that I could let you go this last time." niyakap niya muli ito. Wala na siguro mas sasaya sa kanya sa araw na ito.

"Love birds... Tama na nga 'yan." pag awat ni Croux sa kanila. Napatawa na lamang sila pareho.

"We missed each other dude. Tsaka hindi ko alam kung ano ang nangyari kung bakit paggising na lamang ni Paula ay pangalan ko ang sinisigaw."

"Ewan ko sa iyo. Baliw na baliw ka na sa babaeng 'yan. Wala naman espesyal sa kanya." nang-iinis na sabi nito.

"Gago ka talaga Croux!"sigaw niya rito at saka ito umalis ng natatawa.

"Dyan na muna kayo! Tumawag na lang kayo kapag tapos na kayo. Mamaya pa't langgamin ang hotel ko nyan e!''

Pagkalabas ni Croux niyakap niya ng mahigpit si Clyde. Miss na miss niya na ito. Siguro dahil sa natakpan ng galit ang pagmamahal niya rito kaya hindi niya magawang lapitan o kaya gawin ang mga ginagawa nila dati kaso napagtanto niya noong makita niya sa panaginip ang duguang katawan nito. Doon napagtanto na hindi niya kaya ito mawala.
Kailanman. Sana forever na nga ito.

A/N: PAG MAY COMMENT NA MAY SENSE MAY UPDATE, HIHI

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon