Chapter 9: Almost Seen

12.8K 274 9
                                    

Pagkauwi nila sa bahay ay umalis kaagad siya para pumunta sa headquarters. Kailangan niyang malaman kung sino naman ang nagutos upang patayin si Clyde. Mukhang hindi nga lang ito ang target ngayon dahil nang makausap niya ang isa sa mga tinamaan niya ng baril ay pinagutos din na patayin siya. Ngayon, hindi lang ang binabantayan niya ang pinag iinitan ng iba kung hindi ay pati siya. Nalaman siguro ng mga ito na maaari siyang gawing pain para makulong sa bitag si Clyde. Pero, pasensyahan na lamang sila. Mas magaling at tuso siya sa mga ito.

"Paige." bati sa kanya ni Rook. Si Rook ay isa sa mga kaibigan niya. Ito yung naglagay ng tracking device at hidden camera sa sasakyan ni Mr Alcantara.
"Rook!" Niyakap niya ito kaagad. Namiss niya rin ang isang ito. Kalog din ito at noong magkasama sila sa training dito siya humihingi ng pagkain. Chef din kasi ito. Aba! Masarap mahalin ang mga taong marunong magluto. Hindi lang heart ang nabubusog kundi pati tummy. Mataba pa si wallet! Hahaha. Tipid!

"Kamusta ka na? May mission ka?"
Inayos niya ang kanyang buhok at saka niya iyon nilagay sa likod ng tenga niya. Shit! Lalo kasing gumwapo si Rook! Mala Luke Hemmings ang peg. Nakakalaglag obaryo.
"Ahm. Meron. Ikaw? Ang tagal na din ng hindi tayo nagkita."
Inayos nito ang suot nitong gloves at saka medyo ipinaling nito ang ulo sa kaliwa at saka ngumiti. Shit! Ang gwapo talaga.

"Ah. Oo nga e. Kakatapos ko lang sa mission ko about sa MDR Assassination."

Sinabayan niya ito sa paglqlakad hanggang sa pumasok sila sa isang kwarto. Alam niya ang kwartong ito. Ito yung kwarto para sa mga elite agents ng agency. Lahat silang elite ay dito ang tambayan lalo na kung gusto nilang magpahinga o kaya ay makipagbonding sa ibang agents.

"Kamusta naman ang naging mission mo?"
"Wala pang nahahanap na suspect sa pagpatay kay Ms Montreal Assuncion. May mga nahahanap kaming ebidensya na siyang nagtuturo sa nobyo nito kaso hindi pa ganoon katibay kaya kailangan ko pang bumalik bukas."
"Makakaya mo 'yan. Ikaw pa." Tinapik niya ang balikat nito at saka siya ngumiti. Sana naman masolusyonan na ang MDR Assassination na iyan. Isang mabait na tao si Ms Montry. Isa iyon sa mga kaibigan niya noong nasa college siya. Magkaiba ang kursong kinuha nila pero masasabi niya na isa ito sa mga taong naging malapit siya.
"Sana nga. Ikaw, kamusta naman ang misyon mo?"

Kumuha ito ng juice mula sa vending machine at saka ito binigay sa kanya. Umupo siya sa isa sa mga upuan na naroroon at saka niya itinusok ang straw sa juice at saka ininom. Umupo rin sa katapat na upuan niya si Rook at saka ito ipinatong ang isang paa nito sa isa pa.

"Ayos lang. Ngayon, nakuha ko na ang tiwala niya. Kanina nga halos pagbabarilin kami ng mga sindikatong gustong pumatay sa kanya. Pangalawang beses na iyon at sa dalawang beses na iyon palagi na lamang ako nadadaplisan."

She heard him chuckle a bit and then smile."Baka naman kasi madami sila. Pero, hindi ka naman ganyan dati. Hindi ka nga natatamaan ng bala. You have that title,'invisible Paige' kasi mahirap kang tamaan kaso bakit ngayon?"

Napasimangot siya sa sinabi ni Rook. Yes. Totoo na hindi siya madaling tamaan ng bala. Palagi na lamang niya kasi iyon naiilagan. Tuwing may training battle nga rin sila halos walang makatama sa kanya dahil sa bilis niya pero iba ang nangyari sa kanya ngayon. Palagi na lamang siya natataman. Siguro masyado lang siya occupated sa presensya ni Clyde. Simula kasi ng malaman niya na ito ang kababata niya ay nandoon yung will niya na hindi niya iyon ipapahamak. Tapos idagdag pa yung binigay nitong anklet. Trust anklet daw iyon ni Clyde pero iba ang nararamdaman niya dito.

"Huwag ka na sumimangot. Mamaya niyan pumangit ka." Rook joke at her. Tinitigan niya ito sa mata ng may halong talim. Tumawa lang si Rook sa kanya at saka tinapik ang balikat niya.

"Ito naman. Hindi mabiro. Maganda ka pa rin. Katulad ka pa rin ng dati."
Tumayo na ito at saka umalis. Napasandal siya sa upuan at saka napapikit.

Rook, why do you keep on holding back?
Why do you keep on hurting ourselves?
Why? Roffer Kyrt Trinidad.

Pinuntahan niya si GB pagkatapos at nakita niya na kausap nito si Rook. May binigay na folder ito na mukha ang laman ay bagong assignment. Mukhang madami ngayon ang trabaho sa agency. Dahil miski yung mga hindi pa tapos ang assignment, meron ulit panibago. Hindi muna siya pumasok sa loob ng opisina. Hihintayin niya munang makaalis si Rook at saka siya papasok. Hindi naman nagtagal ang paghihintay niya dahil lumabas na si Rook. Ngumiti pa nga ito sa kanya at ginulo ng konti ang kanyang buhok.

"Paula. What brought you here?" tanong kaagad sa kanya ni GB pagkapasok niya sa silid nito.

"I am here to report."
"Okay then. Proceed."

Huminga siya ng malalim at saka niya sinabi ang nangyari kanina. Napakunot ang noo ni GB sa sinabi niya at tila napaisip.

"I need evidences. May hula ako na nasa kompanya ni Clyde ang mastermind sa nangyari kanina."

Tumango siya sa sinabi ni GB. Malakas din ang kutob niya na maaaring nasa loob lang ng kompanya ang salarin. Hindi kasi madali na makapasok sa loob lalo na kung wala kang kilala na makapangyarihan sa loob. Mahirap pumasok doon pero kay daling lumabas.

"Got it."

Nagpaalam na siya pagkatapos. Niyakap pa nga niya si GB bago umalis. Ang saya lang. Matagal na niyang hindi nayayakap ang ate niya. Ang nag-iisang kapamilya niya na nabubuhay.

Nagdrive siya pauwi sa bahay ni Clyde. Dumiretso siya sa silid ni Clyde at sumilip. Tulog pa rin ito. Nakatakip ng kumot ang bewang nito at ang dibdib naman nito ay may nakabalot na bandage sa may tagiliran. Itinaas niya ang kumot nito at tinakpan ang dibdib nito. Baka lang malamigan kaya niya iyon ginawa. Pagkatapos ay sinuklay niya ang buhok nito gamit ang kanyang kamay.

"Clyde, what happened to you when I was gone? What is the meaning of thia trust anklet? I miss the old Clyde. The Clyde I knew beforw was a cheerful and happy go lucky guy. It was far different from the Clyde existing now. You are emotionless and dictatorial. I miss you Clyde. So damn much."

Umalis na siya pagkatapos at saka aiya pumasok sa kwarto niya. Nagpalit siya ng damit at saka naghilamos. Humiga na siya sa kama at saka natulog. This is a tiring day!

KINABUKASAN nakita niya na nakaupo si Clyde sa isa mga upuan na nasa loob ng kwarto niya. May hawak itong libro at nakasuot ng reading glasses.

"Good morning!" bati sa kanya ni Clyde. Sinarado nito ang libro at saka inilapag iyon sa mesa na katabi nito. Lumapit ito sa kanya at saka umupo sa may gilid ng kama. Napaupo siya at sumandal sa headdress ng kama.

"Good morning. Ang aga mo magising." Tinanggal niya ang kumot na nakapalibot sa kanya at saka niya nakita na nanlaki ang mata ni Clyde sa kanya.

"What!?" nakakunot ang noo niyang tanong.

"What the heck is that!"
"What?"

Nakita niyang tumalikod ito sa kanya. Halos namumula pa nga ang magkabilang tenga nito. Ang sarap batukan lang e. Nagsasalita siya tapos tatalikuran siya! Bastusan.

Tiningnan niya ang sarili niya at saka niya napagtanto wala pala siyang suot na bra. Shit! Ang nipis pa naman ng suot niya! Kahihiyan ito.

"Shit!"

"Wag kang magsasalita! I am warning you!"

"Pau-"
"NO!"
"Bakat."
"Tigil!"

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon