Chapter 26: Comrade

10.9K 183 8
                                    

Kung may isang word siyang masasabi tungkol sa nangyari kagabi ito ay, nakakapagod. Why? Ikaw ba naman ang kulitin ng mala-demonyong anghel na katabi idagdag mo pa na ito ang kumakalbit sa kanya at palaging napapapunta sa isang round. Paanong hindi siya mapapagod? Bilib na talaga siya sa stamina ni Clyde. Jusko! Mukhang walang kapaguran at binawi nito ang halos mag-pipitong buwan na hindi nila ginawa iyon. Aba lintek nga naman! Ang Superman ng taon! Clyde Ryan Gregory Sanchez. 

Idinilat niya ang kanyang mga mata at sa hindi malamang dahilan ay napangiti siya. There's something in her mind that makes her happy. Hindi lang talaga niya mafigure out kung ano talaga iyon. Hinapit niya ang comforter na nakatakip sa katawan niya at saka siya sumanda sa may headboard ng kama. Nothing has change. Really. Amoy nga lang. amoy, sex. Hahaha.

Inayos niya ang buhok niya na siyang natatakluban ang mukha niya at saka niya iyon inilagay sa likod ng tenga niya. Tumayo siya at saka niya hinanap si Clyde. Baka mamaya umalis na naman iyon. Nako! Sisiguraduhin niya na gagawin niya ang number six sa rules niya para magtanda! Lumabas ba siya sa may kwarto niya at saka siya tumuloy sa may banyo. Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin at saka siya nag ayos. Hindi naman pwede na lumabas siya na nakakumot lang. Magtataka ang ibang tao kapag makita siya na ganoon at saka, kay Clyde lang niya balak ipakita iyon. Aba!

Binasa niya ang kanyang katawan at amoy na amoy niya parin ang pabango ni Clyde sa kanya. Naaalala niya yung mga ginawa nila. Hay nako! Parang ayaw nga din niya magkuskos kasi lahat ng parte ng katawan niya hinawakan nito, hinalikan... Nandoon na yun! Kaso... Hay ewan. Nanghihinayang kasi siya na mawala ang amoy ni Clyde sa katawan niya. Parang baliw na tuloy siya.

Sa bandang huli naman ay kinuskos niya rin ang katawan niya ng sabon at saka siya lumabas. Nagtungo siya sa may closet niya at may nakita siyang post it na nakadikit roon. Kulay pink na post it iyon at base sa sulat nito na parang hindi lalake ang nagsulat dahil hindi naman kinayod ng manok pero sakto lang para maintindihan.

Hi! 

I know you are angry with me because I leave you once again.

Smile.

I prepared a breakfast for you. Someone will deliver it.

P.S. I cooked it.

Love,

Clyde

Napangiti naman siya kahit papaano. Clyde is being sweet and romantic. Yung inis niya sa binata kanina halos nawala. Binuksan niya ang closet at saka niya kinuha ang damit na may post it sa may hanger nito. Tinanggal niya ang post it mula sa pagkakadikit at saka niya iyon binasa.

Wear this okay? 

Te amo

Jusko! Halos nasindihan ata ang puwetan niya. Kinikilig na talaga siya. Katulad ng sabi nito, sinuot nga niya ang damit na iyon. It is a white lace flare dress na medyo hapit sa mga braso niya at sa may tiyan. Simple lang ang istilo niyon pero napakaelegante. PInaresan na lamang niya ng pumps na kulay puti at saka niya inuayusan ang sarili. Konting make up lang ang nilagay niya at kinulot ang dulo ng kanyang buhok. Hindi naman nagtagal ay narinig niyang may nagdoor bell. Tumayo siya at saka niya iyon binuksan. Katulad nga ng nakasulat sa unang post it may magdedeliver nga. Pinapasok niya ito at saka nito inilapag ang pagkain sa may mesa na siyang malapit sa may bintana. 

Pagkaalis nung bellhop, pinagmasdan niya muna ang pagkain na nakahain roon. It is just nachos  with cheddar dip, burritos, scrambled eggs and cucumbers. Simple lang pero masaya siya kasi kahit papaano, alam niyang nageffort si Clyde na gawin ito. Tinikman niya ang pinagyayabang nitong luto niyang itlog at makakain naman. Hindi siya ganoon kaalat o kaya matabang. Hindi rin naman ito hilaw o kaya sunog. Tamang-tama lang talaga. 

Billionaire's Only Rule (One Lie one Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon